I

183 3 1
                                    

Gusto kong pigilan ang aking mga magulang sa pag aaway sa harapan ko tinanong ko sa isip ko kung bakit sila nag aaway ng dahil lang sa litrato?

ang napaka murang isip na napakahirap kung umintindi ng mga pangyayari. pero naramdaman ko yung patak ng luha ng nanay ko at ang sigaw na nagmula sa bibig ng tatay ko.

nakakita ako sa lapag ng isang larawan ng babae wala akong maintindihan sa pangyayare. napatitig ulit ako sa nagsisigawan kong mga magulang. at napatulala ako at napatingin sa mga boses na tumatawag saakin sa pintuan ng aming silid.

bago ako pumunta sa pintuan tinignan ko ulit ang larawan na pinunit ng aking ina mula sa pitaka ng aking ama. inalala ko ito at lumakad ng malumanay ang aking maliliit na paa papunta sa direksyon ng boses ng aking lola.

kahit hindi ko naintindihan ang lahat ng sinabi nila.tumagos saaking puso ang mga batuhan nila ng salita.

gusto kong magalit saaking ama dahil nakikita ko ang mga luhang bumabagsak mula sa mata ng aking ina pero wala akong karapatan at ang aking murang isipan ay walang maintindihan.

wala akong magawa kundi baunin nalang ito saaking isipan upang pagtanda ay maintindihan.

mga mata kong gustong lumuha ng dugo . di maintindihan ang nararamdaman ng puso ako ba'y nasasaktan o ang pakiramdam ay sadyang malaro?

L A R A W A N Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon