Chapter 1

15 0 0
                                    

LEE's POV

"Guys, malapit na ang foundation day ng school natin at napagkasunduan naming mga faculty members na magkakaroon ng singing contest na kung saan magkakalaban ang bawat year at bawat section. Kaya wala tayong choice kundi ang sumali." sabi ng class adviser/P.E Instructor naming si Sir Ramires.

Lahat nagreact sa narinig naming yuon at nagreklamo, lalo na ako. Siyempre, singing contest, duh, anong alam ko dun? Haha, gawin ko na lahat sa harap ng madaming tao pero wag lang yun!

"Anyway, ang napili kong kanta para sa section natin ay ****", pahabol nya.

So, yun na nga ang nangyari, araw araw, tuwing hapon, bago umuwi ,palagi kaming nagpapractice sa room. Si Sir ang nagtuturo samin. Singer daw kase sya kaya sya na lang ang nagturo samin. Maganda ang boses ni Sir, ang sarap sa tenga, at pogi sya, aaminin ko. Bata pa sya, 24y/o lang. Aaminin ko, medyo crush ko sya, kase sino ba namang hindi magkaka crush sa kanya e nasa kanya na lahat. Matalino, magaling kumanta, pogi pa. San ka pa di ba? Pero syempre hanggang dun lang yun kase alam ko namang walang papatunguhan tong mga gantong bagay pagdating sa kanya. Asa pa ako.

Saka may nakabihag na ng puso ko, walang iba, kundi itong katabi ko, na sobrang pogi at ang husay husay kumanta kaya ako itong si tanga di maka sabay sa kanila sa pagkanta kase lagi lang ako napapatulala sa kanya. Si Sage. Ang galing nya talaga. Hiyang hiya ako sumabay sa kanya. Ang panget kase ng boses ko, sintunado pa. Haha. Hays!

Matagal ko ng gusto si Sage. First year pa lang. Simula nung sumali sya sa isang banda para maging isang drummer. Isang beses ko pa lang sya napapanood tumugtog at ang galing galing nya talaga. Akala ko nga hindi sya kumakanta at pagdadrum lang ang alam nya kaya nagulat ako ng marinig ko syang kumakanta. Pero kahit kaklase ko sya simula first year, hindi ko sya naging kaclose. Sikat kase sya, pogi, cool. E ako isang hamak na four eyes nerd lang. Talino lang ang kaya ko ipaglaban. Masaya nga ako nung nakalapit ko sya ngayong 3rd year kase akala ko magiging kaclose ko na sya. Ang plano ko, pakokopyahin ko sya sa mga exams or quizzes namin pero nabigo ako dahil nalimutan kong brainy nga din pala sya, tamad lang. Lagi syang tulog sa klase. Siguro kase laging pagod sa gig nila. Kaya ayun nawalan na ako nang pag asa na maging kaclose sya. Pero minsan nahuli ko syang nakatingin sakin habang nakahiga ang ulo sa arm chair. Di ko alam kung bakit pero yung tingin nya, parang sinusuri yung mukha ko. Kaya inaapa ko yung ilong ko kung may kulangot ba ako o yung mata ko kung may muta ba ako. Tapos matapos nya akong titigan, natulog na ulet sya. Lol. Kinabahan talaga ako nung time na yun.

"O class, that's enough for today. Sa bahay nyo na lang kayo magpractice. Ang panget padin kase pakinggan ng kanta nyo. Ikaw, Lee, practice more. Lagi kang out of tune!" sabi ni Sir Ramires. Nagtawanan naman ang mga classmates ko. Pinahiya pa talaga ako ni Sir. Kainis!

"Yes, Sir!". Sagot ko na lang. Isa isa na silang naglabasan. Nagpaiwan ako kase nais ko pang magpractice dito sa room kase di naman ako makakapagpractice sa bahay kase sobrang iingay ng pamilya ko. So nung solo na ako sa room, kinuha ko ulet yung lyrics sa bag ko at nagsimulang kumanta. Habang kumakanta, napansin kong naiwan ni Sage yung bag nya pero naisip ko na baka hindi naman nya talaga dinadala yung bag nya pauwi kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkanta ng biglang,

"Lee?" Sabi ng lalaki sa labas ng room. At paglingon ko, nagulat ako ng makita kung sino yung tumawag sakin.

"Sage? Ano ginagawa mo dito?"

Itutuloy.....

All Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon