"ANO PALA ang plano mo sa work mo sa Reliance?" untag ni TJ. Itinaas niya ang kutsara at sinubuan ito ng ice cream.
Pagkatapos na pagkatapos nito sa third page na kokompleto sa scheduled to-write nito for the day, kaagad niyang pinagbihis si Jade at namasyal na sila.
Una nilang ginawa ay mag-lunch sa isang restaurant. Pagkatapos, nagmaneho na siya. Wala siyang maisip na pupuntahan at sa totoo lang, gusto lang talaga niyang makasama ang dalaga. Kaya naman nang tanungin siya nito kung saan sila pupunta, kibit-balikat ang naging sagot niya.
Nagyaya si Jade sa Manila Ocean Park and more than watching the colorful aquatic species, TJ enjoyed watching the beautiful reactions on her face. Pagkatapos,nanood sila ng pelikula—o sa mas akmang mga salita, pumasok sila sa sinehan at nagkuwentuhan tungkol sa kung anu-ano, imbis na panoorin ang boring palang palabas. Nang minsang may sumitsit sa kanila dahil sa napalakas nilang boses, nagkatinginan sila at sabay na napangiti. Hinapit niya ito palapit sa kanyang katawan at nanatili sila sa ganoong posisyon habang pabulong na nag-usap hanggang sa matapos ang pelikula.
Nag-early dinner na rin sila sa isang kainan doon at nagkasundong pumunta sa Baywalk pagkatapos. On their way there, napadaan sila sa isang convenience store. May poster sa harap niyon na ad ng isang ice cream at nabanggit ni Jade na gusto nito niyon. Bumaba sila ng kotse at bumili ng half gallon na cookies and cream flavor.
Ngayon ay heto sila, nakaupo sa harap ng Manila Bay habang pinagsasaluhan ang ice cream.
Sa dami ng napagkuwentuhan nila, pakiramdam ni TJ ay sampung taon na silang magkakilala sa halip na kung ilang araw lang. Naikuwento na nila ang tungkol sa kanilang mga pamilya and discovered they had a lot in common. Pareho silang fans ng Lord of the Rings, mahilig sa music ng bandang Our Lady Peace, Chuck TV series at sa French fries.
Just her mere presence beside him, brings ease in his mind and soul. And he would love to get used to this.
Humarap si Jade sa kanya. At parang hindi pa rin siya makapaniwala na kasama niya ngayon ang magandang dilag na ito. If only the commitment-phobic woman would let him stay in her life for the rest of it.
She sighed. "Papasok ako sa Lunes."
He looked at her. "Are you sure?"
"TJ, hindi puwedeng basta umalis ako d'un, di ba? Iisipin nilang totoo 'yung mga tsismis na 'yun. Babalik ako at patutunayan ko sa kanilang deserving ako sa promotion na 'yun, mga buwisit sila!" gigil na sabi nito.
"That's my girl." He smiled. "Mabuti pa siguro, dalasan ko ang punta r'un sa inyo para makita nila na masyadong guwapo ang boyfriend mo—" Pinaikot nito ang mga mata pero hindi niya iyon pinansin, "—para ipagpalit mo lang sa isang 'super moody, badmouth American general manager' mo, di ba?" banggit niya sa adjectives na ginamit nito noon para ilarawan si Kirk Bryce. Parang impersonator na ginaya pa nito ang tono at paraan niya ng pagsasalita, pati ang facial expression.
Napatawa ito and he felt himself staggered by her loveliness.
"Ang sagwa! Ganyan ba talaga ang hitsura ko noon n'ung sabihin ko 'yan sa 'yo? Ang panget!" natatawang komento nito.
Kanya na nga ba talaga ang babaeng ito? Masyadong mabilis ang pangyayari sa pagitan nila at pakiramdam niya, napilitan lang ito na sumang-ayon sa relationship na iyon. Pero nakahanda naman siyang gawin ang kahit ano para mapasaya ito.
Napahawak siya sa tiyan nang maramdaman ang tila pagsuntok doon ng isang malaking kamao.
"Are you okay?" untag ni Jade nang mapansin ang pag-cringe niya. "Masakit ang tiyan mo?"
![](https://img.wattpad.com/cover/123754061-288-k285040.jpg)
BINABASA MO ANG
Deal of Hearts (Published by Bookware)
RomanceHindi sa man-hater si Jade Fernandez. Masyado lang siyang independent at proud para mangailangan ng kung sino para sumaya. She believed she could be what she wanted to be, reach whatever she had been dreaming of-kahit pa tumanda siyang mag-isa. Leks...