Back

19 0 0
                                    

‘’Pasensya na po kayo ma’am, hindi po ako nakapagpaalam na aalis ako, may nangyari lang pong masama sa bahay kaya napasugod na po ako agad’’

‘’Naiintindihan ko, pero sa susunod Huwag mo ng uulitin, dahil hindi na ako magbibigay ng isa pang pagkakataon’’

Sobra ang ginhawa ko ng malaman kong bibigyan pa ako ni ma’am ng isa pang chance. Mahalaga kasi sa akin ang grado ko, ayaw ko naman magkaroon ng singko,

‘’Salamat po ma’am’’

‘’Ayaw ko ng mauulit ito Ms. Aranzamendez, sa next meeting ko na lang ibibigay ang topic mo’’

‘’Opo ma’am, okay na okay lang po sakin iyon, alis na po ako, pasensya na rin po sa istorbo’’

 Ang gagawin ko na lang ngayon ay ang humiram ng notes sa kaklase ko para sa mga namiss kong lesson, 3days akong nawala kaya malaking kawalan sa akin iyon. At pupunta ako sa Office ng Org ko para humingi na rin ng dispensa.

 ‘’Saan ka nanggaling? May problema ka ba?’’, Huh? Si Cam Ba ito?

Saktong lumingon ako at nakita ko si Cam, si Cam nga, ‘’Sa province’’

‘’Anong ginawa mo doon?, umalis ka ng walang paalam, marami ka ring naiwang mga commitments dito, hindi mo ba naisip un? O umuwi ka lang para sa wala?’’

Para sa wala? Wala lang ba ang Lola ko? Ang lola ko na lang ang mayroon ako, at hindi ko pa pahahalagahan? Ano un? Wala na akong puso?

‘’Hindi mo alam ang sinasabi mo, so please shut your mouth!’’

‘’Anong hindi ko alam?, hinanap kita kung saan ang alam kong pupunta ka’’

‘’Huwag ka ng magsalita, nandito naman na ako, at alam ko kung ano ang mga naiwan ko at handa akong ayusin iyon’’

Humawak sa braso ko, ‘’Sabi ko sayong Huwag na Huwag mo akong tatalikuran kapag magsasalita ako’’

‘’If you don’t mind, Don’t touch me!’’, napu-frustrate na ako, Waaaaah!!

‘’Iniisip ko tuloy na wala kang tamang asal, hindi ka siguro naturuan ng mabuting asal ng magulang mo’’

Okay lang sa akin kung ako na lang, pero kung ang magulang ko, na pamilya ko, ibang usapan na.

‘’May alam ka ba Cam para magsalita ka ng ganyan?’’ Wala kang alam, at higit sa lahat wala kang karapatan para tanungin kung ano bang pagpapalaki ang ginawa sa akin ng kung sino man’’

‘’Sa nakikita ko kasi sa iyo, wala kang modong tao, kaya iisipin kong hindi ka napalaki ng tama’’

Tama na! Mas parang doble ang dating sa akin ng mga sinasabi niya,ang isiping, ang Lolo at Lola ko ang nagpalaki sa amin,na wala sa hinagap kong hindi nila kami napalaki ng tama, at ang mga magulang ko mismo, na wala sa tabi namin para gabayan kami. Ganito ba talaga kapag kulang ka sa gabay na mula sa mga magulang mo, parang nagmumukha kang rebelled ngunit sa totoo lang, namimis-interpret ka lang nila.

‘’oo! Wala akong magulang nagumabay sa akin, okay na ba sayo? Masaya ka na?’’

Sa sobrang sama na ng loob ko, ang gusto ko na lang gawin ang maglakad kung saan.

SI SALTIK AT TAHIMIK *BowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon