Dosé

129 9 0
                                    

Muling nailipat sa higaan si Jeremy. Nilagyan ni Andy ng Bind spell si Jeremy para hindi makaalis.

Umakyat muli sa delikadong taas ng lagnat. Kaya nagpatawag muli ng doktor para suriin sya.

Napaluha si Zarah.

"Ayos ka lang Zarah?" tanong ni Andy.

"Hindi lang po ako sanay na makita syang ganyan." ani Zarah na pinahid ang luha nya.

"Malulusutan nya yan. Huwag mo lang syang iwanan dahil kailangan ka nya ngayon." ani Andy na hinawakan sa balikat si Zarah.

"Moria! Moria!" ani Jeremy na nagdedeliryo.

"Tatagan mo para sa kanya." ani Andy.

Sa opisina ng palasyo nabalitaan ni Luis muli ang nangyari sa kapatid. Napapukpok sya sa lamesa nya.

"Ano ba itong nangyayari sa kanya?" ani Luis na frustrated.

"Kumalma ka lang Kamahalan!" ani Jerico.

"Pasensya na Jerico." ani Luis.

"Mas makakabuti po ata na ilayo nyo muna sya dito sa Hell's Gate at Pandora." ani Jerico.

Kinahapunan ay nagtungo si Luis sa kwarto ni Jeremy. Maayos ang pakiramdam ni Jeremy at natyempuhan nyang gising ito.

"Kuya!" ani Jeremy na nakaupo nakasandal sa unan.

"Kamusta na ang pasyente?" tanong ni Luis pabiro.

"Maayos na po ang pakiramdam ko." ani Jeremy.

"Sigurado ka?" ani Luis na tumabi sa kapatid at hinipo ang leeg.

"Magaan na po ang pakiramdam ko." ani Jeremy.

"You will be going back to LeValle tomorrow. Halos hindi ka gumagaling dito. Marahil sa negative energy dito." ani Luis.

"Kakailanganin din po naman naming bumalik sa LeValle dahil may naghihintay po ang activity sa amin doon." ani Jeremy.

"Ok. Pero I've ask Keith na doon ka muna sa pad nya tutuloy para may kasama ka. I've also requested a Shadow para sundan ka. Hindi ka naman nya aabalahin sa activities mo, he'll just monitor you." ani Luis.

"Pero Kuya!" ani Jeremy.

"Para lang mapanatag ako pakiusap." ani Luis.

"Sige po." ani Jeremy.

"Kain tayo. Nabanggit sa akin na hindi ka pa raw kumakain. Nagpaluto ako ng arrozcaldo sa kusina kanina. Sabayan mo akong kumain." ani Luis.

"Ok po. Maaari po bang sa labas na tayo kumain? Medyo nababagot na po ako dito sa loob ng kwarto." ani Jeremy.

"Sige. Lerry, pakisabi na pakipaghanda kami ng pagkain sa hardin." ani Andy.

"Opo." ani Lerry na lumabas ng kwarto.

"Kung maayos pa rin ang pakiramdam mo ay namamasyal tayo. Hayaan nyong i-tour ko kayo sa East Side." ani Luis.

"Ok po. Matutuwa si Zarah nyan pero hindi po ba kami nakakaabala sa schedule mo." ani Jeremy.

"Magaan na schedule ko. Nai-adjust na ni Jerico at naipasa na sa mga concerned departments ang mga trabaho. Mga papeles na lang na pipirmahan ang dadaan sa akin." ani Jeremy.

"Isama na rin po natin si Ate Amina." ani Jeremy.

"Balak ko ngang dukutin sya mamaya sa opisina nya. Tinimbrehan ko na si Benok." ani Luis.

Ngumiti si Jeric na dahan-dahang bumangon.

"Mag-aayos lang po ako." ani Jeremy.

"Ok." ani Luis.

Lost Identity- Pandora's Return (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon