:::
Chapter 1: Ordinary day?
Art's Pov:
Nakatitig ako sa harapan kung saan pinapanood kong magturo ang teacher namin sa Art.
Sa totoo lang... Ayaw na ayaw ko sa kanya. Lagi akong trip ng teacher na to eh.
Art daw kasi subject nya eh Art din yung pangalan ko. Nakakatawa grabe. Natatawa nga ako eh.
Pero masaya ako... Kasi kahit pagtripan ni Sir yung pangalan ko ay wala namang may pake. Ayos nang si Sir yung pumapansin at nangaasar sakin kesa ako naman pagtripan ng mga kaklase ko.
"Okay class, we will be having an Art project." namilog ang mata ko ng iemphasise ni Sir yung salitang Art.
"You will be partnered. Kayo na ang bahalang kumuha ng partner nyo, wala akong pakialam." sabi nya. Asang magkaroon ako ng partner. Wala ngang gustong lumapit sakin eh. Walang nga akong kaibigan eh.
"Eh Sir ano po ba ang project na sinasabi nyo?" tanong ng isa kong kaklase na babae.
"Good question. Gagawa kayo ng maskara. Para yun sa mascarade ball na gaganapin next month." nagtilian naman yung mga babae. Excited much? Siguradong hindi naman ako pupunta dahil wala akong susuotin.
"At ang partner nyo sa paggawa ng project na yan ang magiging partner nyo sa ball." oo na. Ikaw na Sir. Psh! Wala naman akong kapartner so hindi ako pupunta sa ball.
*krinnggg*
Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at lalabas na sana nung may sinabi si Sir.
"Maghanap na kayo ng partner nyo kung hindi bibigyan ko kayo ng 75 na grade." what?! Niloloko mo ba ako?!
Ayoko magkaroon ng 75!! Pano na?! Wala namang may gustong kapartner ako. Grabe ka naman Sir!!!
Gumuho yung mundo ko nung sinabi ni Sir yun. Alam nya siguro na wala akong partner.
Wala na... Matatanggal ako sa rank ko. Puro 97 or 98 grade ko pero pag nagkaroon ako ng 75 ay tanggal ako sa highest rank! Matatanggal din yung scholarship ko!
Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa inis. Naiinis ako sa teacher namin na yun. Pinapahirapan talaga nya ako!
Okay na sana kung pagtripan nya ako eh! Okay lang ako dun! Pero grade ko na yung pinagtitripan nya eh!! Waaaaaaah!! Wala na!
Naglakad ako sukbit ang bag at nagtungo sa rooftop. Paborito kong lugar ang rooftop. Feeling ko malaya ako sa tuwing nandoon ako.
Magandang pumunta dun lalo na ngayon na naiinis ako. Bwisit naman kasi eh!!
Nakarating na ako sa rooftop at ibinaba yung bag ko sa sahig. Dumiretso ako sa may railings at inilaylay ko ang paa ko doon.
Tumingala ako. "Bakit ako lagi yung pinapahirapan mo?!"
Naiinis ako... Naiinis ako sa teacher namin. Gusto kong kalbuhin ang teacher namin na yun.
Gusto ko syang sampalin! Gusto ko syang suntukin! Gusto ko syang sipain! Pero ano naman ang magagawa ko? Teacher sya... Student lang ako. Mahirap pa...
BINABASA MO ANG
Bakit ako?
Teen FictionTama nga ba na tanongin ko ang sarili ko na 'Bakit ako?'. Mayaman ka... di hamak na maraming may gusto sayo dahil gwapo, matalino, confident, popular at higit sa lahat ay may class ka. Eh ako? Mahirap lang ako... Walang class, tanga, slow, matalin...