Story 6: Melting Ice (story ni Angelo) part 4

919 11 8
                                    

 picture po sa LEFT. sorry mali yung caption. ^_^ dapat po PART 4 yung nakalagay. :)) pasensya naaaaaaahhh

ANGELO:

" Schedule foir this Week:

Morning: date with ANGELO.

Afternoon: date with CARLO

Tomorrow Morning: call Angelo for a date in ******* Plaza, and dump him

Tomorrow afternoon: date with Peter

etc

etc

etc"

Kay Khione ba ito? B-bakit ganito? P-pano mo nagawa s-sakin toh? Galit ka pa rin ba dahil NOON? Khione, sinubukan kong magbago para sa iyo....... Tama. wag muna akong maniwala. baka kapangalan ko lang ito. mag-iintay ako ng text galing sayo na makikipagkita ka sa akin bukas. saka ako maniniwala... Tama. dahil nagtitiwala ako sa iyo. Alam kong hindi mo magagawa yun.

*1 text received*

From: Khione

2:45pm

Gelo! Kita tayo bukas ng umaga! sunduin ulit kita sa bahay nyo! May sasabihin lang akong important. ^o^ labyuuuuuGelooooo! :*** Hahaahah! :)))

So, Kay Khione nga itong papel na ito? Grabe Khione.. bakit ka ganitoikaw na ba ang Babaeng version ko? Grabe.. SOBRANG sakit pala ng ganito. Parang dinudurog yung puso ko. Parang paulit-ulit akong sinasaksak. Parang tino-torture ako. Mas mabuti pa sana kung hindi ka na bumalik eh. Para di na ako masaktan pa. Bakit ka pa ba kasi bumalik dito eh? para saktan ako? para turuan ako ng leksyon? Para ipakita sa akin kung gaano kasakit yung mapaglaruan? Ang sakit-sakit Khione. Di mo na kailangang ituloy pa yung binabalak mo.. NATUTO na ako.

Ayaw na kitang makita pang muli....

**

*2 days later*

Nandito ang barkada ngayon sa Clubhouse.. Wala. tambay-tambay lang kami.

"Hoooooy! Angelo! May naghahanap sa'yo!" -sigaw ni Erielle

"Sino daw?" -sabi ko naman.

"Yung pers lab mo nung high school tayo. nakalimutan ko yung name eh. nakita ko lang sya diyan sa labas.. tas tinanong ako kung nasan ka daw. Namukaan ko lang sya."

Tch. Khione.. Bakit ka pa ulit nagpakita? Sandamakmak na text na rin yung natatanggap ko mula sa kanya. naka-ilang tawag na rin sya. pero di ko sinasagot. tapos, hindi naman sya pumunta noong sinabi nyang susunduin nya daw ako sa bahay namin. hay.. Khione, ano bang gusto mong mangyari??? GUsto mo bang mas kamuhian kita?? o gusto mong tuluyan na akong mahulog sayo????

"Sabihin mo wala ako dito. "

"Ha? Pero.... SInabi ko na-----"

"DI BA SINABI KONG SABIHIN MO SA KANYA NA WALA AKO DITO?!?!?!?"

Nagulat si Erielle sa pagsigaw ko.. pero wala na rin naman syang nagawa kundi lumabas nalang. matagal-tagal din sya sa labas. Halos isang oras din. bago pa sya bumalik... Nakita kong kinausap nya yung kakambal nya.. at pagkatapos nya itong kausapin, lumapit si Vincell sa akin.

"Angelo, sabi daw ni Khione...."

"WALA AKONG PAKIALAM DUN SA BABAENG YUN! MAWALA NA SYA KUNG MAWAWALA SYA! WALA AKONG PAKIALAM!"

Kwentong Barkada: Tropang ADIK SA LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon