Pinuntahan ni Jude si Zarah noong break at kinausap. Nataon na kasama ni Zarah si Alex.
"May itatanong lang ako sa'yo." ani Jude.
"Tungkol ba kay Jeremy?" tanong ni Alex na nakatingin noon kay Jeremy na nakikihalubilo sa mga bata.
Tumango si Jude.
"Bakit po?" tanong ni Zarah.
"May napapansin ka bang kakaiba sa kanya nitong mga nakaraang araw?" tanong ni Jude.
"Nabanggit po ni Max yung ginawa nya sa'yo. Pagpasensyahan nyo na po sya." ani Zarah.
"May napansin ka bang kakaiba sa kanya?" tanong ni Alex.
Tumango si Zarah.
"Medyo mabilis sya ngayong mapikon. Noong nasa Esmeralda kami ay napadalas ang mga atake nya at sakit. Sa buong pagtigil namin doon ay nagkasakit sya." ani Zarah.
"Hindi nya ugaling mapikon agad kahit na nakakapikon na ang pagkakataon." ani Jude.
"Za, kailangan ko ng tulong!" ani Jeremy.
"Ok." ani Zarah na lumapit.
Kinatanghalian ay nagtuloy ang survival training.
Habang patungo sila sa campsite ay tinuruan nina Jude at Jeremy ang mga bata kung paano maghanap ng tubig at kumilala ng mga damo maaaring kainin. Tahimik lang si Jude na inaalalayan ang isang grupo ng bata.
Nasa kalagitnaan ng paglalakbay ng maramdaman ni Jeremy ang sakit ng ulo nya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Serge, isa sa mga kasama nya.
"Ayos lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko." ani Jeremy.
Napansin iyon ni Jude kaya kaagad nya itong nilapitan at inabot ang lagayan ng tubig na nasa backpack nito.
"Magpahinga muna tayo mga bata! May ipapakita ako sa inyo." ani Jude na ipinakita ang isang halaman na doon tumutubo. Kaagad naman nyang ginabayan ang mga bata sa may halaman.
"Salamat po." ani Jeremy na lumagok ng tubig.
Pagdating sa campsite ay sinalubong sila nina Zarah at Alex na nauna na doon kasama ang ilan pang kasama. Nagulat si Jeremy nang makita nya si Alex.
Buong hapon nyang iniwasan si Alex na napansin naman ni Zarah.
"May problema ba Rem?" tanong ni Zarah.
"Wala naman." ani Jeremy.
"Bakit umiiwas ka ata kay Ate Alex?" tanong ni Zarah.
"Hindi naman. Nataon lang na may kailangan lang akong tapusin." palusot ni Jeremy.
Tinuruan ng iba pang basic survival skill ni Jude ang mga bata pati na rin kung paano gumawa ng apoy gamit ang bato at mga tuyong dahon.
Kinagabihan ay pinatawag ni Jude si Jeremy patungo sa isang tahaw. Nagisnan nya si Jude na naghihintay sa ilalim ng isang puno.
"Pinatawag nyo ako?" tanong ni Jeremy.
"Gusto sana kitang makausap." ani Jude.
"Ano pong pag-uusapan natin?" tanong ni Jeremy.
Lumabas si Alex sa likuran ng isang puno.
"Ate Alex, andito rin pala kayo." ani Jeremy na umatras.
Hinarangan sya ni Jude. Kaagad namang dinala ni Angel ang tatlo sa isang Dimension Rift.
"Saan mo balak pumunta? May kailangan pa tayong pag-usapan." ani Alex na hinagod sa batok si Jeremy.
"May aayusin lang po ako." ani Jeremy.
BINABASA MO ANG
Lost Identity- Pandora's Return (Complete)
RandomMatapos ang pagbawi sa Esmeralda, balik na sa normal ang buhay ni Jeremy. Normal na nga ba talaga? Isang matinding panganib ang nakaambang mangyari muli. Maililigtas kaya nyang muli ang Esmeralda at mga taong mahal nya?