Story 5: Cellphone Switched (story ni Sharmaine) part 2

961 10 7
                                    

Waaaaaahhhhh! 5 more stories left! Hahahah! Kalahati nalaaaang! haaaaaaaay...

Inspired ako sa Loveteam nina GELOU at JASON sa dream high. x""""> kilig pwet ako dun ah! hahahaha!

BTW, ENJOY READING! ^____^

SHARMAINE:

"Hello?"

"Hello! Nasan ka? Cellphone ko yang ginagamit mo!"

Shemay. Nagkapalit nga ata kami ng cellphone....

Pano nang gagawin ko? ANg mga Katextmate ko? Ang load ko? Ang cellphone koooooooo! TT_TT

"Huy! Hello! nandyan ka pa ba Sharmaine?"

"H-ha? Pano mo nalaman name ko? Stalker ba kita???"

"Ang kapal din ng peslak mo eh noh! Narinig ko lang kanina nung tinawag ka nung kasama mo! Wag kang assuming! "

"Ayy.. ano ba yan. kala ko stalker na kita. He he he he. Sorry. v^_^"

"Grabe! Porket alam ko ang pangalan mo, stalker na agad? Ano toh? PBB TEENS? Landian Edition? o.O"

Ay.. beki ba toh? nanunuod ng pbb teens? Aysusginoo

"Hoy! DI ako nanunuod nun ah!"

"Naririnig mo pati iniisip ko? wow! Ang angas ng phone ko!"

"Tccchhh.. Eh asan ka ba kase? Kung saan-saan na lumipad yung pinaguusapan natin! Bahala ka. ang load mo mauubos na."

"Ay! HALA! WAG! Precious yan! papaslangin kita pag naubos yan!"

"Eeeh asan ka ba kasi? kung sinasagot mo na lang ang tanong ko di ba?"

"A-ah.. eh... Kasee..."

"Huy! Yung phone ko kailangan ko rin noh! >.< Bilisan mo!"

"Eh Kase.. DI KO ALAM ITONG LUGAR NA ITO!"

di sya nakapagsalita ng ilang segundo. Siguro iniisip nya shunga-shunga ko. >.< Aysssshhh! Naman kase eh! Eh sa hindi ako familiar sa lugar na 'to eh! Pasensya namaaaan!

"Ehem.. Ganito nalang. TANONG MO SA KASAMA MO KUNG ANONG LUGAR YAN."

Onga noh! hahahahah! BRIGHT IDEA! x))) Galing-galing nya naman mag-isip! hahahah!

"Kenneth! Anong lugar ba ito? nasan na ba tayo?"

"Skylight Apartelle." -sagot ni Kenneth. Buti di na sya masyadong nagsusungit. hahahahah! Yiiiieeee! Si kenneth bumabait! hahahaha!

"Hello! Sa ano daw.. sa-"

"Skylight Apartelle. Oo narinig ko. "

"Ah. e-eh ganun ba? heheheh! sorry! so, pano ko na kukunin yang cellphone ko sa'yo?"

"Aba malay ko sa'yo! di ko nga alam kung saan yan eh!

"Aynaku! Oyyy! Ubos na ata yung load ko! Text ka nalang! san ba tayo magkikita?"

"Dun sa reservation area kanina. magpasama ka ah! Baka maligaw ka! isama mo pa sa ka-shunga-an mo yung cellphone ko!"

"Aysh! oo na-"

Ay.. binabaan ako ng phone. -_- bastos lang iih. ayyyyyyt.

"Kenneth! samahan mo ako! Punta tayo dun sa-"

"Sorry Sha. ("Sha" yung tawag nila sakin. short term for sharmaine) Nagpapasama din kasi sakin si Trivia, eh kanina pa nangungulit. Sorry talagaaaa!"

"Ah. cge. salamat nalang.... KUYA ACE! Samahan mo ako-"

"Sorry Sha. May pinapa-asikaso pa sa aming dalawa ni ericka si Papa eh. Next time nalang."

"Ah. sige wag nalang. Thanks nalang.... Hmmm.. DEANNE!!!! Samahan mo ako-"

"Uy Sha sorry, susunduin kasi ako ni Patrick mamaya eh. Sorry talagaaaaaa. :(("

"A-ah.. ok lng. salamat..."

Aysssshhh! Ang hirap talaga pag ako nalang mag-isa walang love life. -_- Eh di sila na may kasama. ayaw ko nang tanungin si Inno. Busy rin yan for sure. -_-

"Hey! Sha! My gosh! Nandito na pala kayo! kanina pa kita tinetext! Di ka man lang nagreply. Kainis ka huh!"

Ayun! Bingo! May makakasama na ako. ^_^

**

From: Sha-Sha <3 <3 <3 (sinave ko na yung number ko dito sa cellphone ng mokong na ito. hahahah! para di na ako mahirapang malaman kung sinung nagtetext dito sa cellphone nya.)

San ka na?

Ay. Charot. Tipid magtext. hhahahah!

To: Sha-Sha <3 <3 <3

Malapit na kami dyaaaaaaaan! Intay nalang unti! hahahah! Wait a minute ka lang ah! wag kang masyadong hapit! Intayin mo akeshhhh!

Ayun. di na ulit nagreply.

Di ko pa nga pala alam name nun noh? Itanong ko kaya? Pssh. Wag nalang. Ngayon lang naman kami magkikita eh. Tapos pagkatapos nito..... pagkatapos nito............ wala na. :( Ganito ba talaga ang buhay? lalapitan ka lng ng isang tao pag may kailangan siya? Ang saklap pala ano?

"Uy! Sha! Andito na tayo! Hanapin mo na yung papalicious mo! Intayin nalang kita dito! Mukang maraming tao dun eh!" 

"Oh sige sige Erielle! Intayin mo nalang ako dito ah! Saglit lang toh! Promise!'

"Tss! TAKE YOUR TIME!"

Ang dami ngang tao dito. Parang may pinagkakaguluhan sila ah? AY teka! teka! Ayun na ata yung lalaking hinahanap ko!

"O-OY! yung lalaking nakapalitan ko ng cellphone...!"

Tumingin na sya sa akin... Ng biglang may humila sa kanya out of nowhere. o.O Hala. Baka na-kidnap na yun aah? kawawa naman sya! >.<

nakisiksik ako sa mga tao. at walang ka-ano-ano'y.. may humila rin bigla sa akin. o.O

Oh My..

**

JUN:

Antagal naman nung babaeng yun! Baka naligaw na yun ah! Aynako! 

teka. Bakit nga pala ang daming tao dito? Baka natabunan na yung sharmaine na yun!

"O-OY! yung lalaking nakapalitan ko ng cellphone...!" -sigaw ng isang babae mula sa di kalayuan.

Pag harap ko, nakita ko si Sharmaine. Lalapit na sana ako... Ng biglang may humila sa akin.

DI ko alam kung saan ako dinala. Nilagyan ako ng takip sa mata. inupo nila ako sa isang malambot na upuan, at doon binihisan.

Baka ma-rape pa ako ng maaga nito ah? o.O wag naman po sana. TT_TT

"Aray! Ano ba- San nyo ba ako dadalhin? Ang cellphone ko! Kailangan ko yun! Bitiwan nyo nga ako! Tch! ANO BAAAAAAA!!!!!" -sigaw ng isang babaeng itinabi sa akin. ANg ingay nya. Parang galing palengke na hindi malaman. -_- bakit ako, kailangan ko rin naman yung cellphone ko pero di ako nagwawala ng ganyan? =_____________=

Itinayo nila ako ulit at dinala sa kung saan.

tinanggal nila ang piring sa mata ko, saka ako nakakita ng sobrang liwanag na paligid. Parang may nakatapat atang spotlight sa muka ko eh. -_-

"Ano ba naman yan!! Napaka-liwanag naman! masyado kayong masayang sa kuryente---- OH MY GOSH!!! Anong nangyari sakin?!?!?!"

Tama yung babaeng nagwawala.. anong nangyari... sa amin? o.O

**

 ----------------------------------To be continued -----------------------------------

^_^ si JUN po nasa Side. :)))

Kwentong Barkada: Tropang ADIK SA LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon