PABABA na ako sa hagdan nang nakita kong kumakain pa si Toffe ng breakfast sa hapag-kainan. Nagtama ang tingin namin at sinamaan s'ya ng tingin."Bilisan mo nga" sabi ko at patuloy ng bumaba sa hagdan. Pumunta ako sa sala ata tinabihan ang bag ko sa sofa. Naiinip na ako kakaintay sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa nang nagtext sa'kin si Fatima.
Fatima :
Alex is waiting. Nasa gate na s'ya ng UM.
Kumunot naman ang noo ko sa nabasa ko. Wala naman s'yang sinabi hihintayin n'ya ako sa gate. Pinatay ko na ang phone ko at ibinalik yun sa bulsa. Tumayo ako na bitbit ang bag ko. Umuna na ako sa labas dahil naiirita na ako kay Toffe.
"Why so early?" narinig ko ang boses ni Toffe pero 'di ko na s'ya nilingon.
"Wala lang" sabi ko at naglakad na papunta sa kotse. Lumakad papunta sa backseat si Toffe para pagbuksan ako. Ngumisi ako sa kanya tsaka pumasok.
"Hinihintay ka ni Alex sa gate" sabi n'ya.
"I know. Fam texted me"
"K" sagot n'ya at hindi na umimik.
Malayo-layo ang UM sa'min kaya napapaabot kami 20-30 minutes galing dito sa subdivision namin sa Solariega. Habang nasa byahe ay inaagaw na ako ng antok. 5:30 kami umalis kaya inaantok pa ako.
Pinark na ang kotse sa parking lot ng university. Lumabas na ako at tinignan kaagad ang gate. Nakikita ko na si Alex sa malayuan palang.
"Ayun si Alex" sabi ko kay Toffe nang isinarado na ang kotse. Tumango lang s'ya sa'kin.
Lumapit kami sa kanya. Nakuha namin ang atensyon nya nang kumaway kaming dalawa sa malayuan palang. Ngumisi s'ya samin at bumati.
"Good morning" kumaway pa s'ya.
"Ikaw na maghatid sa kanya sa room. Aalis na ako" ani Toffe at umalis na s'ya. Sinundan ko lang s'ya ng tingin.
"Lez go?" napunta ang tingin ko kay Alex. Tumango lang ako at nagsimulang maglakad papunta sa building namin "So totoo nga?"
Napakagat ako ng labi at tumango sa kanya. Tinaas nya ang kanyang kilay at maya-maya nakakunot na ang noo n'ya. Sa nakaraang araw,'di man lang ako nagpasabi sa iba dahil nga nawawalan ako ng gana kahit text man lang. Si Fam lang ang nasabihan ko kasi s'ya lang naman ang close na close ko talaga sa barkada except Alex and Toffe.
"Ano bang rason?" umiling ako sa tanong n'ya.
Sa katunayan,wala akong maibibigay na rason kung bakit ganun na lang ang nangyari. Walang ibinigay na rason rin naman si Reed sakin. Agad lang s'yang nagsalita at sinabing wala na kami. Through chat lang yun but it hurts me that much. Even though not in person yun,typically masasaktan talaga ako.
"He's weird" sabi ni Alex.
"He is weird" sabi ko naman.
"May times ba nagiging cold s'ya sayo?" tanong n'ya nang nasa hagdan na kami.
"Yep. Few days ago" tango-tango ko pa "Ang 'di ko maintindihan eh bakit s'ya nagkakaganun. I didn't do anything kahit minor things lang. Just.. he's been cold that time and I don't know why"
"Or he's seeing someone?" napatingin ako sa kanya at kinabahan.
Hindi na s'ya nagrereply minsan sa mga texts ko and sa chats. But I understand naman na busy s'ya because of dancing. I never conclude na he's seeing someone kasi for me valid naman ang rason n'ya.