Kabanata 4

15 2 1
                                    



Sumabay ang tingin ko kay Reed habang pumapasok sa room. Hinihintay ko s'yang mapatingin sakin para naman makonsensya sya na palate-late na eh patapos na kaming magpractice!

Kumunot ang noo ko nang paglagay jya sa bag nya,hindi man lang sya tumingin sa direskyon namin,malakas ang loob nyang lumabas pa ng room!


"Saan ba pupunta yun si Reed?" Tanong ni Tring habang tinitignan ang pintuan.


"Bahala na. Tring pakimemorize na lang ng position nya ha" paalala ko sa kanya. Tumango naman sya.


Matalim parin akong tumitingin sa pinto,naghihintay na baka magtama rin ang tingin namin. Papasok na ang adviser namin kaya pabalik na kami lahat sa upuan,dun na sya pumasok sa room.

"Good morning class" bati ni Maam.

"Good morning Ma'am" pabalik na bati namin sa kanya.

"Get your Math book please. Put the unnecessary and not Math related thing inside your bag. Dapat Math book lang ang nakikita ko" sabi ni Maam na agad na nagtalikod dahil may isusulat sa board.

Iniligpit ko na lahat ng bagay sa chair. Pagbukas ko ng bag,nakita ko agad ang script ni Reed. Napatingin naman ako sa direskyon nya. Kinuha ko yun at pinapasa kay Lyka.

"Lyka,paki bigay naman kay Reed oh" abot ko sa kanya.

"Sige" agad naman nyang kinuha ang sript.


"Ms. Torres? May problema ba?" Agad akong napaupo ng maayos at kinuha ang libro ko sa bag.

"No Ma'am" iling ko pa. Tumalikod ulit sya "I'm just passing a trash to be thrown in the trash can" mahina kong sabi at binuksan ang libro ko sa page na nakasulat sa board.

Natapos na ang Math namin,kasamaang palad ay English na ang susunod kung saan gaganapin ang Reading namin.

"Members magbihis na kayo!" Sigaw ko sa mga kagrupo ko. Nagsilabasan naman sila para pumunta sa CR.

Naiwan ako dito na nagaayos para sa background,designs etc para mamaya. Nakita ko si Reed pero wala akong balak magpatulong sa kanya. Tsk,kaya ko naman 'to. Natapos na kaagad ang lahat,simple lang naman ang theme namin eh.

Bumalik sila dito na may suot nang costume. Itinuro ko narin ang mga props dun sa box para makahanda na sila. Nakuha ng atensyon ko si Reed na lumalabas.

"Guys magbibihis lang ako" sabi ko sa mga kamiyembro ko. Tumango lang sila.

Dinala ko ang paper bag na kung saan nakalagay ang costume ko. Paglabas ko eh wala na si Reed,pumunta ata yun sa CR para magbihis. Bumaba ako dahil nandun ang CR ng babae. Naghanap kaagad ako ng cubicle na walang tao.

"Alam ko! Hahahaha" may boses akong naririnig galing sa labas ng cubicle pero nagbibihis parin ako.

"Weh? Alam mo ba talaga na ikaw yung tinitignan ni Reed?" Napatigil ako sa sinabi ng isang babae.

"U-uh hindi ko alam" may mahinhin na tono akong narinig.

"Pero Christine,mukhang ikaw nga yung tinitignan" what the hell?

"Christine?" Mahina kong sabi sa sarili ko. Bumalik ako sa pagkikilos.

"Hindi nga. Promise hindi ako yun" boses ulit nung babaeng may mahinhin na tono.

"Deny ka pa? Namumula ka na nga eh hahahaha" sabi ng isang babae.

"Ano ba kayo! Hindi nga ako" sya ulit.

1004Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon