Chapter Three

97 8 0
                                    


Kahit hilung-hilo, pinilit ni Jade na sumagot sa sinumang kumatok sa pinto, "C-come in."

Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang pagkatangkad-tangkad na lalaki.

"Good evening." His smile made her heart beat faster at sa dibdib niya na sana ililipat ang isang kamay kung hindi lang siya nanlalata. Kinalimutan na rin niya ang tanong sa isip kung bakit ang bilis nitong nakarating doon sa opisina niya.

Nawala ang ngiti nito nang mapansin ang hitsura niya. "Hey, are you all right?" Mabilis itong nakalapit at bago pa siya makatanggi, hawak na siya nito.

Parang babagsak siya sa carpeted floor kapag bumitiw siya rito kaya ikinapit niya ang mga kamay sa mga braso nito at isinubsob sa dibdib nito ang mukha. Kung wala ang pakiramdam na iyon na parang may jackhammer sa utak niya, baka na-enjoy niya ang mainit nitong yakap, ang matitigas na kalamnan at ang suwabeng pabango nito.

"Hey, Jade," yuko nito sa kanya, "huwag mo naman akong takutin. Tell me kung ano'ng nangyayari."

"J-just migraine. Do me a favor please." Bakas sa mukha nito ang pag-aalala nang tingalain niya. "Please call the guards' number, nakasulat d'un sa phone book 'yung number. Pabibilhin ko lang ng mefenamic acid."

Sa gulat niya, mabilis pero marahan siya nitong minaniobra and on the next second, he was carrying her toward the settee. Maingat siya nitong ibinaba roon. Kinuha pa nito ang isang throw pillow para ilagay sa ilalim ng ulo niya. Naramdaman niya ang daliri nito na mabining nagpalis ng ilang hibla ng buhok niyang tumabing sa kanyang mukha. Pagkatapos, dinama nito ang noo niya bago siya iniwan.

Dahil nahihilo siya kapag nakadilat, pinanatili niyang nakapikit ang mga mata kahit pa nga gustung-gusto niyang makita si TJ. Naulinigan niyang kinausap nito ang guard sa telepono. Pagkatapos, naramdaman niyang nasa malapit lang ito muli. He took her hand in one, habang ang kabilang palad ay ginamit nito para haplusin ang mukha niyang pinapawisan na nang malamig.

"Sinabi ko na sa guard ang bilin mo at dumerecho na siya sa drugstore. Pag-akyat niya, dala na niya ang gamot," anito.

"Thank you," aniya bagaman hirap magsalita. "Pakiabot na lang ang bag ko." Mayamaya lamang ay nasa kandungan na niya iyon. Kinapa niya ng isang kamay ang wallet niya. Nang madampot iyon, she fished out for bills at inabot sa lalaki. "I'm not sure pero ang alam ko, may three thousand pa ito. Here, take it. 'Tapos puwede mo na akong iwan. Pasensya na sa ab—"

Inabot nito ang kamay niyang may hawak na bills at ibinaba iyon. "Later, Lady. Later," anito. "Gusto mo ng tubig?" sa halip ay tanong nito.

Tumango siya. Ibinalik niya sa bag ang pera at ibinaba iyon sa sahig. Ilang sandali ay tinutulungan na siya ni TJ na bumangon para makainom ng tubig hanggang sa bumalik siya sa pagkakahiga.

"Okay na ako. Salamat nang marami. Sige na, baka kailangan mo nang umuwi—"

"Huwag ako ang isipin mo." Napansin yata ang pangangatal niya, tinanong nito, "You want me to turn the AC off?"

"I'm fine. Sige na, TJ. I can take it from here."

Hindi siya sanay sa ganito na pinagsisilbihan... inaalagaan. And being the proud woman that she is, hindi rin niya gustong magkaroon ng masyadong malaking utang-na-loob sa isang estranghero. O kahit ang makita siya nito in a moment of weakness. Pero...

"Kahit anong oras naman akong umuwi, puwede. Wala akong asawa o anak na pag-aalalahanin. And this is not a bother really, so just let me stay here and help you."

Naramdaman niya ang mainit-init na telang pumatong sa kanya. Hinigit niya iyon hanggang sa maisubsob niya ang mukha sa malambot at mabangong tela. She knew then, it was TJ's jacket.

Deal of Hearts (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon