"Ibababa ko na muna Zarah." ani Jude.
"Sige po. Magandang gabi." ani Zarah.
"Hello Miss Bella." ani Lerry.
"Si Jeremy po?" ani Bella.
"Pasensya na Miss Bella. Nagpapahinga na po si Sir Rem. Nagbalik na naman po ang lagnat nya." ani Lerry.
"Ayos na ba sya?" tanong ni Bella.
Nagtanong ng tahimik si Jude kay Lerry. Sumenyas si Lerry na si Bella. Sumenyas naman pabalik si Jude na nais nya itong makausap. Tumango lang si Lerry.
"Kakausapin daw po kayo ni Sir Jude." ani Lerry.
"Sige po." ani Bella.
Ipinasa ni Lerry ang telepono kay Jude.
"Bella." ani Jude.
"Kamusta na po si Rem?" tanong ni Bella.
"Bumaba na ang lagnat nya at binabantayan ngayon ng Healer. Nagpapahinga na sya habang nag-uusap tayo." ani Jude.
"Pakisabi na lang po na tumawag ako at magpagaling sya." ani Bella.
"Sige makakarating. Salamat sa pag-aalala mo." ani Jude.
Binaba ni Jude ang telepono. Makaraan ng ilang oras ay ginising ni Lerry si Jeremy. Nagmulat ito ng mata.
"Sir Rem, kailangan nyong inumin ito." ani Lerry na inangat ang ulo ni Jeremy.
Lumagok si Jeremy pero ipinaling nya palayo ang mukha nya sa baso ng malasahan na mapait ang iniinom nya.
"Sobrang pait!" ani Jeremy.
"Kailangan nyo pong ubusin ito para lumakas kayo." ani Lerry.
"Ayoko na po. Sobrang pait." ani Jeremy.
Umiling si Jeremy na napansin ni Jude. Kaagad nilapitan ni Jude si Jeremy.
"Rem, ibinilin ni Zarah na kailangan mong ubusin iyan." ani Jude.
"Binilin ni Zarah?" ani Jeremy.
"Opo kaya ubusin nyo na po ito." ani Lerry na inilapit muli sa bibig ni Jeremy ang baso.
Pinilit ubusin ni Jeremy ang laman ng baso.
"Mahusay! Sige magpahinga na po ulit kayo." ani Lerry na binaba ang ulo nito sa unan.
Ilang saglit pa ay nakatulog muli si Jeremy.
Kinaumagahan ay binisita si Jeremy ni AJ. Naabutan nya itong natutulog pa.
"Kamusta na sya?" tanong ni AJ.
"Bumaba na po ang lagnat nya kaya lang inatake po sya ng asthma nya kaninang madaling araw. Ngayon pa lang po ulit sya nakatulog ng mahaba-haba." ani Van.
"Si Keith?" tanong ni AJ.
"Nagpapahinga na po sa kwarto nya. Matapos po ang atake ni Sir Jeremy ng asthma ay pinagpahinga ko na po sya kasabay ni Lerry." ani Van.
"Maraming salamat. Parating na rin si Doc Drew kaya makakapahinga ka na rin." ani AJ.
"Pabalik na rin po siguro si Lerry." ani Van.
"Magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala sa kanya." ani AJ.
"Masusunod po Kamahalan. Marami pong salamat." ani Van.
Nagising si Jeremy habang sinusuri sya ni Drew.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Drew.
"Medyo mabigat po ang pakiramdam ko." ani Jeremy.
"Inumin mo ito." ani Drew na inabot ang isang basong tubig.
BINABASA MO ANG
Lost Identity- Pandora's Return (Complete)
De TodoMatapos ang pagbawi sa Esmeralda, balik na sa normal ang buhay ni Jeremy. Normal na nga ba talaga? Isang matinding panganib ang nakaambang mangyari muli. Maililigtas kaya nyang muli ang Esmeralda at mga taong mahal nya?