Story 9: Teach me how to Love (story ni Vincell) part 1

995 11 8
                                    

VINCELL:

Lahat ng nilalang sa mundo.. ay may KATAPUSAN...

IKAW? alam mo ba kung kelan ang KATAPUSAN MO?

Ayokong isipin na may ilang saglit nalang ang natitirang Taon... Buwan... Linggo... Araw... Oras... Minuto... o Segundo ng bawat nilalang sa mundo..

Ayokong magmukmok sa isang sulok..

Ayokong panghinaan ng loob...

Ayokong dibdibin o damdamin lahat ng bagay..

Ayokong dumaan sa isip ko na baka saglit nalang ang buhay ng isang nilalang sa mundo....

Gusto kong sulitin ang bawat oras ...

"HOOOOOOYYYYY!!! VINCEEEEEELL!!!! Ano na naman yang ine-emote-emote mo diyan ha? Ang echos ng moment mo ah! Gusto mo ng tissue?"

"Hay nako Erielle! Pang gulo ka talaga kahit kelan! Kita mo nang nag-iisip ako ng pwedeng main idea ng ido-drawing ko eh! Panira ka ng moment!"

"Hay nako Vincell! Kilala na kita! Tsk! Syempre kakambal kita eh! Mag-iisip ka na naman ng mga possibilities.. Mga masasayang bagay.. mga malulungkot na bagay... Tragic.. Comedy... Horror.. Mystery.. Aysssshhh! Tatawanan na lang kita kung saka-sakaling bigla ka nalang maiyak diyan sa mga ini-imagine mo! muka kang shunga!"

Hindi nalang ako sumagot sa katwiran ni Erielle.. baka mag-talo na naman kami nito! Lagi na nga kaming nag-aaway eh. Pero.. kahit ganyan yan... Mahal ko pa rin yang kakambal kong yan! kahit apagkakulit nyan minsan. Hay nako. -_-

"Gwapo....."

"OH? Anu na naman yon Ganda??"    ughh.. Excuse me... Wag na po kayong magtaka.. kami yan nung kambal ko.. Ganyan talaga tawagan namin minsan... -_- kaya nga napagkakamalang girlfriend ko yan eh... Yuck. @_@

"Gusto mo.. tulungan kitang magka-idea diyan sa ido-drawing mo?"

"Ayoko. Baka kung anung kalokohan na naman yan eh."

"Sus! Promise!!! HINDI toh kalokohan! :))"   Sabi nya sa akin, sabay umalis na sya. =_= bakit ba ganito itong kapatid kong toh? napaka-pasaway eh. >_<

**

Text From: Erielle

Oy! Gwapo! Punta ka sa Park.. may ipapabili ako sayo. Magsuot ka ng glasses mo ah! Parea di ka pagkaguluhan! Halimaw ka kase eh! hahahahah! Jokes! Labyuu kambaaaaal x))))"

Hay nako.. si Erielle talaga! >_<

Dali-dali na akong nag-bihis at nagsuot ng disguise kong nerdy glasses kahit na halata namang ako si Vincell Gomez na artista....... Dahil Gwapo ako. ^_^ joke lang. ahahahhaha! baka magkaroon pa ng VINCELL HATERS CLUB diyan eh.. katakot.. brrrrr... Hahahha! :))

Pagkadating na pagka-dating ko sa park.. unti lang ang nakita kong tao.. at karamihan.,... LOVERS pa. -_- Well.. di naman ako naiinggit.. Dahil wala akong pakialam sa love story.. ang kornii lang nyan!

Habang hinahanap ko si Erielle.. ay may humawak na bata sa binti ko..

Ang cute nung bata... mga 3-5 years old siguro.. Naka-nerdy glasses din... Aba! Aba! Ginagaya ata ako neto ah! hahahah! May FUTURE kang bata ka! GWAPO ka rin pagdating ng panahon >=) (PAKI TIGNAN NALANG PO SA SIDE YUNG PIC NI VINCELL AT YUNG PIC NUNG BATA)

Lumuhod ako para maging ka-level ko yung taas nung bata.. saka ko sya kinausap.

"Hello little kid! Ang cute cute mo."

"Heyyoow  kuya Vinchel! Ang wapooo mo po! Idol nga kita eh!"  aba! aba! Etong batang toh! marunong kumilala ng gwapo! hahahahaha! At VINCHEL talaga at tawag sakin ah! hahahahah! Nays!

"Pero po.. mas CUTE AKO kesa sayow!" - O_____O aba! aba! IDOL nga ako netong batang toh! Hahahahahh! Nays wan!

"Hahahahha! ok fine! ok fine! Kaw na cute! Gwapo naman ako." 

Kinakausap ko pa yung bata, ng biglang dumating si Erielle..

"Yow yow yow! Uy!!! Gwapo! Sino yang batang yan? ANAK mo? Hahahah!" - Sabi ni Erielle habang may nakaguhit na kakaibang ngiti sa kanyang mga labi... Erielle... pakana mo na naman ang lahat ng ito ano?

"Ellow po! Ako si Light. At cute po akow. Hehehe. Gerlpreyn po kayo nyi kuya vinchel?"

"Haahhaha! Hello Light! Di ko boyfriend yan! pero malapit na.. hahahahah! Jokes. Ako si Ate Erielle... E R I E L L E...." 

"Ahhh.. Ellow ate eyel!!" -hahahaha! EYEL naman yung tawag kay Erielle! Hahahahha! Buti pala sakin.. VINCHEL.. xD seriously.. TANGGAP ko na yung vinchel na yun.. kesa eyel. Hhaahaha!

"Oo nga pala Light. Bakit ikaw lang mag-isa dito? nasan yung kasama mo?" -tanong ko dun sa batang cute. sya lang kasi mag-isa eh..

At dahil sa tanong kong yun.. Bigla syang umiyak.

Patay na... O_O

Habang pinapatahan namin ni Erielle si Light, biglang may lumapit na babae samin. Maganda yung babae. Maputi.. at hindi kamuka ni Light. =_=

"L-light! nandito ka lang pala! Pinakaba mo ako! haaay.." -sabi ng babae

"Ayoko sayow! Bad ka! Aaway mo ako! di ka good!" -sagot naman ni Light. hay.. iba na talaga pag gwapo. Hahahaha!

"Miss, Anak mo ba tong si Light?" -walang pakundangan kong tanong. Hahahahah! Ako na bastos magtanong. AHahaah! eh kasi naman yun yung unang pumasok sa isip ko eh.. syempre uso BATANG INA ngayon.. pero.. hindi naman mukang nanay tong babaeng toh eh.

"A-ah.. H-hindi po. K-kapatid ko si Light... Light.. tara na. sama ka na sa Ate.. binili ka nga ni ate ng balloon eh! Eto oh!" -sabi nung babae. pero hindi pa rin sya pinakinggan ni Light.

Niyakap ni Light yung hita ko na parang ayaw nang bumitaw.

"Light, sumama ka na sa ate mo. Sige ka. baka umiyak si Ate mo.. Lagot ka.."

"Ahhmm.. Shige na nga po Kuya vinchel.. pero.. Sama ka din ah! Para dalawa tayo gwapo! tara! tara!" -hinila ako ni Light papalapit sa ate nya... Unti-unti kong binibitawan yung kamay ni light.. pero.. walang effect.. ang lakas ng kapit neto! Tsk! Syempre, parang ako lang eh.. GWAPO. Hahahahah! Jokes!

"Hay nako Vincell. Pano ba yan? GWAPO ka kasi eh! pati tuloy bata.. NAAKIT mo! hay! Mauna na ako ah! bye bye!" -sabi ni Erielle sa akin

"O-oy! Saglit lang!" -pero hindi na ako pinakinggan ni Erielle. naglakad na sya papalayo.. Hay! >_< sakit ng ulo toh!

Nasa gitna namin nung babae si Light. Parang.. ugh... alam nyo yun? yung,... parang...... ugh.... Mag-asawa.. tapos nasa gitna nila yung anak nila... uhhh.. ganun.. 

"U-um... M-mr. Vincell... U-uhh.. pasensya na kayo sa kapatid ko. Idol na Idol kasi kayo nyan eh. By the way.. Ako nga pala si GHIA.."

Sabi nung babae... Parang.. may na-se-sense ako dito sa babaeng ito.. -_-

Magpapakilala na rin sana ako... ng bigla ulit syang nagsalita

"Wag ka nang Magpakilala. Alam kong ikaw yung artista. at wala na rin akong pakialam. Hindi kita Type. Kung hindi ka lang talaga idol netong kapatid ko eh. Tsk! Mas gusto ko si JAY ANDRADE kesa sayo.." -sabi nya..

(A/N: Si JAY (yung galing sa Story 7: THE VOICE....) si JIRO (yung galing sa Story 8: Everything is suddenly...) at si VINCELL na nandito sa story na ito... ay magkaka-Bandmates. Artista silang tatlo na may Talent sa pagkanta.. at dahil sa magkakaibigan sila.. bumuo nalang sila ng sariling grupo... saka ko nalang sasabihin yung band name... para surprise. HAHAHAH)

Sabi na nga ba eh.. May na-se-SENSE ako dito sa babaeng ito....... Isa sya sa mga AYAW sa GWAPONG tulad KO.. -_- Ang taray nya masyado ah! kala naman nya gusto ko sya. Hmpf! Ang kornii nya....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~To Be Continued~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kwentong Barkada: Tropang ADIK SA LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon