Chapter 16 A delicious smell

1.7K 25 3
                                    

Bold -- English

Bold -- Italic Korean

Italic -- Flashback or iniisip

Enjoly Reading mga bebeh <3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 16 A delicious smell

Aecha POV

"Hello ma? makinig kayo may maganda akong balita." Nakangiti kong saad.Nasa library ako now habang katabi si Ms Kim na busy sa pag seselfie sa magara nitong cellphone. Tinuruan ko kasi itong magselfie tapos ipinose sa instagram, akalain mo isang linggo pa lang naka 300 followers na agad sya. Di ba umaartista lang ang peg. Talo pa ako 50 pa lang followers na mostly mga friends ko pa at ang mokong na si devil na may 1milyon+ followers.

Family time ko ngayon eh. Nag pupure tagalog ako para hindi maintindihan ni Ms Kim. Baka isumbong ako nito sa lola kong hitler. Mabuwilyaso pa ang oplan takas ko. Ung ngang oplan cancellation parang malabo na wag naman sana oplan takas eh maoplan butata.

"Ano yun baby girl?" Excited na saad nito na akala mo sinasabi ng boses 'Bilis dami pa segway eh'

"Di mo ba huhulaan ma?" pang iinis ko. Medyo may pakamaiinipin kasi yan.

"Oy Aecha hindi kita pinalaki na gawin akong manghuhula! ikaw na nga itong tumawag tapos sasabihin mo pang hulaan ko yan news mo. Pag nagkita talaga tayo boboldyakin talaga kita!" may himig na asar sa boses ni mama tapos maya maya ay umatungal na ito na akala mo baka. At naririnig ko na lang sa background iyong boses ni mama na umiiyak na nagsasabi 'Hubby miss ko na ang baby natin. Pauwiin mo na pleeaazzz' sabay atungal ulit.

Hala nag umpisa na ang teledrama sa cellphone. hehehe

Si papa naman 'shhh' lang ng 'shhh' tapos nararamdamam kong inaalo nya si mama na sumisinghot singhot na.

"My princess, pag pasensyaha mo na si umma mo ha gusto kasi sumali sa pagiging artista kaya nagdadrama. Gusto kasi makakuha ng trophy ng best actress." he even chuckle. Ako naman nagtatawa alam ko namang nagpapatawa lang si papa para wag lumaki iyong pagkamiss namin sa isat isa.

HAYSSTT nakakamiss ang pagka OA ni mama at ang pagiging kenkoy ni papa.

Narinig ko na lang na nag haharutan ang dalawa na alam kong kinurot ni mama si papa dahil sa sinabi nito tapos walang katapusang tawa ni papa. Galing ko noh parang nakavideo call kami noh. ahaha

"Nako anak wag mo na pansinin yang appa mo na gustong talunin ang pork chop duo eh ni hindi nga matuwid tuwid ang salitang pinagpipitagan. Neway anu ba un balita mo anak. sabihin mo na kasi hindi naman kasi ako manghuhula" saad nito.

Nagtatawa lang ako ganun talaga si papa medyo baluktot ang dila. kulang na lang eh hilahin ni mama para lang tumuwid mga tagalog nyan. Buti na lang nagmana ako kay mama eh kung hindi malamang kung indi nerd eh bulol ang itatawag sakin.

"Malapit na ako makauwi dyan ma!" masaya kong sabi. If nakikita kong lang ang mukha ko alam kong mukha akong eng eng na cheeetaa. Bigay na bigay ang galak. Nakasuperferry ang big smile.

"Wehh? Di nga? nijojoke time mo ba ako anak?" saad ni mama na di makapaniwala tapos maya maya narinig ko si papa na magsalita na pihadong inagaw nito kay mama ang cellphone. "Bunso baket ka uuwi? Pinayagan kang umuwi ng halmeoni mo? Anung nangyari? Ibabalik nya na ba ang gurdianship mo samin? Anu nangyari sa company ng lola mo? Nabancrupt ba? Magpapakasal pa rin ba kayo nung damuhong Joonki na iyon?" humihingal na tanong nito

Be Mine or Die (Will DELETE SOON IN APRIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon