:::
Chapter 2: Saved
Art's Pov:
Napabuga nalang ako ng hangin nang matapos na ang shift ko. Nagtatrabaho ako bilang waitress dito sa isang coffee shop.
Napasinghap ako ng biglang may tumapik sa balikat ko. Pagtingin ko ay boss ko lang pala.
"B-bakit po?" kinakabahang tanong ko. Hala! May nagawa ba akong mali? Matatanggal na ba ako sa trabaho?!
Tinignan ako ni Sir Kit ng seryoso. Kinagat ko nalang yung dila ko dahil sa kaba. Paano na kung matatanggal ako sa trabaho? Saan naman ako maghahanap ng panibago? Paano ko na matutulungan si tatay sa mga gastusin?
Napakunot ang noo ko ng bigla nya ako ngitian. "Natakot ba kita?"
Napakurap ako at sunod-sunod na umiling. "H-hindi naman p-po."
May nilabas sya mula sa likod nya. Nakita kong may hawak syang white envelope.
"A-ano po yan?" tanong ko.
Nginitian nya ako at inabot ang kamay ko at ipinatong ang puting envelope. Eh? Ano ba kasi to? What's diz?
"Yan yung sweldo mo. At wag ka na mag po sakin. 2 years lang naman age gap natin kung maka po ka naman. And just call me Kuya Kit. Gasgas na kasi ang Sir." sabi nya habang nakangiti sakin. Napangiti nalang ako at tumanggo.
"Sige po—sige Kuya Kit." sagot ko na medyo nagkamali pa. Hindi kasi ako sanay alam mo yun?
"Geh. Umuwi ka na dahil gabi na. Baka magalala pa yung tatay mo." saad nya na medyo tinutulak ako para pauwiin. Napatawa nalang ako at nagumpisa nang maglakad.
Sukbit ang bag ay naglakad na ako pababa ng isang street. Short cut ito kaya dito nalang ako dumaan. Madilim dito pero kaya ko naman. Hindi naman kasi ako takot sa dilim. Sanay na din naman ako dumaan dito dahil magiisang buwan na ako sa trabaho ko. Oo, bago palang ako sa coffee shop. Pero sinisikap ko na wag matanggal dahil kailangan kong tulungan ang tatay.
Habang naglalakad ako ay bigla akong kinabahan. Naisipan kong lumingon dahil pakiramdam ko na merong nakasunod sa akin.
"W-wala namang t-tao." bulong ko sa aking sarili. Para kasi akong sinusundan.
Patuloy lamang akong naglalakad sa madilim na street nang biglang may nakasalubong akong isang lalaki na pagewang-gewang kung maglakad.
Hindi ko nalamang sya pinansin dahil baka lasing ito. Mahirap na at baka mapahamak pa ako nito.
Lalampasan ko na sana yung lalaki nang biglang may humatak sa braso ko.
Napadaing ako ng bigla akong itinulak nung lalaki sa pader. Hindi ako makapagsalita dahil sa takot. Ramdam ko ang pananakit ng likod ko. Sobrang lakas ng pagkakatulak nya sakin at parang nahihilo din ako dahil naaamoy ko ang alak mula sa bibig nya.
"Ganda *hic* mo miss *hic* a-ah. Gusto mong *hic* maglaro?" nakangisi sya sa akin. Pakiramdam ko nanghihina ako dahil sa takot.
"P-pakawalan nyo p-po ako. P-pakiusap." utal-utal na sabi ko sa kanya.
Paano kung saktan nya ako? Paano kung marape ako? Ayoko! Hindi ko pwedeng isuko ang virginity ko! Lord naman! Nangako ako na sa asawa ko lang to ibibigay! Hindi to pwede! Paano kung marape ako tapos patayin ako?
BINABASA MO ANG
Bakit ako?
Teen FictionTama nga ba na tanongin ko ang sarili ko na 'Bakit ako?'. Mayaman ka... di hamak na maraming may gusto sayo dahil gwapo, matalino, confident, popular at higit sa lahat ay may class ka. Eh ako? Mahirap lang ako... Walang class, tanga, slow, matalin...