III

60 4 0
                                    

Napakahabang byahe.
sobrang haba.
walang ginawa kundi tumunganga
at dumungaw sa bintana san ako pupunta?

sa bahay ng iyong bagong ina sambit saakin ng aking napakasayang ama.

walang bakas sakanyang muka ang pag aalinlangan o pag iisip manlang saaking nararamdaman walang bakas na silang dalawa ng aking ina ay nagmahalan.

na silang dalawa ay nag away dahil sa isang larawan ng babae kung saan ngayon ay kanyang minamahal at tinititigan.

gustong sabihin ng aking labi na diba nauna kaming dalawa ng aking ina? bakit ngayon ang babae sa larawan ay andito na.

tatanggapin ko pa sana kung hanggang larawan nalang sya "papa"

nagtagal ang byahe at nakarating din kami sa paroroonan

sa wakas nagkaroon din ako ng chansa upang yakapin ang aking ama . ngunit may mga taong nakatitig na tila parang nagtataka kung ano ako sa buhay ng taong asawa ng kanilang anak.

hindi alam ng pamilya ng babaeng nasa larawan kung ano ang pagkatao ko. hindi nila alam na may anak ang aking ama mula sa una nyang minahal.

nasaktan ako dahil ni isang salita wala akong narinig saaking ama mula noong nandoon kami na tila para akong hangin sa kanyang mga mata.

gusto kong tanungin sakanya

"papa di mo na ba naalala ang mga yakap na saakin mo ipinadama mga halik nyo ng aking ina na dapat baunin ng aking ala ala"

ngunit ang hirap itanong dahil iba na makakadarama non kundi ang inyong mga anak at ang babae na nasa larawan.

tumatak saaking murang isipan na mahal ko kayong dalawa kahit ang mga haplos nyo ay di ko madama kaya aasa nalang ako sa mga larawan nyo na iniwan saakin na puro pangako ngunit lahat ng iyon ay napako.

napako nalang saaking ulo. hanggang ala ala nalang. wala ng pagmamahal ang mararamdaman ng aking puso ngunit ala ala nalang.

L A R A W A N Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon