Chapter 3

6 0 0
                                    

LEE's POV

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na magkaibigan na kami ni Sage. Di ko alam kung bakit sya nagprisinta na turuan akong kumanta. Siguro, nabibingi na sya sa panget ng boses ko kaya ganun. Haha! Pero masaya ako dahil nangyari ang araw na yon. Masaya ako sa mga nangyayari. At habang tumatagal, mas lalo ko syang nakikilala. Napakasaya nyang kasama. Napakakwela. He really has a huge sense of humor. I always laugh whenever he tells a funny story. Napakabait din nya at napaka haba ng pasensya. Di sya nagagalit sakin kahit paulit ulit nya ng itinuturo sakin yung mga tamang pag hit sa bawat nota nung kakantahin namin. Pero I can say na nag iimprove naman ako kahit papano. Sabi nya din e. Hehe. Sobrang saya ko pag pinupuri nya ako!

But one time, tinanong nya ako ko kung para kanino daw ba itong pagpupursigi kong ito. Syempre, nataranta ako. Di ko naman pwede sabihing para sa kanya. Baka magalit sya. At ayokong mangyari yun. Bago pa lang kami nagiging close e tapos sisirain ko lang dahil don. No! Kaya sa taranta ko, nasabi ko na para kay Sir Ramires. Lol! At lalong nagwala ang puso ko ng tanungin nya ako kung may gusto ba ako kay Sir. Nanigas ako. Alam nya ba? Na naaatract ako sa kapwa lalaki? Pano? Ganun ba kahalata? Di naman di ba? Normal pa din naman ako kumilos! Saka sa kanya lang ako attracted. So pano nya nalaman? Pero lahat ng iniisip ko naglaho ng sabihin nyang okay lang daw sa kanya yun. Normal naman daw yun sa katulad naming nasa all boys school! Lumuwag ang pag hinga ko at naitanong ko sa sarili ko na, Talaga, normal lang yun? So pwede ka ding magkagusto sa lalaki? Sa akin? Pero lahat ng tanong na to ay sinarili ko na lamang.

"Salamat," ang sabi ko na lang habang nakatitig ako sa mata nya. Tapos bigla na lang syang nag iwas ng tingin na parang nahihiya. Bakit kaya?

-----
Lumipas ang mga araw, at palapit na ng palapit ang araw ng Foundation Day. Kaya naman puspusan na ang practice ng buong klase. Lalo na kami ni Sage na palaging nagpapaiwan sa field para magpractice pa. Pero napapansin ko na parang may iba kay Sage. Palagi ko syang nahuhuling nakatitig sakin pag nagpapractice kami na kaming dalwa lang. O kahit sa loob ng class room habang may klase. Pero umiiwas agad sya ng tingin pag napapansin ko sya. Tulad ngayon, nagpapractice kami nagayon sa ilalim nitong malaking puno sa field at nakatitig na naman sya sakin habang kinakanta ko yung kanta namin. Nakatitig lang sya, walang sinasabi. Nakatitig lang talaga. Naiilang tuloy ako.

"May dumi ba ako sa muka?" tanong ko, matapos kong kumanta. Hindi sya sumasagot. Nakatingin parin sya.

"Hoy, Sage!" pagsigaw ko. Muka namang natauhan sya.

"H-ha?" sagot nya. Wala ba sya sa sarili nya?

"Tinatanong kita kung may dumi ba ako sa muka? Kanina ka pa nakatitig sa muka ko e," .

Nanlaki ang mata nya sa mga sinabi ko at biglang namula. Ang cute nya mamula. Halatang halata. Ang puti nya kase masyado. Mas maputi pa sakin.

"H-ha? A-ano kase. . . .W-wala. Natuwa lang ako sayo kase ang galing mo na kumanta," sagot nya.

At this time, feeling ko, ako naman ang namula. Ramdam na ramdam ko yung biglang pag init ng muka ko.

"T-Talaga?" nahihiya kong tanong. Di ako makatingin sa kanya.

"Oo. Kaya tumingin ka na sakin at wag ka ng mahiya". Hinawakan nya yung baba ko iniangat nya yung muka ko para titigan yung mga mata ko.

Napatingin nman ako sa kanya ng nagtataka.

"Alam mo ba na ang ganda ng mga mata mo lalo na pag walang salamin?" sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko at tinatanggal ang salamin ko.

"H-ha? T-talaga?" nahihiya kong tanong habang nakatitig din sa gwapo nyang muka.

Ngayon ko lang natitigan ng ganto kalapit ang muka nya at masasabi kong ang mukhang ito ay isang perpektong mukha na likha ng Diyos. OA man, pero totoo, ang pogi nya talaga.

"Oo," sagot nya habang tumatayo. "Siguro nga kung babae ako nainlove na ako sayo e," dagdag nya.

At bigla akong nalungkot sa sinabi nyang yun. Para akong sinampal ng katotohanan na hindi sya kailan man maiinlove sakin dahil isa syang lalaki. Tumayo ako.

"Tara na!" pag aya ko at derederetsong naglakad paalis habang sinusuot ang salamin ko. Hindi ko na hinintay ang response nya. Masakit e. Masakit.

"Oy saglit, intayin mo ako. Ihahatid na kita sa inyo!" sabi nyang maabutan ako.

Di na lang ako sumagot. Umakbay naman sya sakin at naglakad na nga kami papunta sa bahay namin. Malapit lang naman yun sa school namin kaya nilalakad lang namin. Madalas ako ihatid ni Sage sa bahay dahil baka daw kung mapaano ako kase palagi kaming ginagabi sa practice.

Pero sa kamalasmalasan, inabot kami ng ulan. Buti na lang, malapit na kami sa isang convenience store kaya duon na lang kami sumilong. Mabilis namang tumila ang ulan. At dahil nakaramdam ako ng uhaw, bumili ako ng dalwang Coke in can para sa aming dalwa. Inabot ko sa kanya ang isa habang naglalakad. Tinanggap naman nya at nagpasalamat. Kanina pa sya tahimik. Nakakapanibago. Wala din naman akong planong kausapin sya dahil masama pa din ang loob ko.

"Talaga bang gusto mo si Sir Ramires?" bigla nyang tanong.

Nagulat ako sa tanong nya kaya nabitawan ko yung Coke ko. Buti nalang di ko pa nabubuksan. Pupulitin ko na sana pero humawak si Sage sa kamay ko na ipangpupulot ko sa Coke. Plano nya din atang pulutin yung Coke. Pero lumipas na ang ilang sigundo hindi nya parin pinupulot yung Coke. Nakahawak pa din sya sa kamay ko habang nakatitig sakin. Pinilit ko namang kumawala dahil gusto ko na talagang pulutin yung Coke pero bigla nya akong hinila at biglang
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

hinalikan nya ako.

Itutuloy......

All Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon