NAALIMPUNGATAN SI JADE nang maramdaman ang kung anong kumikiskis sa likod ng palad niya. Iminulat niya ang mga mata at natagpuan si Gandalf, ang Golden Retriever na alaga ni TJ. Dinidilaan nito ang kamay niyang nakalaylay sa gilid ng papag na hinihigaan.
This was only the third time na nakarating siya sa bahay ng nobyo sa Bulacan na eksaktong kabaligtaran ng bahay niya. Kung masyadong urban ang location at anyo ng tinitirhan niya, ang kay TJ ay nasa probinsya. Napakaraming puno sa paligid ng two-storey house nito na may mababang bakod sa harap, maliit na gulayan sa backyard. He lives there with his family na nakilala na niya at nakahulugan na rin niya ng loob, gaya ng asong ito.
Ikinilos niya ang kamay para kamutin ang leeg ng hayop. Alam niya nang iyon ang gusto nito dahil itinuro na iyon ni TJ sa kanya.
Lumingon siya sa paligid. Naroon sila sa paborito nilang lugar—ang papag sa ilalim ng isang mayabong na puno ng mangga. Doon sila madalas magkuwentuhan, maglaro ng scrabble, matulog.
Speaking of TJ, she felt his kisses on top of her head. Nilingon niya ito na bahagyang nakahiga sa kanyang tabi.
"He really adores you so much," tukoy nito sa alaga. He had that loving glint in his eyes that made her smile. "Can't I say I can blame poor Gandalf. Like master, like pet, di ba?" pag-misquote nito.
She laughed. "Sira ka talaga!"
May ilang pre-need companies na nag-re-recruit sa kanya para magtrabaho sa mga ito. Pero tinanggihan niya ang mga iyon. However, tinanggap niya ang invitation na maging speaker siya sa leadership and sales training ng mga ito. At matapos ang ikalawang 'talk' niya, na-realize niya na iyon ang talagang gusto niya—magsulat at mag-train ng future company leaders.
Dahil din sa bagong career niya, mas marami siyang oras na libre—na karamihan ay ginugugol niya kasama si TJ. Sa loob ng mga panahong iyon, he never ceased to make her feel good. His touch would always make her feel secure and just thinking about him would put a smile on her lips.
"Anong oras na ba? Matagal ba akong nakatulog?" untag niya sa katabi na nakayakap sa kanya.
Akmang babangon siya nang pigilan siya nito. His one hand cupped her cheek so that their gazes would meet. The look on his eyes was intense with so much emotions. Napasinghap tuloy siya.
"Can you hear it, Jade?" untag nito.
"A-alin...?" Ang tanging naririnig ng dalaga nang oras na iyon ay ang tila pandemonium sa loob ng dibdib niya.
"The crashing sound. It's my heart, Jade. I think I've fallen in love with you real hard," anas nito.
Namilog ang mga mata niya. Ilang segundong napatitig lang siya sa binata na noon naman ay naghihintay ng sagot niya.
He smiled after a while. "Hey, relax. Sabi ko, 'I think'. Hindi pa ako sure masyado. Huwag kang mag-panic agad diyan, oy." Ang boses nito ay may bahid ng pagbibiro, pero lungkot ang nasa mga mata nito.
Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kanya para sabihing, "I... I'm sorry, TJ."
Gusto niyang tadyakan ang sarili nang makitang nasaktan ang binata sa sinabi niyang iyon.
Para saan nga ba ang apology na iyon? Dahil alam niyang nasaktan ito? Para sa pag-ibig na hindi niya matugon? O sorry siya dahil hindi niya magawang makawala mula sa mga unfounded fears niya? O apology ba iyon dahil duwag siya at hindi lamang masabi rito na mahal na rin niya ito?
"Shh... don't be," sabi nito. "I feel very privileged ganitong kasama kita. Although I wanted... needed more from you, hindi ko naman iyon ipipilit sa 'yo. Please, 'wag kang ma-threaten ng sinabi ko. Hindi ko sinabing mahal kita dahil lang gusto kong marinig na sagutin mo 'yun ng 'I love you, too'. Sinabi ko 'yun dahil parang puputok na 'tong puso kung hindi ko pa sasabihin."
Parang may bumara sa kanyang lalamunan nang pigilan niya ang emosyong lumukob sa kanya at napahawak siya sa leeg.
"TJ..." Umiling siya nang walang lumabas na salita sa bibig niya bukod doon.
"Stop right there," pigil nito nang akmang babangon siya palayo rito. Nagmamadaling ikinulong nito ang mukha niya sa dalawang kamay. He did not bother to hide the emotions in his eyes. "Stay, Jade. Okay lang kahit hindi mo pa ako masyadong gusto... kahit may doubts ka pa. Hayaan mo lang akong makasama ka. Iyon lang. Okay lang din kahit katawan ko lang ang gusto mo."
He was smiling at alam niyang gusto nitong ganoon din ang gawin niya kaya nito sinabi ang huling linya. Pero paano ba siya ngingiti kung kitang-kita sa mga mata nito na nasasaktan ito?
She was sure she could trust him. Ang hindi niya masiguro ay kung puwede niyang pagtiwalaan ang sarili niya.
Fear was gnawing at her. She wanted to love him, wanted to trust in the love he was giving her, but...
Nalilitong isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito.
Nagbalikan sa isip niya ang lahat ng takot, pagdududa, sakit at mga alaala...
Hindi puwede. Hindi niya maaaring mahalin nang husto si TJ.
BINABASA MO ANG
Deal of Hearts (Published by Bookware)
RomanceHindi sa man-hater si Jade Fernandez. Masyado lang siyang independent at proud para mangailangan ng kung sino para sumaya. She believed she could be what she wanted to be, reach whatever she had been dreaming of-kahit pa tumanda siyang mag-isa. Leks...