Kabanata 2

22 2 0
                                    



LUNCH na.

"Ows?" Sabay nilang sabi ni Alex at Fam nang sinabi ko sa kanila na kagrupo kami ni Reed sa Reading.

Tumango ako "Diba ang ganda?" Ngumiti ako ng plastik.

"Talaga?" Sarkistong sabi ni Fam "Ang ganda"

"Buset" mura ko sa kanya. Napunta ang atensyon ko sa lalakeng papunta sa direction namin.

"Kumain na kayo?" Tanong ni Toffe.

"Ahh oo. Umorder lang ng champorado si Alex. Hinihintay namin" sabi ko.

"Yeah" sabi ni Alex. Bigla namang dumating yung order nyang champoradong dala-dala ng isang trabahante.

"Ahh" sagot ni Toffe.

"Wag mo na ako hintayin mamaya" sabi ko kay Toffe. Tumingin naman sya sakin.

"Bakit?"

"May practice kami sa Reading mamaya. Matatagalan kami"

"No. Pwede naman akong maghintay"

"Tss bahala ka"

Hindi ko na sinabi sa kanyang kagrupo ko si Reed sa Reading. Hindi rin naman nya kailangang malaman eh.
Nahagip kaagad ng mata ko si Reed na kasama sina Nicole at Leinah. Nasa likod rin nya Dale. Naguusap sila habang pumipila sa counter.

"Nagkaayos na ba kayo?" Nalipat ang tingin ko kay Fam.

"Ng ganun kadali?" Tinaas ko ang kilay ko "Imposibleng ganun lang kadali maayos ang isang problema kapag involve ang isang Valade" sabi ko sa kanya.

"Taray" uminom sya ng tubig "Oo at Hindi lang naman ang sagot eh" tumawa ng mahina si Alex pero 'di ko na pinansin yun.

"Tama nga pala" ibinaba nya ang baso "Pinapaalala ni Maam Mary na ikaw ang magre-represent ng section nyo para sa Ms. TLE nyo" nabigla ako sa sinabi nya.

"The ef?" Sabay naming sabi ni Toffe at nagtinginan pa.

Kadalasan akong sinasabihan na ako ang magre-represent sa mga iba't ibang patimpalak lalong lalo na pagdating sa mga pageant. Hindi talaga nawawala ang pangalan ko sa mga utak ng teachers namin na ako ang irepresentative.

Pero ako,bilang isang taong maganda nga pero hindi mahilig sa pagaent,mahilig talaga akong magsabi ng HINDI. Alam nyo ba yung feeling na,Oo nga nababagay akong magrampa kasi daw maganda ako pero,YUNG FEELING NA MAY Q AND A? Yun ang nakakabwiset!

"No" sabi ko kaagad kay Fam.

"Ha? Nasulat na nga yung pangalan mo sa---"

"What!?" Napasigaw ako sa kagulat. Napahinto sya sa pagsasalita at nanlaki ang kanyang mga mata "Fam!"


"Huy joke lang! Ito naman,di madaan ng joke eh" tumigil ang pagkulo ng dugo ko dahil sa kanya. I'm not interested with that stupid pageant events.

"Bwiset" napamura ako sa inis.

"Tapos na ako. Hali na?" Napangisi ako sa sinabi nya.

1004Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon