Chapter 6 - They are mean

2.4K 39 1
                                    

Bold -- English
Bold -- Italic Korean
Italic -- Flashback or iniisip

Enjoly Reading mga bebeh <3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 6 - They are mean

Ae-cha's POV

Mantakin mo iyon naka dalawang linggo na pala ako sa south korea at sa buhay na laging binubuwisit ni Devil at ng mga alipores nitong fan girls.

Paano ako binubuwisit ni Devil? Ganito yan tropapits ha. Sa umaga mag riring ang cellphone ko para lang gisingin ni devil. Kapag di nya makontak ang cp ko na sinasilent ko na, eh tatawag naman ito sa landline sa kwarto ko na nakailang ulit na ako laging nagtatanggal ng line bago matulog ay lagi na lang bumabalik ung line kaya nabubulabog(nagugulo) ako ni devil. Tapos kapag lecture na lagi ako nito tatanungin ng tatanungin kung naiintindihan ko ba daw ung lecture kaya ang siste hindi ako makakopya ng maayos or di ko mainote ng maayos lahat ng sinasabi ng teacher namin. Tapos pag tinatawag ito para sumagot ay sasabihin lagi nito "Mam mayroon po idadagdag sa lecture natin si aecha" kaya ayun lagi na ako tinatawag ng mga teacher ko pag walang gustong sumagot sa mga tanong nila. At tyaka makailang ulit laging nawawala ang ballpen ko pag nalilingat ako (obviously indi ako makatutol dahil sa lahat ng klase ko ay katabi ko ito) babalik lang ang ballpen ko pag pantay na ang mga kilay ko at ung tipong seryoso na ako at nakasimangot. Kapag naman art lesson namin lagi ito nag piprisintang maging kapartner ko. Pag walang bagong lesson laging draw your partner.  Lagi nya ako pinapapangit sa drawing nito samantalang ang tino tino ng drawing ko dito, lagi nga ako navevery good eh. Ang katwiran nito sa teacher ay di daw maganda ang realism mas maganda daw ang abstract. At higit sa lahat lagi ito tatawag sa gabi pag tipong tulog na ako at sa cp or sa landline ko pa tatawag, ang lagi lang naman sinasabi nito "Ahahaha nerd salamat ha. Napasaya mo ako dahil sa kakatawa saiyo." di ba sinong matinong tao ba ang gagawa nyan para lang sumaya ang boring nyang buhay? Well si devil lang ang ganyan ang kilala kong ganyan na masaya nangbubuwisit araw araw.

Kasama pa nito ang mga alipores nito na fan girls sa pambubuwisit ng araw ko. Mag sisimula yan sa umagang umaga na bulong bulungan na puro sinasabi na ang panget ko, ang jologs ko dahil sa uniform ko na balot na balot compare sa kanilang kulang na lang ay hubarin na ang mga blouse nila dahil nakabukas din ang mga butones kaya makikita mo rin kung ano dapat makita (if you know what i mean wink wink),o kaya di ako deserving na maging future fiance ni devil dahil panget daw ako at mahirap (Si devil lang at ang mga teacher ko ang nakakaalam na mayaman ako at apo ni Chairman Song). Tapos lagi sila mamamatid sa daan ko, minsan plakda ako sa semento pero minsan nakakaligtas naman ako. Tapos kapag madaming tao sa hallway at dumadaan ako. lagi na lang may manunulak sa akin buti na lang may mga mababait na guy na sumasalo sa akin para di ako malaglag pero pag nakikita nila ang naniningkit na tingin ni devil ay kumakaripas na sila ng takbo bago pa ako makapagpasalamat. Tapos pag p.e. ayaw nila ako kateam or pag pinipilit sila ng teacher ko lagi nila akong sinasanggi tapos sasabihin "oopps sorreh". Yung pinakaworst sa p.e. eh nung volleyball imbes na sa kabila isinerve ung bola sakto sa likod ng ulo ko. Nagsorry naman pero pagtalikod ng teacher sama sama sila at ng mga tropa nila na humahalakhak.

Kung tutuusin dapat nga nagdidiwang ako ngayong lunes dahil wala si Devil. Absent kasi may pictorial ito. Buti na lang maaga schedule ni devil at di nya nabulabog ang gising ko. Pero eto ako halos pinag paplanuhan na yata ng mga fan girls ngayon ng di maganda. Lahat kasi kung tignan ako ay parang gusto akong ipasalvage o ipapahazing. May mga meaning kasi ang mga titig nila. Nagkakagoosebump nga ako sa tingin nila.

Kaibigan meron na ba sya? ha asa ka pa Ae-cha. Simula kasi ng sinabi ni Devil na future fiance ako nito ay mabilis pa sa mga bubuyog ang chismosa sa pagkalat niyon sa buong university. Madami ang ayaw makipag kaibigan sa sakin dahil natatakot na madamay sila sa pambubully ng mga alipores ni devil. Well di ko naman sila masisisi kasi kita naman nila ang ginagawa ng mga ito at ang tanging di nakakapansin ay si devil. Ang galing kasi nila magplano di halata ni devil.

Be Mine or Die (Will DELETE SOON IN APRIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon