Para akong hiningal sa exam. Hindi ko alam kung bakit pero para akong hinahabol. Nakakaloka.
"Sa wakas at nagkita muli tayo. Kumusta?" tanong sa akin ni Annabeth habang hawak nito ang plastic envelop na may lamang dalawang pencil at examination permit.
"Halos maloka ako." Sagot ko habang mahigpit ang hawak sa plastic envelope.
"In fairness base sa naririnig ko, madami ang nadalian sa Physics part." Kwento niya sa akin.
Napakunot ang noo ko. Ang hirap kaya ng part na iyon para sa akin pero bahala na. "Kailan ba raw lalabas ang result?"
"Two weeks from now."
Napayuko na lang ako at saka kaming dalawa nagpunta pabalik ng condotel. Pinagusapan na namin kanina na doon na lang magkita dahil na rin sa dami ng tao na mag-NMAT ng araw na iyon. There are so many aspiring medical doctors but only few are strong enough to conquer.
Pagkarating namin sa condotel, nandoon na sila Dianne at Anna na nagkukwentuhan tungkol sa nangyari kanina. Bukas ng umaga naman ay mag-check out na kami dahil sa Tuesday may pasok na. Hindi naman kasi porket na magte-take kaming mga fourth year ng NMAT ay excuse na kami ng dalawang araw. May ilang kaklase din kasi kami na hindi na kumuha nito dahil wala raw balak itong magpatuloy sa pagdodoktor. Pwede naman akong tumulad sa mga iyon pero hindi ko alam kung bakit parang may humihila sa akin na magpatuloy at magpursige pa lalo.
"Saan niyo balak na pumasok, if ever na pumasa?" tanong ni Anna sa amin habang nagbibihis ng damit.
"Trinity?" sagot ni Anna.
"S'yempre sa eskwelahan na pinapasukan ni Neil, Fiax Medical University." Annabeth answer while giggling. Harot nito!
Kita ko ang pag-roll eyes ni Anna. Siguro ay napagtanto nito na wala si Neil sa papasukan niyang medical school. Isa rin ito e pero alam naman ko naman na nagbibiro lang ito.
"Baliw! Huwag kang manlamang!" sigaw ni Anna habang natatawa na lang si Annabeth. Dinilaan pa nga ito ni Annabeth pagkatapos.
"Sa Fiax rin ako." Sagot ni Dianne.
Napa-isip ako sa kung saang mga medical school pwedeng pumasok. Yung nakalagay na first to third choice na medical school sa examination permit, kung ano lang ang nasa itaas yun na ang nilagay ko kaya nga hindi ko mapagtanto kung bakit ko nga ba ginawa iyon dahil isang medical school sa Luzon meron sa Visayas tapos meron din sa Mindanao. Lakas trip lang?
Mabilis lumipas ang oras at ang mga araw at ngayon ang araw nang final defense namin ni Annabeth. Tatlong araw bago ang araw ng defense namin ay hindi ko malaman kung saan hahagilapin ang kapartner ko. Feeling ko para akong iniwan sa ere pero wala kailangan kong intinidhin ang kapartner ko. Para saan ba at naging magkaibigan kami at hahayaan ko lang ba na ang thesis ang maging dahilan kung bakit kami magkakaaway? Hindi naman maganda tingnan 'yun. Pang-immature na away.
"Kaya natin ito. Para sa hinaharap! MD 202X!" cheer naming dalawa at saka na kami pumasok sa room na kung saan nandoon ang thesis adviser namin na si Dr. Arci at tatlong research panels na batikan talaga sa research.
Sinimulan muna namin sa isang panalangin at saka ako ang unang nagpaliwanag. Detection of ectoparasites and endoparasites in Fenneropenaeus merguiensis spp ang title ng study namin. Hindi kami nahirapan sa pagpresent hanggang sa pinalabas muna kaming dalawa ni Annabeth para mag-usap ang mga panel. Abot langit ang kaba ko at kasing bilis ng kidlat ang pagtibok ng puso. Para akong hinahabol ng ilang aso para kagatin. Ganoon ako kakaba.
"Congratulations! You passed."bati ng thesis adviser namin at saka namin ito kinamayan pati na rin ang mga panel. Abot langit ang tuwa ko at alam niya ganoon rin ang kapartner kong si Annabeth. Makaka-graduate na kami! Sa wakas!
Pagkalabas ng mga panel namin at ng aming adviser sa kwarto ay magkahawak kamay kaming tumalon sa tuwa ni Annabeth. Rinig na nga ang tunog ng stilettos na suot ko. Oh my gosh!
"Gagraduate na tayo, Nathalia! Gagraduate na tayo!" masaya na bangit ni Annabeth sa akin. Ngumiti ako sa kanya at saka siya niyakap. Ang thesis na lang ang kailangan naming dalawa para matapos at ipasa at sigurado ay gagraduate na silang kami.
Bumukas ang pintuan at tumambad sa amin sila Anna, Dianne at ang nobyo ni Anna na si Marcus. Tumakbo ang dalawa kong kaibigan papunta sa amin at saka kami niyakap agad.
"Mga bakla! Tapos na kayo! Gagraduate na tayong lahat!" Anna screamed while hugging both of us.
"Yes! Go Team Medschool. MD 202X!" sabay-sabay naming sabi na parang chant. Napatawa na lang kami pagkatapos.
Kumain kami sa labas pagkatapos para i-celebrate ang successful thesis defense. Umorder kami ng pizza, pasta kasama na ang fries and drinks. Masaya kaming nagkukwentuhan hanggang sa may limang tao na nakasuot ng male white uniform na may maliit na logo na nasa kaliwang parte ng polo ang pumasok
Namukaan ko ang isa sa lima at sigurado ako na si Neil iyon. Tiningnan ko ang mga kasama ko at ganoon na lang ang ngiti nila. Alam ko ang ngiting ganyan! Kaloka!
"Omg, si Neil!" bulong ni Anna sa akin nakita mo nga namang kinikilig. Isa pa ito e!
Tumango na lang ako at saka ko naramdaman ang pagsundot sa tagiliran ko ng katabi ko. "Masyado kang halata. Pulang-pula. Deny pa na hindi niya type pero mukha ka nang kamatis dyan." Panunukso ni Annabeth sa akin. Panira.
Nagtawanan ang mga kasama ko at tiyak ako na dinig iyon sa loob ng pizza house. "Congratulations sa pag-pasa ng final defense!" medyo malakas ang boses ng sabihin iyon ni Anna kaya napatingin ako sa lugar nila Neil at biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng magtama ang mata namin sa isa't-isa. Jusmiyo Marimar!
Ngumiti ito sa akin kaya mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Pero may mas ibibilis pa pala ito nang tumayo ang mga tapos nang kumain sa table na katabi namin. Tapos naglakad naman papalapit sa pwesto na iyon ang grupo ni Neil.
Letsugas na 'to! Saan ba ako maaaring magtatago? Pwede ba sa ilalim ng table? Kaso weird. Ano ba 'yan?! Ang hirap naman.
BINABASA MO ANG
Loving Nathaniel Croux
RomanceNathalia Amery Zamora wanted to marry Neil Croux, her senior resident. Ngunit, kahit anong gawin niya hindi siya nito bibinigyan ng pansin simula ng magbreak silang dalawa. Pinaghihinaan na siya ng loob dahil sa tatlong taon niyang pagpupursigi sa p...