Chapter 4 - Spicy date with devil

2.7K 37 2
                                    

Bold -- English

Bold -- Italic Korean

Italic -- Flashback or iniisip

Enjoly Reading mga bebeh <3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 4 - Spicy date with a devil

Joon ki's POV

Kanina pa ako natutuwa sa pag tingin tingin sa katabi ko. Nasa dulong row kami ng class room. Nasa tapat ako ng bintana. Lagi ko nirerequest na lagi ako sa dulo at nasa tabi ng bintana para nakikita ko ang tapat ng school namin at ang labas. Iwas mabored ako.

Bakit ako tingin ng tingin sa katabi ko?

Well ang katabi ko lang naman ay si nerd na kanina pa mukhang problemado sa kanilang pinag aaralan. World history ang subject namin. Hindi naman sa mahirap iyon dahil alam ko namang sa talino ni nerd ay alam nya na iyon, kundi nahihirapan ito sa pag adopt ng panibagong language. Hindi kasi nag sasalita ang home room teacher namin ng English puro Korean ang sinasabi nito.

Uhhmm Kararating palang naman ni nerd mga 5 days ago. Yung unang araw nung magka engkwentro kami sa opisina ni Madam Song at hinimatay dahil sa may sakit ito. Ang pangalawang araw ay nung nilalagnat ito, ang pangatlong at pang apat ay tinuruan iton ni Ms kim ng korean language at ang ikalimang araw ay eto nasa school na ito at katabi ko sa world history subject namin. Kung siguro ikaw ang nasa kalagayan ni nerd ay baka umiiyak ka na dahil feeling mo nagunaw ang mundo mo at napadpad ka ibang planeta na hindi mo alam ang wika nila.

Napangisi ako dahil halos sabunutan na nito ang sarili nito dahil hindi nito maintindihan ng maigi ang lesson namin kahit pa may kaharap itong laptop na nag tatranslate ng korean sa english. Kasi ba naman titig na titig ito sa laptop na para bang pag kumurap ito ay biglang mawawala yung natranslate sa laptop nito at hindi na nito naitindihan yung tinuturo ng teacher namin. Habang nakitingin ito sa laptop minsan binubuklat nito ang webster dictionary. Hindi siguro nito alam lahat ng ang mga words na lumalabas sa laptop nito. Baka kasi sobrang malalim ng english iyong natatranslate.

Sige basa lang ng basa nerd!

"Wahhh boset na translator na ito!!!(isipin nyo english itong mga nakabold)" nababadtrip na sabi nito. Kinamot nito ng padaskol/pabigla ang buhok nito kaya iyong neat na neat na buhok nito ng pumasok ito ay medyo magulo na at ang ilang hibla ng buhok nito ay nakawala na sa pag kakatrintas ng buhok nito.

Anu kayang itsura nito pag nakalugay? Maganda kaya ito? Teka pinagpapantansyahan ko ba kung maganda o hindi itong nerd na ito?

Erase Erase!!!! Ang dapat sigurong tanong ko ay mukha ba itong bruha o mangkukulam kapag nakalugay?

Nakakatawa yung mga itsura ni nerd sa mga naiisip ko. Ahahaha nerd na mangkukulam? Bago yun ah!!! ahahahha.

Para mas lalong mabadtrip ito matiim ko itong tinitigan dahil alam kong macoconciuos ito at mapapatingin sa sakin. Na alam ko nag tagumpay ako kasi patingin tingin din saglit sakin si nerd at pinag kukunotan ako ng noo.

Hehehe buti dumating ka sa buhay ko nerd! Ikaw na ang bago kong pagdidiskitahan para maging masaya ang napakaboring kong buhay.

Ae-cha's POV

Kanina pa umiikot ang ulo ko sa kakaintindi ng korean at sa pag tingin sa laptop na binigay ni Ms. Kim. Sana pala kahit isang linggo kami mag aaral ng Korean language para maging matatas ako dun, ay ipagpapasalamat ko kesa eto nangangapa ako sa pag aaral ng wika na ito. Pang average lang ung natutuhan ko kay Ms kim mga konting konting push pa at magiging bihasa na ako sa pagsasalita ng korean.

Be Mine or Die (Will DELETE SOON IN APRIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon