Chapter Four

1.4K 36 1
                                    

Nakapila ako papuntang stadium habang suot-suot ang itim na graduation robe at kulay dilaw na hood. Ngayon ang araw ng pinakahihintay ko at ng lahat aking mga kaklase at kaibigan—Graduation Day. Pagkatapos nito ay magtatapos na ang yugto namin bilang isang estudyante. Panibagong mundo na ang aming tatahakin at kailangang pasukin tulad nang pagtatrabaho pero para sa ilan na katulad ko ito na ang panahon para pumasok sa isang mundo na mas mahirap pa, ang medical school.

Magkakalayo kami ng upuan ng aking mga kaibigan at ito dahil alphabetically arranged ang seats para daw madali sa pag-akyat ng stage. Dalawang graduation pass lang ang nakalaan para sa isang estudyante na g-graduate kaya kasama ko sa loob ang parents ko at ang kapatid ko naman na si Ella ay nandoon sa labas. May projector rin naman doon para mapanood ang nangyayari sa loob at air-conditioned rin ang labas kaya hindi ako mag-aalala rito.

Ilang linggo na ang nakalipas simula nang kumain kaming dalawa ni Neil sa Italian restaurant. Naging magaan ang loob namin sa isa't-isa kaya kapag nag-uusap kami ay lumalabas ang pagka-pilyo niyang side na siyang lumalabas lang daw kapag kasama nito ang tropa at masaya ako na medyo ganoon na rin ito sa akin. Tanda ko noong araw na kumain kami ay hinatid niya ako pabalik sa coffee shop dahil iniwan niya ang sasakyan niya roon sa may parking. Tapos akala ko hanggang doon na lang matatapos pero ku-convoy pa ito pauwi para raw masigurado ito na nakauwi ako ng ligtas. Tapos natatawa na lang ako dahil hindi ito pinapasok ng guard na nasa guardhouse dahil wala itong sticker ng subdivision namin.

Nakapila na ako at ang ilang graduates sa may gilid para umakyat sa stage upang kunin ang inaasam namin na diploma. Hinanap ko ang aking mga magulang at kita ko ang mga ngiti na siya namang nagpaligaya sa akin "Mommy, Daddy... This is it."

"Zamora, Nathalia Amery H. Loyalty Awardee and Best in Thesis Awardee together with De Leon, Annabeth R."

Umakyat ako sa stage pagkatawag sa pangalan ko. Nakipagkamay ako sa Dean at kita ko sa likuran ang thesis adviser namin ni Annabeth, si Dr. Arci na nakangiti. Sigurado ako na masaya ito para sa amin at lubos kaming nagpapasalamat dahil siya ang naging tulay para makakuha kami ni Annabeth ng ganitong award at kahit di man namin sabihin rito ay alam nito na nagpapasalamat kami.

Tumaas si mommy sa stage at ito ang nagsabit ng medalya sa akin. "I am so proud of you, baby." I heard her mother whisper and that make me smile. No mom, I am proud of you and Dad. All hard work are all for you.

May ilan pang sumunod na graduates na siyang binigyan rin ng award at pagkatapos niyon ay ang pagkanta namin ng alma mater hymn. Masaya kami na lumabas after magrecession. Magkakasama na kaming magkakaibigan at masayang nakangiti. Picture rito at pose doon ganoon ang nangyari dahil ang ilang mga kaklase ko noon ay hindi ko na makikitang muli dahil magkakahiwalay na kami ng mga landas.

Pumwesto ako sa may harap ng college flag at saka ako nagpakuha ng litrato sa aking mga kaibigan. Hindi naman nagtagal ay nakita ko ang aking mga magulang at niyakap ko sila ng mahigpit.

"I am so proud of you, Nathalia. You did a great job." Rinig kong sambit ng Daddy sa akin.

"I am proud of you mga ate!" bati ni Ella sa aming magkakaibigan. Nasa may likuran ito ni daddy at may kasama ito na lalake na nakasuot ng kulay puti na polo na may ternong itim na pantalon at leather shoes.

"May nakilala ka ba habang nandito ka sa labas, Ella Marie?" tanong ko sa aking kapatid.

"Nako si ate, napakamalihim pinaglihi sa kalihim."

Narinig kong tumawa sa likuran ko ang mga kaibigan ko at nakipag-apir pa ito sa kapatid ko, "Very good, Ella may natutunan ka kay ate Annabeth."

"Mga pinagtuturo mo sa kapatid ko Annabeth. Ang tanda ko si Dianne lang ang nagsabi noon pero tingnan mo pati ba naman ang kapatid ko hinawaan mo ng kalokohan."

Tumawa lang ang mga kaibigan ko at nagpaalam muna ang mga magulang kona may kakausapin ito sa hindi kalayuan. Sinama nito ang kapatid dahil baka mawala rin ito pero bago pa makalayo ay rinig niya ang sinabi nito. "May nanliligaw pala sa iyo ate aba ayaw sagutin tatanda kang dalaga dyan e!"

I rolled my eyes at my friends upon hearing it then they just give me an intrigued look.

"At sinong nanliligaw sa iyo? As if naman si Marco, pakboy yun." Tanong sa akin ni Anna. Napatawa na lang ako sa ni-label niya kay Marco, Fuck boy talaga?

"Babaero rin kaya yun. Pero basted na naman iyon noon pa man kaya who is who aber?" Annabeth added. Pumunta ako sa kanila at saka ko niyakap ang magkabilang braso nila.

"Wala naman kayang nanliligaw sa akin. Sabi ko nga sa inyo wala akong oras para dyan?" I explain.

"Kahit ba ako?" rinig ko sa may likuran kaya napaharap ako at ganoon na lang ang gulat ko na makita si Neil na may hawak pang box na may ballot na kulay gold.

"Gaga! Ano ito?" tili ni Annabeth at saka ako kinurot sa tagiliran.

"OMFG!"

"Uma-under the table yung isa." Anna stated.

"Hi. Congratulations sa inyong lahat. I am proud to see new graduates in front of me." Bati ni Neil sa amin tapos inabot sa niya sa akin ang box na hawak nito.

"Thank you."

"Bakit siya meron, tapos kami wala?" tanong ni Anna at saka ako tinulak gamit ang bewang nito papunta sa direkson ni Neil. Itong babaeng ito talaga! Natamaan tuloy si Neil sa ginawa nito.

"Teka, why are you here? You don't have classes?" Dianne asked while looking at Neil who is smiling. Kinikilig ako rito sobra. Kung pwede nga lang na yakapin na agad ito ng walang halong malisya ay ginawa ko na kanina pa.

"We don't have classes today don't worry hindi ako nag-cutting class kahit talamak na yung ganoong istilo sa amin." Napangiti ako sa narinig. Check. Responsible.

"Pwede bang pass muna sa suhol ko sa inyo? Or treat ko na lang kayo kapag binalik niyo na lang ang toga." Kumindat pa ito sa amin na talaga nga namang nakapagpatunaw ng sobra. Sobrang guwapo kasi nito lalo na ngayon.

"Picture na lang! Ayos na kami doon pero if you insist, who are we to decline right? Grasya na ang lumalapit sa amin. Libre eh." Anna blurted.

Napatawa na lang sila at saka sila kumuha ng litrato kasama si Neil. Mayroong solo at mayroong group picture. Random na at habang tumatagal hindi ko mapigilan ang sarili na lalong mahulog rito. Hindi naman siguro masama na magkaroon ng nobyo. Nasa tamang edad na rin naman ako, nakapagtapos ng pag-aaral at mag-aaral uli. Ayos lang naman iyon hindi ba?


Loving Nathaniel CrouxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon