[CAM's POV]
Bakit parang napakasungit nya ngayon? nung nakita ko naman sila nung kasama nya sa Canteen eh parang cheerful cxa, pero may kaunti talagang sungit. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na una cxang kausapin, parang ang gaan kasi nyang kasama, kaso nagkamali ata ako, ''Ah! Tourism cxa bro, masama ugali nyan, trust me.'' pero di kasi talaga ako nagpapaniwala sa mga sabi-sabi eh! pinapatunayan ko talaga, kaya nga kinausap ko cxa eh! At aaminin ko, na cxa lang babaeng nagtaray sakin eh ako na nga itong unang nag-approach.
Sa totoo nyan, sinusubukan ko talaga ang Approaching skill ko kasi sabi nila iyon ang kulang sa akin, Mahirap ding masabihang pipi noh? pero sana na nga lang pwedeng i-donate ang voice, idodonate ko na lang boses ko, sayang lang kasi sakin eh, di ko nagagamit.
May angkin din akong kasutilan minsan, kapag natutuwa ako sa kasama ko, dumidepende si Mood eh!
''Wazzup Bro? -Leo
Nandito ako sa Church, may samba ngayon, and heto ako lumilipad ang isip sa babaeng Bipolar na iyon. Hayy!!! Ano bang nangyayari sa akin?
''Okay ako'' -Tinatamad akong magsalita
''Mababasa natin sa Genesis ang pasimula ng lahat at sa ...............- Pastor Elle
Wala talaga ako sa konsentrasyon ngayon mga kapatid sa pananampalataya,
"AMEN"
"Hindi ka ba sasabay nak? -Mama
''Hindi po ma''
''Sige, sa bahay kba magdidinner?
''Di ko po sigurado mama''
''O siya! MAg-iingat ka, huwag magpapagabi ha''
"Opo''
7:30PM at nandito ako sa harap ng university. May mangilan-ngilan pang mga Estudyante, siguro iyong mga night shift.
''Hahahahahhahhahaha, halika na! Hindi tayo sasagasaan ng mga iyan, katakot lang nila noh'' -Boses pamilyar
''KEI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!'' -Boses ng babae, siguro tinatawag iyong babaeng nagpumilit na tumawid, Haisst! may mga tao talagang walang disiplina. Kaya may ginawang Stoplight at PedXing eh.
''TEK-'' Di ko na natuloy sasabihin ko,
KEI? Ung Kei ba na iyon eh iyong babaeng may saltik???
''Haaaay!! (buntong-hininga) -Kei
NApatingin naman ako, Ha!? PAanong nagkita na naman kami.
''Ano ka ba!? Kung di mo na mahal buhay mo huwag kang mandamay. Susme friend! First year pa lang tayo, at bata pa madededo na agad?'' -Iyong babaeng kasama nya lagi.
''Hayaan mo sila''-Kei
Hello!! Dinaanan lang po nila ako? Wala talagang pakiilam eh???. Nakito ko silang pumasok sa Gate, parang Apartment? sinong nakatira doon? Doon kaya ang bahay nya o ng Kaibigan nya, o Boyfriend nya?
BINABASA MO ANG
SI SALTIK AT TAHIMIK *Bow
Teen FictionIto ang kauna-unahang story na isusulat ko, Please bare with me kung may Wrong grammar at spelling na naganap :) Enjoy reading.