Chapter 9 -- Bye bye Devil?

2.2K 39 5
                                    

Bold -- English

Bold -- Italic Korean

Italic -- Flashback or iniisip

Enjoly Reading mga bebeh <3

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 9 - Bye bye devil?

Joon-Ki POV

Dalawang linggo ang lumipas. Ngayon pwede na ulit pumasok si nerd. Nagalit ng todo si Madam Song nung makarating ito sa hospital at makita ang kalagayan ni nerd. Pero ang alam lang nito ay binully ito ng mga kaklase namin dahil nainggit lang kay nerd. Tikom ang bibig ni Ms Kim sa totoong dahilan dahil sa nakiusap ako dito na ilihim na lang iyon.

Ohh well naiganti ko na naman si nerd dun sa mga nambully dito. Kaya amanos na. Hindi pa pala naexpelled yung mg bully na iyon kasi suspended lang sila pero after nuong torture ay nag pa transfer na ang mga ito sa ibang school at hindi na nambubully pa. Bakit ko alam? Kasi pinasusubaybayan ko silang tatlo hanggang sa ngayon, well mabuti na iyong tumupad ang mga ito sa usapan kesa bumalik sila sa pagiging bully at baka pagbalingan nila ulit ng galit ay si nerd. Baka hindi lang pasa ang abutin nito sa susunod.

Speaking of nerd ng bumalik ako sa hospital at kamustahin ito at idouble check sana kung tunay na  nakita ko ito na parang anghel ay naging negative ang angel image nito dahil pag balik ko ay gising na ito at nakatirintas na ng isa ang buhok nito, nakasalamin at nakasimangot. Pinapagalitan kasi ito ni Madam Song whahahaha sabi ni Ms Kim na isang oras n silang maglola na ganoon. Sabi ni Madam na patuturuan nito si nerd ng martial art para indi daw ito kinakayan kayanan lang ng mga bully. Si nerd naman tango lang ng tango kahit nakangiwi na nakahawak sa bandage ng ulo nito.

Tinahi ang sugat nito sa ulo para daw hindi na iyon sobra pang sumakit at maghilom ng mabilis. Sinasabi ni nerd na ke liit liit lang ng sugat nito pero ang OA naman ng epekto dito kasi talo pa ang mingrain sa sakit. Kada uwuian namin from school lagi ko itong dinadalaw at syempre bukod pa iyong pagtawag ko dito para lang buwisitin ito.

Nakakamiss rin pala itong makita na mag bubble fish na mukha at mang iirap pag napikon na ito. Pag napipikon ito napapabilis ito sa pag sasalita ng Korean. Buti napabilis ko itong mapag salita ng korean para naman naiintindihan ko ang mga sinasabi nito dahil minsan nag tatagalog ito sa galit nito. Nag hanap pa tuloy ako ng translator at tinatandaan ang sinasabi nito para lang malaman lahat ang sinasabi nito o kaya tinatanong ko yung pinoy kong bodyguard. Oo may personal butler at mga bodyguard ako. Hindi lang halata kasi magaling silang magtago, akala nyo si nerd lang meron noh?

Nalaman ko rin na codename nito sa akin ay devil. ahaha ohh well sakto naman sakin kaya okay lang. Akala nito hindi ko maiintindihan ng sinabi nito na "gwapo ka na sana kaso devil ka lang."

Hehehe gwapo pala ako ha.

Si nerd talaga malinaw ang paningin. Hindi na niya kailangan ipangalandakan iyon dahil obvious naman di ba! (A/N wow grabeh ang hangin mo devil — wahahaha)

Well babalik na sa school si nerd kaya ang saya saya ko. Hmmm namiss ko si Nerd. Excited na tuloy akong pumasok sa school.

Ae-cha POV

Kagagaling ko lang sa hospital pero parang ayoko ng pumasok kasi 1. nandun si Devil 2. pagod na pagod ako sa martial art training ko para daw wag ako mabully. hays kasalanan lahat ito ni devil eh.

Ano nga ba pinagagawa ng aking kamahalan???

Ah naalala ko na, nasa music room kami ngayon at ang magaling kong future fiance nang mag tanong ang teacher namin "Sino marunong magpiano?(Isipin nyo nasa Korean ito mga naka bold italic)" unti unti pa lang ako natututong mag korean kasi hindi ko naman kinareer iyon sa Pilipinas kasi ayaw kong umalis sa Pilipinas pero dyahe lang ang halmeoni/lola ko na parang mafia ng mga korean sa dami ng mga nakakatakot na men in black or butler nito. Scary talaga!!!

Be Mine or Die (Will DELETE SOON IN APRIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon