Chapter 15 A jealous devil

2.1K 35 4
                                    

hays yung tipong ala ako maisip idugtong sa last chapter. hindi gumagana utak ko mga bebeh. sorry naman sa nag aantay na matapos na ito. mag totwo years na di pa ito tapos. huhu busy at tamad na tao lang.

Aecha POV

Anyari Aecha?

Nakatuleley ako habbang nasa harap ng desk ko na kanina ay pilit na pinagtabi ni devil sa desk nito kasi bago ako makaupo e inusod nito ang desk sa desk nito kaya ang ending tabi ang desk namin. Oo sobra itong mokong na ito noh kasi kanina pa mukhang nakaakbay ito sa akin pero sa upuan ko naman sya nakaakbay. Deadma lang ito sa mga klasmate namin at teacher na kanina pa kami tinitignan. Kanina pa din ito nangungulit habbang nagtetake notes ako ng lesson eh nangugulo ito na nililipat ang page ng libro na "sharing" kami kasi nakalimutan daw nito ang books nito. Palusot wala naman balak na magdala ng libro ito.

Ewan pero hindi na nawala ang goodmood nito na hanggang ngayon ay nginingitian pa rin ako ng wagas. Mukha lang itong cheeta na ngiti ng ngiti.

Kapag hindi ko maintindihan iyong itinuturo ng teacher namin ay ilalapit nito ang mukha nito sa tenga ko tapos ay ibubulong iyong hindi ko maintindihan kaya para kaming nagbubulungan ng sweet nothing sa isat isa. Minsan nga napapatindig ang balahibo ko sa batok kasi I swear sumasayad na sa tenga ko ang mga labi nito kaya nagigitla ako na napapalayo dito at namumulang napapatingin dito, tapos parang wala lang dito iyon na kikindatan at nakakalokong ngingiti na nambebelat pa. Para tuloy sinasadya nito iyon. Tsanching? o wala lang?

Nawiwirduhan na ako dito pero mas nawiwirduhan ako sa sarili ko. Kasi imbes na magalit dito ay patago akong kinikilig. PBB TEENS lang teh? Harot harot ang feelings. Magdyowa na ba para kiligin?

Pagkauwi ko kagabi akala ko masasabon ako ni hitler pero imbes na masabon eh tuwang tuwa pa ito na sinabi "Tama yan Apo, dapat magkasarilinan kayo ni Joonki at malay mo pag nakasal na kayo ay mahal nyo na ang isat isa." Kaya ayun hindi ko tuloy masabi dito na icancel iyong engagement namin ni devil kasi alam kong hindi ito maniniwala na ayaw namin pareho ni devil na maengage sa isat isa iyon ay dahil sa nakakabuwisit na scoop ng date namin na kinalat sa internet, sa tv at mga dyaryo. Iba talaga pag sikat. Nakakaloka sobra pala talagang sikat ang mokong na si devil.

Speaking of news, nakita ko ang news samin ni devil sa TV kagabi  na ang sweet sweet na nagdedate. Ang picture eh nung nag gagala na kami kasama si baby chowchow na nasa balikat ni devil tapos nakaakbay ito sa akin. Iyong kamay nitong nakaakbay sa akin eh nasa kamay kong kaliwa na nakaholding hands dito tapos ang kanan kong kamay e nasa beywang nito. Kahit nakashades si devil ay nakangiti itong nakatingin sa akin at nakatingin lang din ako dito na nakangiti. Happy happy lang teh?

Bagamat alam kong hindi kita ang buong pagmumukha ko ay alam ko naman mamumukhaan ako ng mga nakakita na sa akin. Ang sweet sweet lang ng picture. Akala mo totoong magdyowa kami ni devil.

Habbang nirereply ko sa utak ko iyong picture ay namumula pa rin ang pisngi ko sa sobrang sweet ng position namin.

Baduum

Baduum

Kilig kilig.

At lalong ikinapula ng pisngi ko sa balita ay nakita kong caption sa picture sa tv ay "DO WE HEAR WEDDING BELLS SOONER?" Wedding agad? Di ba pwedeng dyowa muna o pwede bang manligaw muna iyong mokong na iyon?

Tapos sa segment ng tv ay may tinatanong na mga audiences. Ang iba ay umiiyak kasi taken na daw si devil pero karamihan ay approved na approved daw sa relasyon namin ni devil na finally daw ay nahanap na daw ang "Princess Angel" nito at mukhang masayang masaya ito. Kaya masaya rin daw sila para sa amin. Supportive sila over. insert sarcasm here.

Be Mine or Die (Will DELETE SOON IN APRIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon