Habang nagmamaneho si Robin ay napansin nyang naghihilot ng noo si Jeremy. Nakatulog noon si Bella matapos ang kanilang pamamasyal.
"Rem bakit?" tanong ni Robin na napalingon kay Jeremy.
"Medyo kumirot lang po ang ulo ko." ani Jeremy.
"May naaalala ka ba?" tanong ni Robin.
"Wala pa po pero hindi ko maipaliwanag kanina ang pakiramdam ko kanina at sa shooting range kahapon." ani Jeremy.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Robin.
"Noong nagpapaputok ako kahapon, pakiramdam ko po ay nararamdaman ko lahat sa paligid ko. Sobrang relax lang." ani Jeremy.
"Yung sobrang gaan ng pakiramdam ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Robin.
Tumango si Jeremy.
"Para akong isdang nakabalik sa tubig kanina. Hindi ko alam kung bakit." ani Jeremy.
"Tinatawag naming Huntres na Calming Effect. Madalas na nararamdaman iyon tuwing gumagana na ang adrenalin mo. " ani Robin.
"Kuya maaari nyo po ba akong samahan sa Sentral? May mga tanong po akong nais kong masagot." ani Jeremy.
"Maghahanap ka ng kasagutan?" tanong ni Robin.
"Kung tama po ang sinabi nina Kuya Ivan at Kuya Jude baka doon ko masagot ang mga panaginip ko." ani Jeremy.
"Maaari naman. Alam na ba ni Bella ang nais mo?" ani Robin.
Umiling si Jeremy na sumilip kay Bella sa rearview mirror.
"Malamang kasi ay tumutol sya sa nais ko." ani Jeremy.
"Maiintindihan naman nya." ani Robin.
"Maiba tayo, marunong ka pala ng Merala? Nabanggit ni Bella na ikaw daw ang kumausap sa matandang lalaki." tanong ni Robin.
Biglang tumindi ang kirot sa ulo nya at nagsimulang marinig muli ang nakapangingilabot na boses.
"Siguro po. Bigla na lang po kasing lumabas sa bibig ko ang Meralan." ani Jeremy.
"Patayin mo na sya! Patayin mo na sya!" anito sabay ng nakapangingilabot na halakhak.
"Nie." ani Jeremy sa sarili na hinawakan ang kwintas nya.
"Huwag kang makinig sa kanya Master Jeremy!" anang isang boses ng lalaki.
"Rem!" ani Robin na lumingon sa kaliwang kamay ni Jeremy na daklot ang hita nito.
Napansin nyang nanginginig ito kaya tinawag nya si Bella.
"Bella! Bella!" ani Robin.
Nagising naman si Bella na lumapit sa likod ni Robin.
"Kuya! Rem?" ani Bella.
"Bella, dukutin mo sa legbag ko dyan ang isang injection. Nasa kanang bulsa ng legbag ko bilis!" ani Robin.
Kaagad sumunod si Bella at inabot kay Robin. Hinawakan ni Robin ang manibela sa kaliwang kamay at kinagat ang takip ng hiringgilya bago tinusok sa hita ni Jeremy.
Unti-unting bumagsak ang kamay ni Jeremy.
"Anong nangyari kay Rem?" tanong ni Bella.
"Binigyan ko sya ng pampakalma. Inaatake na naman sya ng sumpong nya." ani Robin.
Dumaan ang ilang araw, minsan dumating si Robin mula sa trabaho. Nanonood ng tv ang dalawa. Nagbukas si Robin ng isang lata ng beer bago naupo sa tabi ni Bella.
BINABASA MO ANG
Lost Identity- Pandora's Return (Complete)
DiversosMatapos ang pagbawi sa Esmeralda, balik na sa normal ang buhay ni Jeremy. Normal na nga ba talaga? Isang matinding panganib ang nakaambang mangyari muli. Maililigtas kaya nyang muli ang Esmeralda at mga taong mahal nya?