Hindi nga ako tinigilan ng mga kaibigan ko. Nakailang araw na rin akong nakikipagpatintero rito para iwasan sila. Tanda ko ang araw na halos isakay na ako sa sasakyan ni Annabeth para pumunta sa university na pinapasukan ni Neil. Katakot-takot ang pinagdaanan ko para lamang makaalis sa sasakyan. Tapos natatawa na lang sila Anna at Dianne habang ako ay halos umiyak na. Tang'na. Di pa ako ready!
Bukas, NMAT na at mamayang alas tres ng hapon ay luluwas na kami papunta ng Maynila para magcheck-in sa isang condotel na Malapit sa examination site. Medyo malayo kasi ang eskwelahan na pinapasukan namin rito kaya kailangan naming magkakaibigan gawin iyon lalo na at ang aga pa ng call time.
''Are you sure you want to enter the medical school?'' tanong sa akin ng magulang ko habang tinutulungan ako sa pag-eempake ng mga gamit na dadalhin.
''Yes, Mom and Dad. I really wanted to go to medical school...'' Ngumiti pa ako ng tipid at saka ako pumunta sa mga magulang ko at yumakap.
Alam ko naman kasi na mahirap iyon para sa aking mga magulang lalo na at nag-iisang anak lang ako. My parents handle businesses at ang pangarap ko na maging isang doctor ay malaking kasalungat sa kung anong gusto nila pero pinaglaban ko pa rin ito hanggang sa huli kaya wala nang magawa ang aking mga magulang kung hindi ay magparaya. I know that they love me that much and I won't disappoint them.
"Tsaka, hindi pa naman natin alam kung may medschool pa ako papasukan. Kailangan ko pa maka-40 na percentage ranking para may mapasukan." Paliwanag ko rito.
"We'll going support what you want, dear." Sabi ni Dad. Niyakap ko siya ng mahigpit saka hinalikan siya sa pisngi.
"Emotero mo, Pa. Tigilan natin 'yan. Oh siya. Tama na ang kadramahan na ito. Tsaka kasama ko naman sila Annabeth sa condotel kaya panatag na rin naman kayo."
Ngumiti sila sa akin at ganoon na nga at nagpatuloy na kami sa pagsasalansan ng dadalhin kong mga gamit. Hinatid ako ni Dad papuntang condotel at nakita ko na naroon na ang mga kaibigan ko. Nagpaalam ako kay Dad at kinuha ko na ang aking mga gamit. Nagpunta naman kaming magkakaibigan sa front desk pagkatapos.
"Ang laki na nang atraso mo sa amin Nathalia ha. Baka akala mo nakakalimutan ko na. Gagitang babae ka! Ikaw na nga ang tinutulungan magkaroon ng lablayp ayaw-ayaw pa." Annabeth bursted after we get our keycard.
"Pa-demure pa, ano?" dagdag pa ni Dianne.
"Sabi ko nga sa inyo wala akong oras para dyan. Focus muna ako at kung may darating man na lalake na para sa akin, darating yun at maghihintay." Paliwanag ko at saka ko tinapik ang balikat ng mga kaibigan. I know, maysadong hypocrite pero wala. Maybe I should keep this first to myself.
"Sister Nathalia Zamora sana sa kumbento ka na nag-apply. Hindi pa naman huli." Medyo sarcastic ang tono ng kaibigan ko pero ipinasawalang bahala ko na lang.
"Gaga! Bagay nga sa iyo. Gaga." Annabeth said while laughing.
"Ha ha ha Bahala kayo dyan." I answered back.
Ako ang unang lumabas ng elevator pagkabukas nito. Tutal nasa akin rin naman ang key card kaya walang kahirap-hirap na binuksan ko ang pinto at nang makita ko ang mga kaibigan ko na naghihimakos papunta ay sinarado ko na ito kaagad.
"Hoy gaga! Buksan mo ang pinto. Letse kang Nathalia ka. Ayaw pa aminin na may pagnanasa kay Neil!" sigaw ni Anna.
"Wala nga akong gusto doon. Di ko bet ang masyadong mabait! Parang pari, pota." Sagot ko pabalik at rinig ko ang pagtawa nila habang patuloy sa pagmumura si Annabeth. Mukhang fucking machine na naman ang bunganga nito. Binuksan ko na tuloy ang pinto. Nakakahiya rin sa mga tao na maaaring makarinig rito. Gumagawa pa ng eksena.
"Eh di hindi na. Jusko! Akin na lang 'yon total crush ko naman yun. Ang fafa ng dating. Mukha pa lang ulam na! Rawr!" Nakita ko na umakto pa ito na parang mangangalmot na parang pusa at saka binato ang bag papuntang kama.
"Trip 'nun?" tanong ko kay Dianne na tahimik lang na nag-oobserba sa amin.
"Pabebe ka kasi." Sagot ni Dianne sa akin at saka ito naglakad papuntang kusina. Aba! Ang lalakas ng topak ng mga kaibigan ko, Jusmiyo!
Parang walang giyera na nangyari pagkatapos dahil nagbihis lang kami at saka na sabay-sabay na lumabas para bumili ng makakain at para na rin makapaglakad. Alam ko na pampawala lang ng stress ang nangyari kanina dahil kinakabahan kaming lahat. Parang nakatayo kasi kami na may isang malaking hukay na nasa likuran namin.
"Kung hindi ako magiging doktor nito may plan B pa naman ako." Pagkukwento ni Anna. Loko na naman ang babaeng ito.
"Aba! Pinagloloko mo akong babae ka. DL ka, tang'na to tapos sasabihin mo hindi ka magiging doktor." Nagtaas ng middle finger si Annabeth rito na siya namang ikinatawa naming lahat.
"Basta ako, makapangasawa ng doktor ayos na. Kaya hoy, Nathalia akin na si Neil. Gagita kang babae ka kapag inagaw mo pa" paninigurado ni Annabeth sa akin. Napa-irap na lang ako sa kanya. Parang walang boyfriend kung makapagsalita a.
"Hoy babae share your blessings!" Anna said.
Ngumisi si Annabeth rito. "Okay sige basta akin ibaba ha."
"Gaga!"
"Ang bastos niyo namang dalawa!" Halos sabay naming sabi ni Dianne. Mukhang sex lang ba ang gusto nito kay Neil? Gaga talaga!
Dumila silang dalawa sa amin at saka na lang kami napatawa. Kinabukasan ay maaga kaming apat na nagising. Daig pa namin si Flash sa bilis dahil halos mag-ala sais na nang umaga at hindi pa kami nakakakain. Maglalakad pa kami pupunta sa examination area at hahanapin pa ang building na allotted.
Doon ako sa may College of Engineering habang si Anna naman ay sa may Accountancy, si Dianne ay sa Main Building at si Annabeth ay sa Architecture. Magkalapit lang halos ang building ko at ni Annabeth kaya sabay kaming naglalakad.
"Good Luck!" sabi ko rito habang papasok na ito ng Architecture building.
"Good Luck, peks! Alam ko naman na type mo si Neil kaya sa iyo na ang parte ko. Masarap yun, ibaba." Sagot sa akin ni Annabeth na may halong pang-iinis.
"Gaga ka talaga kahit kailan. Sana lang hindi ako ma-disappoint dun. Daks ata e." patol ko rito. Hindi naman siguro nito papansinin ang sinabi ko. Bahala na!
"Baliw! Papasok na ako." Paalam nito sa akin at saka ako nagtungo sa building ng Engineering.
BINABASA MO ANG
Loving Nathaniel Croux
RomanceNathalia Amery Zamora wanted to marry Neil Croux, her senior resident. Ngunit, kahit anong gawin niya hindi siya nito bibinigyan ng pansin simula ng magbreak silang dalawa. Pinaghihinaan na siya ng loob dahil sa tatlong taon niyang pagpupursigi sa p...