Chapter Eleven

6.9K 108 0
                                    

TODO-IWAS ang ginawa ni Ladylyn kay Princeton. Sa tuwing makikita niya ito sa unibersidad, lumilihis siya ng daan para hindi sila magkita nito. Pero madalas sa minsan ay nagkakasalubong sila nito lalo pa't magkaklase sila sa isang subject. Kapag nangyayari iyon, hindi niya ito pinapansin kahit gustung-gusto niya itong kausapin. Hinahayaan din siya nito. Hanggang tingin na lamang sila at nilalampasan ang isa't isa na parang hindi magkakilala. Na parang wala silang pinagsamahan.

Nasasaktan siya sa sitwasyon nilang iyon. Pero wala siyang magagawa. Ayaw sa kanya ng daddy nito para dito.

Balak rin niya sanang mag-resign sa pinagtatrabahuhan niya para makaiwas kay Princeton. Pero nang napansin niyang hindi na ito pumapasok sa bakeshop dahil nag-resign na raw ito ayon sa kasamahan niya roon, hindi na rin niya itinuloy ang balak.

Sa tingin niya ay alam nito na aalis siya roon para iwasan ito kaya inunahan na siya nitong umalis. Tulad ng nangyari sa boarding house. Inunahan na rin siya nitong umalis doon.

Palagi niyang naaalala ang huling pag-uusap nila nito.

"Hihintayin kita hanggang sa handa ka nang ipaglaban ang pag-ibig natin."

Gustung-gusto niyang ipaglaban ang pagmamahalan nila. Pero paano? Hiyang-hiya siya sa mga sinabi ng daddy nito. Nangako na siya rito na hihiwalayan na niya si Princeton. At meron siyang isang salita.

Tatlong buwan na ang lumipas. At ang tatlong buwang iyon ay parang tatlong taon na para sa kanya. Sa loob ng mga panahong iyon, walang pag-uusap na namagitan sa kanila ni Princeton. Nakakalungkot isipin iyon. Sobrang missed na niya ito.

Natapos na ang sembreak at isang linggo nang nag-uumpisa ang klase ngayong second semester. Hindi niya nakikita si Princeton sa paligid ng CCA maging sa campus. Ano na kaya ang nangyari dito? Kumusta na rin kaya ang sugat nito na nagging bunga ng pagtatanggol nito sa kanya laban sa masamang taong iyon.

Nang umagang iyon, bigla na lang sumulpot si Janna sa harap niya pagkatapos ng klase niya sa isang subject.

"Ladylyn," tawag nito sa kanya.

"Ano ang ginagawa mo rito? Iinsultuhin mo na naman ako?" Minsan na siyang pinagsalitaan nito nang masama sa harap ng mga kaklase niya. "Oo na, tanggap ko na na hindi kami ni Princeton para sa isa't isa. Kayo ang bagay. Lumayo na ako kay Princeton. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Hindi pa ba sapat ang ginawa kong 'yon sa 'yo?"

"Ladylyn, I'm not here to insult you. Makikiusap ako sa 'yo. M-may sakit si Princeton."

Bigla siyang nag-alala sa sinabi nito. Kaya pala hindi niya ito nakikita sa unibersidad. Bakit kaya nagkasakit ito?

"Pinuntahan ko siya kagabi sa kanila. Dinalaw ko siya. Pero... sa tingin ko, hindi ako ang kailangan niya. Ikaw... Hinahanap ka niya. Please, puntahan mo siya," pakiusap nito.

"Gagaling din 'yan. Hindi niya ako kailangan."

"Huwag ka na ngang mag-inarte d'yan. I know, matagal mo na siyang gustong makita. I know you love him so much. Please, Ladylyn. Please..."

"Bakit, hindi mo ba siya kayang alagaan? Akala ko ba mahal mo siya."

"But I'm not the one he loves. Ikaw ang mahal niya. Kaya kahit masakit, I'll let him go. Hindi naman ako kasingsama gaya ng iniisip mo."

"Hindi ako pupunta," matigas na sabi niya.

"Ano ba ang pumipigil sa 'yo?"

Anything To Make You Mine [PUBLISHED under PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon