LEE's POV
Nakahawak pa din sya sa kamay ko habang nakatitig sakin. Pinilit ko namang kumawala dahil gusto ko na talagang pulutin yung Coke pero bigla nya akong hinila at biglang hinalikan! Nagulat ako. Nanigas! Di ako makakilos! Totoo ba to? Hinahalikan ako ni Sage? Kumilos ang mga labi nya sa mga labi ko at napaungol ako. Napalayo ako at natakpan ko ang bibig ko sa hiya. Napatingin naman sya sakin. Biglang nanlaki ang mata nya na parang narealize kung anong nagawa nya. Tumayo sya.
"Sorry!" sabi nya. At mabilis na tumakbo.
WTF? Anong nangyari? Nanlaki ang mata ko na parang ngayon lang nagsink in sakin na hinalikan nya ako. Hinalikan ako ni Sage. Tumayo ako para tawagin sya pero masyado na syang malayo para marinig nya ako kaya hinayaan ko na lang sya. Kakausapin ko na lang sya bukas.
---
Dumating ang bukas. Inagahan ko talagang pumasok kahit hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip sa mga nangyari kagabi. He kissed me. Why? Gusto nya din ba ako? At namula naman ako sa naisip kong yun so I shook my head. That won't happened. It's impossible. He's straight, right? Wait, is he? May girlfriend ba sya? Arggh! Nababaliw na ako kakaisip sa kanya. Ano ba tong ginagawa nya sakin?Nandito na ako sa classroom. Halos nandito na din lahat ng mga kaklase ko pero wala pa din sya. Maya maya, dumating na din ang teacher namin. Wala pa din sya. Dalwang minuto na lang magta-time na. Asan na ba sya?
"Good morning class!" pagbati ni Sir Flores.
"Good morning Sir!" sabay sabay naming tugon.
"So our lesson for today is --"
"Good moring Sir Flores! Sorry I'm late," sabi nang kakarating lang na si Sage habang hinihingal. Mukang tumakbo sya papunta rito.
"Good morning, Sage! Go to your seat," sagot naman ni Sir.
Naglakad sya palapit sa upuan nya na kalapit ng inuupuan ko. At palakas ng palakas ang tibok ng dibdib ko habang unti unti syang lumalapit. Hindi mapugkat ang tingin ko sa kanya. Pero sya, parang ayaw tumingin sakin. Napansin ko pati na parang bagsak na bagsak ang mata nya. Puyat din ba sya? Hindi rin ba sya nakatulog ng maayos kagaya ko?
"Sa--", tatawagin ko sana sya pero agad syang umupo at tumingin sa kabilang direksyon. Sa tabi kase ng bintana ang pwesto nya at duon nya itinuon ang pansin nya.
Bakit di nya ako pinapansin? May problema ba? Malamang Lee meron, hinalikan ka nya kagabi, duh? Pero exactly! Sya ang humalik sakin pero bakit parang sya ang galit? Di ba dapat ako kase ako yung ninakawan nya ng halik? Tumingin ako sa kanya at this time nakapatong na ang ulo nya sa mga braso nya sa armchair ng upuan nya. Natutulog ata sya. Hays! Bakit ngayon pa? Kung kelan tatlong araw na lang Foundation na.
Natapos ang buong klase na hindi kami nag uusap ni Sage. Kahit sa lunch hindi. Ang palagi nyang kasama e si Marco, yung vocalist nila. Hindi ko naman sya malapitan at matanong kung may problema ba kami kase hindi din naman alam ng mga classmates namin na close kami. Or alam nila? Kase madalas naman nila kami nakikitang sabay kaming dumederetso sa field bago mag uwian pero kahit na. Nakakahiya padin kase. . . . ewan? Saka magkaibigan ba talaga kami? Kaibigan ba ang turing nya sakin? O sinasamahan nya lang ako dahil tinuturuan nya akong kumanta? Pano pag katapos ng Foundation Day? Wala na? Friendship over na? Lol. Bakit ko ba naiisip tong mga bagay na ito ngayon? Kainis!! Naglalabasan na lahat ng mga kaklase ko sa room. Napansin ko din na tumayo na si Sage sa upuan nya.
"Sage!", pagtawag ko sa kanya. Lumingon naman sya.
Go, Lee! This is your chance. Wag kang kabahan kaya mo yan.
"Hindi ba tayo magpapractice ngayon? Malapit na kase yung Foundation Day e medyo di ko pa din na peperfect e," sabi nya habang kinakabahan at pinipilit hagilapin ang mata nya pero mukang iniiwasan nyang tumingin sa mga mata ko.
"Ahh, sorry Lee, nalimutan kong sabihin sayo na may gig kami mamaya, kelangan naming mag rehearse!" sagot nya habang nakatingin sa labas ng bintana.
Bakit ayaw nyang tumingin sakin?
"Ahh, ganun ba? Sige, baka bukas na lang", sabi ko na lang.
"Ahmm, actually baka di na kita maturuan hanggang magfoundation day kase sunod sunod yung gig namin for this week e," sagot nya.
"P-pero hi--"
"Ano ka ba Lee? Kaya mo na yun mag isa. Ang bilis mo kaya matuto, mapeperfect mo din yan ng mag isa. Actually, di mo na nga kelangan ng tulong ko e. Sige una na ako," sabi nya habang naglalakad palabas ng pinto.
"May problema ba tayo?" di ko napigilang itanong bago sya makalabas. Di ko alam pero nasasaktan ako. Napatigil sya sa tanong ko. Humarap sya sakin.
"Wala. Busy la---"
"Lee. Thank God you're still here," naputol ang sasabihin ni Sage ng biglang umulpot sa labas ng pintuan si Sir Ramires.
"Bakit po Sir?" tanong ko. Napatingin ako kay Sage. Parang galit sya na nakatingin sakin. Nag iwas sya ng tingin at dali daling lumabas ng room.
"Sage? May pinag uusapan ba kayong dalwa?" tanong ni Sir kay Sage pero nilampasan lang sya ni Sage.
Tumingin sakin si Sir na nagtataka.
"Anong problema nun?" tanong nya sakin.
"Di ko po alam,"sagot ko na lang. "Bakit nyo nga po pala ako hinahanap?"
"Ah, yes! Magpapatulong sana ako ulet sayo na magcheck ng mga test papers nung mga lower year," sagot nya.
Palagi syang nagpapatulong sakin sa mga ganyang bagay. Di naman ako nagrereklamo kase mabait naman sya sakin at palagi nya akong nililibre.
"Sige po Sir," sabi ko na lang. Napangiti sya sakin. Ang pogi. Lol.
Seryoso akong nagchecheck ng mga testpapers sa room ni Sir ng dumating siya. Lumabas kase sya saglit para bumili daw ng meryenda.
"Meryenda ka muna Lee," sabi nya sabay pisil sa balikat ko.
Lately, napapansin ko na nagiging touchy sya sakin.
"Sige po," sagot ko na lang sabay inom ng softdrinks in a can.
Lumapit sya sakin at ikinulong ako sa mga bisig nya habang nakapatong ang mga kamay nya sa table.
"Patapos ka na pala e. Bilis mo talaga magcheck," sabi nya sakin with a husky voice.
Kinilabutan ako dahil damang dama ko ang mainit nyang hininga na dumadampi sa aking leeg.
"O-opo e," sagot ko na lang.
"Ang bango mo naman," komento nya habang nasa ganoong posisyon pa din at aktong inaamoy ang leeg ko.
Parang nararamdaman ko na dumadampi na ang mga labi nya sa leeg ko.
Di na ako makakilos. Anong gagawin ko? Anong ginagawa nya.
Buti na lang tumayo sya agad at bahagyang lumayo sa akin.
"Matanong ko lang Lee, anong meron sa inyo ni Sage?" tanong nya na nagpagulat sa akin.
Itutuloy............
BINABASA MO ANG
All Boys School
Short StoryThis is a YAOI theme, so meaning, this is a boyxboy love story. Sage ang Lee are classmates in an all boys school. They were classmates since first year but they were never close. Lee is a nerd, while Sage is just so popular because he is the drumme...