Story 8: Everything is Suddenly (story ni Ollethea) part 3

773 12 8
                                    

OLLETHEA:

"Pare! Nice one ah! Effective ba sayo yung HYPNOTISM ni Erielle kanina??" -sabi ng isang lalaking echos na di ko kilala

"Yung HYPNOTISM nya? Tssss... hahahahahah! Parang wala naman yun eh! di effective! hypnotism ba talaga yun? " - sagot naman ni........ JIRO...

Bakit parang... ANG SAKIT??

Sa hindi sinasadyang pagkakataon.. eh biglang nahulog yung bag ni Erielle kaya napatingin samin si Jiro pati yung lalaking kausap nya..

Nakaka-asar naman eh! >_< bakit ba kasi lagi nalang may nahuhulog na echos dito sa story ko? laging may pampa-gulo eh. =_=

Tignan nyo tuloy! Yung puso ko, matagal nang nahulog sa kanya... ngayon naman... Pati yung LUHA ko.. MAHUHULOG na!!

 TT___TT

"T-thea... Ka-kanina pa kayo diyan ni Erielle?" -tanong sa akin ni Jiro. Hindi na ako nakasagot sa tanong nya.. Tinalikuran ko nalang sya at nagsimula nang tumakbo palayo. Ayaw ko muna silang makita ngayon..

Ayokong isipin na GINAMIT nya lang ako.. para hindi mapahiya si ERIELLE dun sa HYPNOTISM thing nya.

Ayokong Isipin na baka PINAGPUSTAHAN lang nila ako nung kaibigan nya..

Ayokong isipin na nagpaka-tanga ako sa isang lalaking tulad nya..

Ayokong isipin na para sa kaibigan kong si Erielle ang lahat ng ito..

Bakit nga ba kasi na kay Erielle na ang lahat???

Kapatid nya ang pinaka-mamahal kong si Vincell..

May Crush sa kanya ang gwapong si Kenneth (dati... I think hanggang ngayon meron pa rin.. pero unti nalang)

Tapos ngayon.. pakiramdam ko pa.. May Gusto sa kanya ang Ultimate crush kong si Jiro??? 

Bakit ganito??!??!?!

Bakit ang Harsh ng mundo sa akin?? Bakit laging na kay Erielle ang pabor?? Hindi ba pwedeng.. AKO naman yung maging maligaya dito? Tutal.. STORY KO naman ito di ba? hindi ba pwede yun? Kahit dito lang.. please... please...

**

Ilang araw din akong hindi nakipag-usap kay Jiro. Ilang beses na nyang sinubukang kausapin ako.. pero, umiiwas ako. Ayokong marinig galing sa bibig nya yung tungkol sa pag-ibig nya para sa kaibigan ko.. baka hindi ko na kayanin yun. Super sakit na nun.. Ayoko nang masaktan ng isa pang beses...

As for Erielle... nag-uusap pa naman kami... Pero, hindi na ganun kadalas.. Syempre.. Magpapaka-MARTYR ba ako? shunga ba ako? Bakit ko pa sasaktan ang sarili ko di ba? Masokista ba ako? Adik ba ako? Tama na tong sakit na nararamdaman ko ngayon... Ayoko nang DAGDAGAN pa... pwedeng.. ETO NALANG muna sa ngayon?

"T-thea! Good thing naabutan kita dito! Pwede ba kitang maka-usap.??" -sabi sa akin ni Jiro. Nandito ako sa may Locker area ngayon.. at since sulok yung pwesto ng locker ko, at pader na ang katabi.. hindi ko sya matakasan..

My Goodness!! Wala na talagang lusot?? O_O

"Uhh. Sure. Kinakausap mo na ako ngayon di ba?" -sarkastikong sabi ko. Kailangan kong magkaroon ng pusong bato. Ayokong magmukang naghahabol sa kanya. Masyado na akong nasaktan..

"Pwedeng... In Private??" 

"Choosy ka pa? kailangan sa private? ano toh? RESORT? may public pool at may private pool? Nakakaloko ah! Umalis ka na nga diyan! Baka SUMABOG PA LAMANG LOOB KO SA INIS KO SAYO! CHUPI!!" -sigaw ko sa kanya... Hinawi ko sya at itinulak. ginamit ko lahat ng lakas ko. Wala akong pake kung gano pa ka-muscle yung abs nya.. o kung gano pa ka-tigas yung bisceps nya.. HINDI AKO NAAAKIT >=P

Kwentong Barkada: Tropang ADIK SA LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon