"Suits?" tanong ni Jeremy.
"May sinusubukang prototype ang Research Department. Ni-reinforce nila ang defense field nito pero nasa experimental stage." ani Sky.
"Five minutes bago bumaba ang field." ani Sky.
"Masyadong maiksi ang oras. Hindi mo ba maaaring madagdagan pa?" ani Jude.
"Seven minutes max." ani Sky.
"Sapat na panahon na iyon." ani Jeremy.
Paglitaw nila ay naramdaman ni Jude ang bigat sa katawan. Si Jeremy naman ay nakaramdam ng bahagyang kirot sa ulo nya. Kaagad namang nag-activate ang suit nila. Nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Jude. Naibsan naman ng kaunti ang sakit ng ulo ni Jeremy.
"Ayos lang kayo?" tanong ni Ivan.
"Yup." anang dalawa.
"Time is running." ani Sky.
"Misha!" ani Jeremy.
Lumitaw si Misha na nagdulot kay Jeremy ng karagdagang bigat.
"Rem!" ani Jude.
"Kailangan pong bilisan. Si Misha ang pinakamahusay sa paghahanap. Mas bibilis po ang paghahanap kung sya ang kikilos." ani Jeremy.
"Guys limang minuto na lang." ani Sky.
Tumango lang si Jude.
"Misha hanapin mo ang aura ni Pick. Kapag naramdaman natagpuan mo, dalhin mo kami doon." ani Jeremy.
"Masusunod po." ani Misha na naglaho.
"Angel tumulong ka sa paghahanap." ani Jude.
Naghanap ang dalawa hanggang sa natagpuan ni Misha ang mga kasama nila.
'Master Jeremy natagpuan ko na po sila. Dadalhin ko na po kayo sa kinalalagyan nila.' ani Misha.
'Sige.' ani Jeremy.
Lumitaw muli sila sa isang lilim na bato. Napapikit at hawak sa dibdib si Jeremy sa sakit pero tiniis nya ito.
Natagpuan nila si Pick na ginagamot si Wei. Nakaupo si Wei na may gasa sa dibdib."Natagpuan na namin sila Sky." ani Jude.
"Ano pong nangyari?" tanong ni Jeremy kay Pick.
"Hinabol namin ang mga Suran pero bigla silang nawala. Hindi namin napansin na napaligiran na pala kami ng mga halimaw. Sinubukan naming tumakas pero nasundan kami. Nasugatan kami pero nagpaiwan si Eins para iligaw ang mga humahabol." kwento ni Pick.
"This is Boss. Anong sitwasyon nila?" tanong ni Ivan.
"Men down. I have two seriously injured men here Sir. We need to teleport them back." ani Jude.
"We have a negative in direct HQ teleport sequence to your link. Your frequency is erratic." ani Sky.
"You can reroute to Segu Office then to HQ Infirmary." ani Ivan.
"Roger Alexi." ani Jude.
"I'll be alerting an emergency chopper to standby para maihatid sila sa Military hospital para magamot." ani Ivan.
"10-4" ani Jude.
Nagteleport ang dalawa pabalik sa Segu para maihatid sina Pick at Wei sa ospital.
"Babalik po ako. Kailangan mahanap si Eins." ani Pick.
"Nawawala pa si Eins?" tanong ni Ivan.
Tumango si Jude na lambot na lambot.
"Babalik po kami." ani Jude.
BINABASA MO ANG
Lost Identity- Pandora's Return (Complete)
DiversosMatapos ang pagbawi sa Esmeralda, balik na sa normal ang buhay ni Jeremy. Normal na nga ba talaga? Isang matinding panganib ang nakaambang mangyari muli. Maililigtas kaya nyang muli ang Esmeralda at mga taong mahal nya?