Panimula

38 4 0
                                    



Dalawang araw na ang lumipas ng wala nang namumuong relasyon sa pagitan namin ni Reed. One week kaming walang pasok dahil sa pagsuspend ng parating na bagyo. Napatingin ako sa calendar ng kwarto ko at Sunday na. Malamang,bukas may pasok na kasi Monday.

Hindi parin kumukupas ang pagulan ngayong week dahil nga sa bagyo. Madalas na akong nababadtrip dahil wala akong nagagawa ngayong malamig na linggo.

Nakatunga-nga lang ako sa bintana. Tintignan ang bawat patak ng ulan na pumipisik sa bintana. Napabuntong hininga ako.

Madalas akong magsurf sa net tuwing walang pasok pero ngayon,nawawalan ako ng gana dahil napabilis ang pagkalat ng balitang wala na kami ni Reed. Isang bukas ko palang sa facebook ako at si Reed kaagad ang topic. Pagbukas sa Twitter,nagte-trend na rin ang #ReedAnna at magsusunod-sunod ang mga negative tweets about us.

Kaya ang cellphone ko ngayon, nakadisplay lang sa side table ko.

"Kain ka na,Anna" sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko.

"Opo" sabi ko at agad na tinalikuran ang bintana.

Isinuot ko ang tsinelas ko at lumabas na sa kwarto. Nakita ko kaagad ang kambal kong naghihintay sa labas ng kwarto ko at si Mama umuna nang bumaba. Tinignan ako ni Toffe ulo hanggang paa. Huminga ako ng malalalim.

"Not tired shitting tears?" Nanliit ako ng mata sa kanya.

"Tired of my tears shitting" sabi ko at umuna nang bumaba sa kanya.

Mas gumaan ang loob kong kakain ako ng breakfast ngayon. Kaagad akong umupo sa inuupuan kong upuan sa dining table. Ganun na rin si Mama at si Toffe.

Inangat ko ang tingin ko sa mga pagkaing nandirito sa harapan ko. Hotdog,sausage and egg. My ghad the usual morning foodstuffs.

Nagsimula na akong kumain at di na pinansin ang usapan nina Mama at Toffe. Pinaguusapan ata nila ang pagbabalik ni Papa next month. I'm excited.

"Ikaw An,anong gusto mong gift galing sa Papa mo?" Napatigil ako sa pagkain nang tinanong ako ni Mama.

"Anything from Dad,Ma" at nagpatuloy kumain. Tumingin ako kay Toffe na nakatingin sa akin. Ano bang problema nya?


Natapos na akong kumain. Nagtoothbrush ako at naghilamos narin. Naisip kong mamaya na lang maligo dahil masyado pang malamig. Dumiretso ako sa sala at binuksan ang flatscreen namin. Nanood ako ng cartoons na madalas ko nang gawin ngayon. Nakaramdam ako ng pagbigat ng sofa kaya napatingin ako sa gilid ko.


"Problema mo?" Tanong ko kay Toffe.

"Problema mo rin?" Pabalik na takong sakin ni Toffe dahilan ng pagkairita ko.

"Wala naman"umiwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling sa Tv.

"Two days passed" kinuyom ko bigla ang mga kamay ko dahil alam ko ang ibig nyang sabihin.

"Can you please shut up?" Iritang sabi ko sa kanya.

"Tss" bored nyang sabi "Pumasok ka kasi sa isang relasyon nang padalos-dalos" tumayo sya at umalis ng tuluyan. Naririnig ko ang yapak nya papunta taas. Nagtampo 'yun panigurado.


Bored na bored yun dahil minsan akong kinukulit ng kambal ko. Dahil sa nangyari,nawawalan ako ng gana at madalas akong nakastambay sa kwarto ko. Wala nang nakukulit dito sa bahay si Toffe.

Pinatay ko na ang Tv dahil bored na bored na ako. Sumasabay pa ang panahon ngayon na sobrang lamig. Wala akong magawa. Masyadong tahimik ang bahay kaya masasabi kong madali kang mabo-bore dito.

1004Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon