"Nasaan ka Anak ni Esme? Magpakita ka? Labanan mo ako!" ani Jeremy na tinapos ang isa sa bantayog.
"Nandito ako Jeremy!" ani Luis na lumitaw sa harap nya.
"Tapusin na natin ito para mapatunayan sa lahat na ako ang pinakamalakas!" ani Jeremy.
Nag-Universalis si Jeremy at sumugod kay Luis. Sinangga lang ni Luis ng braso ang puluhan ng espada ni Jeremy. Nakaladkad sya ng lakas paatras kahit nasangga nya ito.
"Wala akong balak na saktan ka pero pinipilit mo ako." ani Luis na bumunot sa hangin ng katana.
Muling inulos ni Jeremy ang kapatid pero sinangga lang ni Luis ito gamit ang katana nya. Ilang beses pang umatake si Jeremy pero sinalag at inilagan lang ni Luis ang mga kilos nito.
"Lumaban ka, Luis kung ayaw mong masawi!" ani Jeremy na naaasar na.
"Itigil mo na ito Jeremy! Tama na!" ani Luis.
Sa sumunod na salpukan ay tinamaan si Luis ng isang sipa sa dibdib na hindi nya inaasahan. Napangiti lang si Jeremy.
"Ilabas mo ang lakas mo! Lumaban ka ng patas dahil kung hindi papatayin ko lahat ng mahal mo sa buhay sa iyong harapan!" banta ni Jeremy na nanlilisik ang mata.
"Mas malakas ka ngayon pero hindi pa sapat para talunin ako Universalia ka man o hindi!" ani Luis na umatake.
Mabilis syang nakalapit kay Jeremy na ikinagulat nito. Sinubukang sanggahin ni Jeremy ang mga atake ni Luis pero hindi nya nakita ang iba pa nitong kilos. Napaatras si Jeremy na may halong sindak ang mukha.
"Hindi pa rin sapat! Kailangan ko ng lakas!" ani Jeremy na galit na galit.
Ginamit muli nya ang lakas ng Pandora.
"Hindi ako papayag!" ani Jeremy.
"Itigil mo na ito Jeremy!" ani Luis.
"Itigil? Bakit ko ititigil? Gusto kong masaksihan nila na ako ang pinakamalakas sa lahat!" ani Jeremy.
Umatake muli si Jeremy. Mas mabilis at mas malakas na ang lapit nya sa kapatid. Bawat suntok at sipa na pinakakawalan nya ay tila lalong bumigat at bumilis na ininda ni Luis.
'Mas mabibigat ang mga atake nya ngayon!' anya sa sarili.
'Sasha kailangan ko ng tulong!' bulong ni Luis.
Gumulong si Luis na nadaplisan ng sipa ni Jeremy sa pisngi. Bumagsak sya at dahan-dahang bumangon.
"Ano na? Kaya mo pa ba?" tanong ni Jeremy na nakangisi.
'Masyado syang mabilis, Master Luis.' ani Sasha sa isip ni Luis.
'Kaunting oras pa, kailangan pa ng kaunting oras!' ani Luis.
'Sino ang mas malakas ngayon!' ani Jeremy na muling sinipa si Luis sa katawan.
Tumalsik si Luis sa pagkakasipa sa kanya.
"Master!" ani Sasha na lumitaw at pinangalagaan si Luis.
Nabawasan ang impact ng sipa ni Jeremy at bagsak nito sa lupa.
"Kung hindi ka lalaban ay sisimulan ko na silang ubusin! Sino bang uunahin ko? Si Keith ba?" ani Jeremy na tumawa.
Dahan-dahang tumayo si Luis.
"Tumigil ka! Hindi pa ako tapos sa'yo. Sobra ka na!" ani Luis na kusang nag-activate ang Universalia.
"Magaling! Ngayon malalaman na natin kung sino talaga ang tunay na malakas!" ani Jeremy na tuwang-tuwa.
BINABASA MO ANG
Lost Identity- Pandora's Return (Complete)
РазноеMatapos ang pagbawi sa Esmeralda, balik na sa normal ang buhay ni Jeremy. Normal na nga ba talaga? Isang matinding panganib ang nakaambang mangyari muli. Maililigtas kaya nyang muli ang Esmeralda at mga taong mahal nya?