''Dito kba kakain?
''Hindi, Nagluto si Ate Ace eh''- Mei
''Di ka pa uuwi?''
''Hanep! Kadarating ko lang aalis na agad? Pwedeng pahinga muna friend?
''Kung nauuhaw ka may tubig na panis sa Freezer''
At ako ay magpapalit na, maglalaba pa ako, Yes! opo. Naglalaba po talaga ako, nasa probinsya pa lang ako, ako na ang dakilang labandera sa bahay.
''FRIEND!!!!!!!!!!!'' Kung makatili naman! Ako na napababa pa, Partida, Magsusuot pa lang ako ng T-Shirt!
"Bak---'' Hindi ko na natapos sasabihin ko, Anakteteng! CAM????????? Totoo ba ito? todo madali ako sa pagsuot, pwede naman tumakbo sa CR para doon na ituloy ang pagbihis di ba?
''Ano pong kailangan nila? -Mei, todo ngiti pa iyan, ganyan po kasi cxa magpacute. Landi lang eh noh?
Nakalabas na ako ng CR ...
''Im checking on her'' Sabay nguso sa akin
Foul?!!!!!! Anong meron at kailangan nya pa akong gambalain???????
"Sige friend, mauna na ako''-Mei
''Huwag! akala ko ba mahal mo pa ang buhay mo?
''Tanga lang?, Uuwi na ako, nasaan ang sense mo friend?- Mei
''Nawawala, pwede pakihanap?
"jusko naman! aabalahin mo pa ako pauwi na nga ako''
''Engot! K.BYE''
At heto ngayon, tinitignan ko ng masama si Piping pakiilamero. Ewan ko pa dito sa Gatas na naging tao na ito??? Close ba kami para na lang pumasok bigla? At ito naman kasing si Memei, Crush lang nya eh pinapasok na agad? hindi ba niya ako naisip? Bahay ko ito! Hello!!! At bigla pang umalis, binibigyan nya kami ng Private moment???? kasi kung oo, pwes! dun cxa nagkamali. Maiinis lang na naman ako dito.
''Feel at Home na lang, at nakikita mo naman siguro wala akong madaming gamit, di mo naman pag-iinteresan iyang mga iyan di ba?, Maglalaba na kasi sana ako, pakitawag na lang ako sa likod kapag may kailangan o problema ka. maiw--''
''Nice place''- Roaming around
''I know, kumain ka na ba?''
Paanong hindi nice eh walang kalat, walang kalat kasi walang gamit. Bakit? kasi ako lang naman po ang nandito, ayoko naman punuin ng gamit to kasi natatakot ako baka pagnakawan ako, ganito pa naman sa Maynila, kaya tama na ito. iyong kailangan ko lang ang nandito.
''Hindi pa,''
''Pasensya kna, hindi kita maaasikaso ngayon, may gagawin pa ako eh at kailangan ko na itong matapos. Maaga pasok ko bukas at gabi na uwi ko. kung okay lang naman sayo, kung gutom ka bahala ka ng mangiilam sa mga gamit ko. Sakin okay lang, pinapahintulutan kita''
''Okay''
Heto na naman cxa, napipi na naman, di kaya mabaho hininga nito?
BINABASA MO ANG
SI SALTIK AT TAHIMIK *Bow
Teen FictionIto ang kauna-unahang story na isusulat ko, Please bare with me kung may Wrong grammar at spelling na naganap :) Enjoy reading.