Story 10: The End of Everything (story ni Erielle) part 3

795 10 14
                                    

Oh yeaaaaaaahhhh! MAY INTERNET NA ULET KAMIIII!!!! Yihaaaaaaaa! Hahahahahahahah! 

Grabe! Sobrang tuwa ko naman ata! Hahahahaha!

Anyways. tama na ang daldal.,.. siguro last Chapter na yung part 4 neto... :)

AWWWWWW.... mami-miss ko yung barkada nila. ='((

Anyways.. umpisahan na nga ang story! hahahah! :)))

JAXENN:

At dahil sa sinabi ni Khione na pangarap niya daw makasakay sa motor, pinahiram ko sa kanya yung lumang motor ko.. pero don't worry.. walang sira yun.

Tapos sabi naman ni Erielle, maglibot-libot daw muna sya.. at kung gusto nya, dumaan na rin sya sa mag flower shop malapit sa park ng subdivision namin. baka daw may makasalubong sya doon..

Sa mga salitang binitawan niya pa lang... parang alam ko na na may binabalak na naman sya...

Agad tumawag sa cellphone nya si Erielle pagka-alis na pagka-alis ni Khione..

"Hello? HOY! ANGELO! Bumili ka nga ng bulaklak dun sa may flower shop diyan sa tabi-tabi lang! Ikaw lang hindi busy satin eh!"  sabi ni Erielle sa kausap niya sa cellphone.. si Angelo ata yun? haaaayyy.. kawawang Angelo..

Ilang araw lang ang nakalipas, nalaman nalang namin na galit na galit si Angelo kay Khione. Ayaw naman nilang sabihin yung dahilan.

Bago umalis si Khione papunta sa ibang bansa para magpagamot... Nagpasama sya sa akin para makausap si Angelo.

Agad naming nakita si Erielle, kaya, alam na ni erielle ang gagawin.. tatawagin nya si Angelo para makapag-usap sila ni Khione..

Pagpasok ni Erielle, rinig na rinig namin kung paano sigawan ni Angelo si Erielle..

" DI BA SINABI KONG SABIHIN MO SA KANYA SA WALA AKO DITO?!?!?!?!?!?!"  sigaw ni Angelo

lumabas si Erielle at nilapitan kami. Nakita kong may ilang mga luha na nag-uunahang bumagsak mula sa mata ni Khione

"E-erielle.. salamat nalang. Paki-bigay nalang ito sa kanya. Di ko alam kung makakabalik pa ako o ano.. ba-bahala na s-sa mangyayari s-sa a-akin du-dun... Ba-basta pab-basa nyo k-kay Angelo i-ito h-ha? Sa-salamat!"  At nagsimula nang maglakad ng mabilis si Khione.

Bakas din sa muka ni Erielle ang kalungkutan. Hindi ko alam kung nalulungkot siya sa maaaring mangyari kay Khione, o may sarili siyang pinagdadaanan.. Basta mukang pinipigil niya rin ang mga luha na nagpupumilit makawala mula sa mga mata niya.

"Ja-Jaxenn! ANo ka ba! SUndan mo si Khione o-oh! Baka ma-pano yan! Bilisan mo na!" -utos sa akin ni Erielle.

Nagdadalawang isip ako kung susundin ko ang utos ni Erielle.. parang ayaw kasing gumalaw ng katawan ko sa kinatatayuan ko ngayon. Parang sinasabi na.... Kailangan ako ni Erielle.....

Ilang linggo din ang lumipas at napagpasiyahan ni Angelo na sundan si Khione... at balita namin, eh naka-survive naman daw si Khione.. kailangan nalang magpagaling ng lubos...

Nandito kami ngayon sa tulay na malapit lang sa subdivision nila...

Nakita kong naka-upo dun si Erielle at mukang malalim ang iniisip, kaya nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya

"Ooooy! Erielle! Hmmm.. ano namang iniisip mo ngayon? Bakit parang wala ka atang plano ah?"

Mukang nagulat si Erielle sa pagsulpot ko.. pero muli syang tumitig sa kawalan..

Kwentong Barkada: Tropang ADIK SA LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon