HAWAK ANG CELLPHONE na nakadikit pa sa tainga, nagmamadali ang mga hakbang ni TJ upang mahabol ang elevator na pasara na noon ang pinto.
Suwerteng nakasakay siya, subalit gusto niyang ibato ang hawak na cellphone dahil sa inis nang walang Jade na sumagot sa tawag niya.
Tatlong araw na mula noong huli niya itong nakausap at maglilimang araw nang hindi nakikita. Sinabi ng dalaga noong huli silang nag-usap, abala ito dahil may three-day seminar ito sa isang kompanya sa Laguna. Pero masama ang kutob niya. Kailangan bang patayan siya nito ng cellphone kung iyon lang ang dahilan ng hindi nila pagkikita?
Nakakainis pa na nagkasunud-sunod ang meetings niya kaya ngayon niya lamang ito mapupuntahan sa unit nito.
A voice from hell inside his mind was telling him, he was losing her. Pero ayaw niyang tanggapin iyon. Hindi niya iyon matatanggap!
No, ayaw rin niyang isipin iyon. He's a troubleshooter. Sigurado siya, matutukoy niya rin kung ano ang problema sa pagitan nila at magagawan iyon ng solusyon. Kaya niya iyon, doon ang expertise niya.
Pero ayaw tumigil ng mga tinig sa loob ng utak niya.
Halos takbuhin niya ang daan patungo sa unit ni Jade nang bumukas ang elevator sa ninth floor ng condominium.
Hindi nito sinasagot ang mga tawag niya at balak niyang hintayin ito sa mismong pinto nito. Kung kinakailangan, luluhod siya sa harap nito, huwag lang siyang iwan. Basta, hindi niya ito isusuko nang ganoon na lang.
Pero nabura iyon sa isip niya nang mamataan ang dalaga na palapit sa kanya.
Unlike him na siguradong dugyot na ang hitsura dahil sa puyat at pag-aalala sa dalaga, Jade was looking more beautiful than ever. Mukhang masaya pa nga ito habang nakikipag-usap sa lalaking kasabay nitong lumabas ng elevator at may hawak sa siko nito.
Isang lalaki na gusto na niyang sapakin kaagad pagkakita pa lang sa ngiting ibinigay rito ng nobya.
Sa kanya lang dapat ang ngiting iyon, di ba? Siya ang nobyo nito! She's mine, damn you! gusto niyang isinghal sa estranghero.
"Wala ka pa ring pinagbago, bolero ka pa rin..." sabi pa ng tumatawang babae. Lalo iyong ikinainit ng ulo niya.
Umalis siya mula sa pagkakasandal sa pinto at malakas na tumikhim para kunin ang atensyon ng mga ito.
"TJ..." tila nabiglang usal ni Jade.
"The one and only," sarcastic na turan niya. Matalim ang tingin niya sa dalawa. "May kasama ka..."
"Si Timothy," anito. Nilingon nito ang kasama. "He's TJ."
"Her boyfriend," dugtong niya bago nilapitan ang lalaki at inalok ang kamay rito. Tinanggap iyon ni Timothy and they shared a firm handshake.
"Hi," sabi pa nito. "I'm her ex. One and only ex."
Nagtagis ang mga bagang niya habang nakatitig sa lalaking gustung-gusto na niyang buntalin. Ito ang nag-break ng puso ni Jade noon. Perhaps also the reason why she swore off relationships with men.
"N-nagkita kami accidentally sa seminar. He was one of the attendees." Alam niyang kinakabahan ang dalaga base na rin sa anyo ng mukha nito at kinig sa boses nito.
Lalo siyang nainis. "At siya rin ang rason kaya mo ako iniiwasan?" hindi na nakapagpigil na usisa niya.
Imbis na magalit at maging defensive, namula ito na parang nabuko niya ito. "TJ, let's talk about this later." Tinalikuran siya nito para kausapin ang isa pang lalaki.
BINABASA MO ANG
Deal of Hearts (Published by Bookware)
Storie d'amoreHindi sa man-hater si Jade Fernandez. Masyado lang siyang independent at proud para mangailangan ng kung sino para sumaya. She believed she could be what she wanted to be, reach whatever she had been dreaming of-kahit pa tumanda siyang mag-isa. Leks...