Chapter 5

4 0 0
                                    

LEE'S POV

"H-ha? A-ano pong ibig nyong sabihin Sir?" nagulat kong balik tanong sa tanong ni Sir.

Ngumiti sya. "Lately kase napapansin kong very close na kayo", sagot nya.

"Hindi po. Tinuturuan nya lang po ako kumanta", sagot ko naman at pinagpatuloy ang pagchecheck kahit di ako makapagconcentrate.

"Ahh, hanggang dun lang ba talaga yun?" tanong nya ulet.

Ano kaya ang gusto palabasin ni Sir? Di na lang ako umimik.

"Mahirap yang pinapasok mo", kapagkuwan ay sabi nya.

"Alin po Sir?" takang tanong ko. Naguguluhan na talaga ako sa mga sinasabi nya.

"Wala, sige na. Tama na yan at umuwi ka na"
-------

Habang naglalakad pauwi ay inisip ko ang mga kinilos at mga sinabi ni Sir Ramires sakin kanina. Bakit nya ginawa iyon? Kagaya ko rin ba sya? At ano ang mga ibig sabihin ng mga sinabi nya? Ewan, ang gulo nya.
Nakita ko pa si Sage na kasama ang mga kabanda nito na patungo siguro sa lugar kung saan sila nagpapractice. Masayang nagtatawanan ang mga kasama nya habang napansin ko naman si Sage na parang malalim ang iniisip. Ano kaya ang iniisip nito?

----
Dumating ang araw ng Foundation Day. Maraming naganap na events, may mga sport games, parlor games, at syempre dance contest at singing contest.

"Ngayon naman masasaksihan natin ang performance ng 3rd year B Section", pag aanononce ng Emcee.

Lahat kami kinakabahang lumabas coming out from the backstage. Lalo na ako kase di naman ako sanay na pinapanood ng madaming tao. Nasa harapan namin si Sir Ramires para maging taga kumpas. At ng magsimula syang kumumpas, nagsimula na ring tumugtog ang mga musiko at kami para umawit. So far so good naman ang daloy ng kanta kaya napangiti ako kay Sir Ramires na nakatingin din sakin kanina pa habang nakangiti. Siguro namamangha sakin dahil nagagawa ko ng maayos ang pagkanta at naabot ko ang mga tamang tono. Kaya napalawak ang ngiti ko, maraming salamat talaga sa pagtuturo ni Sage kaya tumingin ako sa kanya na nasa dulong kanan ang pwesto (nasa dulong kaliwa kase ako sa pangalwang hanay habang sya nasa unahan). Nagulat ako kase pagtingin ko, nakatingin din sya sakin ng malungkot. Nagtaka ako kase, parang di na din sya kumakanta. Ano kayang problema? Hanggang sa natapos ang kanta at bigla syang nagtatakbo palabas ng auditorium na ipinagtaka ng mga kaklase ko. Napansin ko na may mga luhang pumatak sa mga mata nya. Hala! Bakit kaya? Kaya naman hinabol ko sya. Nakita ko sya paglabas ko ng auditorium na nananakbo pa din pero di pa naman nakakalayo kaya tinawag ko sya habang hinahabol sya.

"Sage, san ka pupunta? Bakit ka ba takbo ng takbo?" sigaw ko

"Bumalik ka na dun, Lee, wag mo na lang ako pansinin", pasigaw nya ding sagot habang di tumitigil ang pagtakbo.

"Hindi ako babalik dun ng di ka kasama kaya tumigil ka na at pagusapan natin to! Ano ba kaseng problema?" sigaw ko habang pinipilit na mahabol sya.

Sa wakas ay tumigil sya ng makarating kami sa pinakalikod ng paaralan namin. Hingal na hingal kaming dalwa habang nakatingin sa isat isa. Walang kayang magsalita.

"Bakit ka umiyak kanina?" tanong ko ng makabawi ng lakas. "Anong problema mo?"

"Ganun mo ba talaga kagusto si Sir Ramirez?" sagot-tanong nya na ikinalito ko.

"Ha?" nalilito kong balik tanong.

"Yung mga ngiti mo sa kanya kanina habang nakatingin ka sa kanya. Masayang masaya ka siguro kase nagawa mo ng tama yung kanta na inaalay mo para sa kanya, no?" sagot nya na lalong ikinalito ng isip ko. Medyo naiirita na ako sa mga sinasabi nya ha.

All Boys SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon