Chapter 2

11 0 0
                                    

SAGE's POV

"Sage, may gig tayo mamaya ha", sabi ni Marco, vocalist namin, habang nakaakbay sakin at naglalakad at palabas na ng gate ng school.

"Oo, sige." sagot ko naman. "Una na kayo. Yosi muna ako" paalam ko sa kanila. Iniwan na nga nila ako. Pero pagdukot ko sa bulsa ko, wala pala dito yung yosi ko. Tanga, nasa bag ko nga pala yun. Kaya tumakbo ako papasok ng school para kunin yung yosi ko. Pero napatigil ako pagdating ko sa room namin ng may marinig akong kumakanta nung kakantahin namin sa Foundation Day. Sino kaya yun? Natatawa pa ako kase, sintunado talaga syang kumanta. Kaya dahan dahan akong sumilip sa pintuan at nakita ko kung sino ang nanganganta.

"Lee?" gulat kong tanong. Napakaseryoso nya kase habang kumakanta. Nakapikit pa sya habang nakatagilid sa direksyon ko. At hindi nya suot ang salamin nya. Kaya hindi ko pa sya nakilala nung una. Pag harap nya, sabay kaming nagulat. Ako, dahil iba talaga ang itsura nya ngayon, kung babae ako sasabihin ko talagang ang gwapo nya. Pero lalaki ako kaya di ko sinabi. Lol! Pero hindi e, iba talaga ang itsura nya pag di nya suot yung glasses nya.

"Sage? Anong ginagawa mo dito?" tanong nya ng makarecover.

"Ahm, kukunin ko lang sana yung yosi sa bag ko" sagot ko naman at dali daling pumunta sa direksyon ng bag ko.

"Nagyoyosi ka?" tanong nya. Hindi nya pala alam.

"Oo, tagal na." sagot ko habang kinukuha ko yung yosi. "Bakit nandito ka pa?"

"Ahh, wala, pinapractice ko lang yung kanta natin kase di ko parin alam kung pano to kantahin ng tama".

Hahaha. Sintunado kase talaga sya. Kaya siguro minsan, napapansin ko na hindi na lang sya sumasabay sa practice namin pag kumakanta na kaming lahat.

"Gusto mo, turuan kita?" alok ko.

"T-talaga?" di makapaniwala nyang sagot.

Ako din e, di ko din alam kung bakit bigla ko na lang naramdaman na gusto ko syang turuan. Siguro kase naawa ako sa kanya kase kita ko naman na gusto nya talagang matuto.

"Oo, tara sama ka sakin. Dun tayo sa field sa ilalim nung malaking puno dun!" pag aya ko.

Napangiti naman sya at namula. Ang puti kase nya kaya halatang halata yung pamumula nya. Naexcite siguro.

Sumama nga sya sakin sa field sa ilalim ng puno at simula non, pagkatapos naming magpractice sa room ay dumederetso kaming dalwa ni Lee sa field para turuan ko syang kumanta. Habang tumatagal naman natututo sya at habang tumatagal ay nagiging close kami. Dati hindi ko naman sya nakakausap kase masyado syang masipag mag aral at akala ko suplado talaga sya kase wala naman talaga sya halos kaibigan dito kundi yung pinsan nya sa kabilang section. Pero narealize ko na masaya naman pala siyang kasama at madami syang alam na hindi ko alam na mapapa "talaga? Ganun pala yun" na lang ako pag nagkukwento sya. Dami nyang alam sa mundo. Lol!

"Para kanino mo ba inaalay tong kantang to? At masyado kang seryoso na matutunan to?" tanong ko sa kanya nung minsang nagpapractice kami sa ilalim ng puno.

"Ha? A-ah, eh, para kay Sir Ramires!" sagot nya. Lol! Sabi ko na nga ba.

"May gusto ka kay Sir no?" tanong ko. At mukang nagulat sya sa tanong ko kase nanlaki ang mga mata nya.

"Ok lang. Alam ko naman e". Normal na yun sa school namin. Dahil nga all boys school to, maraming estudyante dito ang mga nagiging magkakarelasyon. At marami ding mga estudyante dito ang may gusto kay Sir Ramires. Di na sya nagsalita at napayuko na lang.

"Ano ka ba, wag kang mahiya. Ok lang talaga sakin!" pag alo ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin at ngumiti.

"Salamat ha." sabi nya. Ako naman ang napaiwas ng tingin sa kanya. Ewan ko, bigla na lang akong nahiyang tumitig sa mga mata nya. Ang cute nya kaseng ngumiti e. Ano daw? Pagod na ata ako.

"Tara na. Uwi na tayo. Bukas naman!" aya ko.

Itutuloy.....

All Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon