"Ang tanga-tanga mo @Nathalia Zamora. Number mo hindi mo matandaan? Hahahaha!" basa ko sa message ni Annabeth sa group chat naming magkakaibigan.
Tanda ko ang nangyari kanina sa pizza house at napaka-epic nang nangyari. As in. Naging magkasundo kasi ang grupo ko at ang grupo ni Neil kanina. Madaming topic ang pinag-uusap namin kasama ang mga kaklase ni Neil. Tapos biglang nagtanong si Neil sa amin kung paano niya kami makokontak. Yung mga kaibigan ko naman ay napakasupportive dahil ako ang tinuro para i-contact kapag magkita ulit sila. At dahil nga nabigla ako rito ay nakalimutan ko ang number ko at idagdag pa rito ang pin ng phone. Hindi ko alam pero biglang nablangko ang isipin ko kasi ba naman ang lapit ng mukha ni Neil sa akin. Tipong sumisilip. Tawanan tuloy ang mga kaibigan ko at niya dahil sa kapalpakan. Nakakahiya!
Anna Flores: "Pero kahit ganoon @Annabeth ang swerte pa rin ng babae natin. May number ni Neil. Ikaw na ghurl!"
I know it well. Yeah, I am damn lucky! Hindi ko kasi na ine-expect na si Neil na lang ang magbibigay ng number sa akin. Itinago ko na nga agad yung papel na may laman ng number nito kasi sigurado ako na hihingiin iyon sa akin ni Annabeth. Isa pa yung babae na 'yon akala mo walang jowa meron naman!
Annabeth De Leon: " Siya na ang lucky girl! Haba nang hair natin ha. Hindi namin alam na pangalawang beses niyo na pala na nagkita! Hindi nagkukwento! Ang shellfish!"
Dianne Taylor: "Oo nga. Hindi mo naman Nasabi na nagkita na rin pala kayo sa school noon. Ang lihim mo, Inday. Kalihim kinain mo?"
Humagalpak ako ng tawa habang binabasa ang message ni Dianne. Jusko, nahahawa na ang pinakamatino sa aming magkakaibigan. Hinawaan na ni Annabeth at Anna sa pagsasalita.
Nathalia Zamora: "Hindi ko naman kasi alam na siya yun. Okay? Pero, ang wafu ha lalo na nung ang lapit ng mukha naming dalawa noong mahulog yung dala ko." Kwento ko na nang-aasar. Makaganti man lang sa tatlong ito.
Annabeth De Leon: "Huwag kami! Bruha ka ang harot mo!"
Nathalia Zamora: "Uhm, mana sa iyo? HAHAHHAHHAA"
Sinave ko ang number ni Neil pagkatapos at saka ako nag-message para magpakilala pero hanggang ngayon ay wala pa ring reply akong natatanggap rito. Siguro ay dahil nga med ay talagang busy. Uunawain na ko na langito dahil hindi kasi biro ang mag-aral ng pagdodoktor kaya ganoon, ako na lang ang iintindi.
Lumabas muna ako ng kwarto para kumuha ng makakain at pagkabalik ko ay tambak na agad ang group chat at puro bruha ang nababasa ko. Pinaltan pa nga ng mga kaibigan ko ang nickname doon. Mula sa Nathalia Zamora ay ginawa nitong Bruhang sideline kung humarot na thalia.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Binuksan ko agad ang phone habang nakapikit pa rin ang isang mata dahil sa antok. Nagbabakasakali ako na may message na si Neil sa akin. Kahit man lang HI kaso... Wala. Since maaga pa at wala namang pasok dahil Sabado tutulog na sana akong muli pero tila nahimasmasan ako nang mabasa ko na lumabas na ang resulta ng NMAT. Abot-abot ang kaba ko habang naglo-load ang site pagkatapos kong i-input ang ilang impormasyon. 80% ang percentage na kailangan kopara makapasok sa Fiax Medical University. Pagkaload ng site ay napatalon na lang ako bigla sa kama.
"Oh My God!" tili ko. Pumasa ako. Pumasa ako!
Naging-maingay ang group chat naming magkakaibigan at nalaman ko na lahat kami ay pumasa sa mga choices na gusto namin. Makakasama ko sa Fiax si Dianne tapos si Anna naman ay sa Trinity sa Manila mag-aaral at si Annabeth, sa may Quezon City.
Nagkita kami kinahapunan sa isang coffee shop na malapit lang sa dormitory ni Anna. Medyo malapit din ito sa pizza house na kinainan namin noong nakita namin sina Neil. Pagkarating ko roon ay nandoon na ang mga kaibigan ko na masayang nagkukwentuhan. Ilang araw na lang ay ga-graduate na rin kami. Parang kailan lang noong nagkakilala kaming tatlo sa isang major subject tapos ngayon ay sabay-sabay kaming magtatapos sa kolehiyo. Ang bilis nga naman ng panahon.
BINABASA MO ANG
Loving Nathaniel Croux
RomansaNathalia Amery Zamora wanted to marry Neil Croux, her senior resident. Ngunit, kahit anong gawin niya hindi siya nito bibinigyan ng pansin simula ng magbreak silang dalawa. Pinaghihinaan na siya ng loob dahil sa tatlong taon niyang pagpupursigi sa p...