Kabanata 5

34 3 0
                                    




MAS pinili kong hindi na lang sagutin ang tanong ni Tring.

"I hope you two will be okay as on as possible" ngumiti s'ya sakin at umalis na sa harapan ko.

Napatingin ako sa repleksyon ko sa cellphone ko. Nilagyan ko lang ng concealer tong mga namagang matang to. Mabuti nga't tinulungan ako ni Tring kanina sa CR,ikinuwento ko na lang rin sa kanya kaya may alam s'ya.

Hindi ko na sinubukang tumingin sa direksyon ni Reed dahil alam kong nagagalit sya sakin. Hindi ko nga maintindihan o hindi ko lang ba kayang intindihin?

Fatima :

I know you cried.

Biglang umilaw ang phone ko at nabasa ang text na yan. How come she knows?

Fatima :

Mini park.


Tumayo kaagad ako at kinuha ang cellphone ko. Kinuha ko yung lunch box na ibinigay sakin ni Alex tsaka umalis dito sa room. Lunch na rin kasi.

Habang naglalakad ako papunta sa mini park,napapatingin talaga yung mga tao sa'kin pero hindi ko pinansin tun,binalewala ko na lang.

Kaagad akong umupo sa tabi ni Alex. Inilapag ko yung lunch box na bigay nya sa'kin at inilabas ang kutsata at tinidor ko.


"Are you okay?" Tanong ni Alex sakin.

Hindi ko kayang magsinungaling kaya umoo ako. Sabay pagpatak ng luha sa isang mata ko. Napailing si Fam at inabutan ako ng panyo. Ipinahid ko naman yun sa mata kong basang-basang kanina pa.


"Sabi ko sayo noon,pa 'di mo na dapat yun pinatulan" napatingin ako kay Toffe na kakadating lang. Umupo sya sa tabi ni Fam. 


Sana,nung una pa lang,nakinig na ako sayo pero hindi eh. Mapilit ako kaya itinuloy ko parin yung sarili ko sa kanya. Hindi ko namang inaasahang mangyayari to. Walang may gusto sa nangyari,ewan ko ba sa kanya kung masaya s'ya sa nangyari. Ipinahid ko na lang ang mga luha ko gamit yung panyo. Ibinalik ko na yun kay Fam kasi gusto ko nang kumain.


"Ice cream" abot sakin ni Alex bago pa man ako makasubo "To ease the pain as I know,ice cream lang ang katapat--" hindi ko na s'ya pinatapos pagsalita at kinuha ko yun.


Kinuha ko yung kutsara at agad-aad na binuksan ang ice cream. Napasubo ako ng isa pero hindi ko alam bakit may pumatak na luha sa mata ko. Hindi ko pinansin yun at napasubo pa ng marami. 


"Reed!" sigaw ko habang may ice cream pa ako sa bibig ko. Padabog akong binitawan ang kutsara at napasandig kay Alex na ngayon,hinahagod ang likod ko "Reed.." mahina kong sabi.


Umiyak na lang ako sa balikat ni Alex. Nakita ko ang mga tingin sakin ni Fam at Toffe na mukhang naaawa na sakin. Kasalanan ko naman 'to eh. Kasalanan ko naman kung bakit ako pumatol sa isang lalakeng hindi kailanman sineryoso ang babae. Kasalanan ko naman 'to bakit pinageffortan ko sya. Kasalanan ko naman eh bakit ako nagpalunod sa mga salita nyang akala kong magtatagal kami. Kasalanan ko na! Kasalanan ko na lahat!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

1004Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon