Chapter 15: Is Not Self-seeking
"Selfishness is the root problem of the human race; it is the antithesis of love, which is self-sacrificing." –Steven Cole
"Love does not talk too much but listens as well. Love does not insist on its own way. It is always willing to defer to others."-Keith Krell
***
"WE'RE SO ma-drama. I'm so ma-drama, actually" maarteng wika ni Eunice habang nagsasayaw sila. Imbes na maiyak ay napangiti na lang siya. Her heart was overwhelmed. Geoff is too selfless. A total opposite of her.
Kaya siguro maraming nagsasabi sa kanila noon na "perfect match" sila. They complement each other. All the things she wanted ibinibigay nito kahit wala nang matira rito.
"Hindi naman na bago iyon. Sanay na 'ko sa'yo," natatawang sabi nito.
Nahampas niya ito sa braso. "Well, ikaw lang kasi nakaka-handle ng dramas ko sa buhay."
"And your tantrums and bratty acts. Basta ikaw! I will always be here for you," he gently said and held her hand.
Oh, how fortunate she is to have a bestfriend like Geoff. Ito na rin siguro ang magandang resulta ng pakikipagbuwag niya rito.
Sometimes, the perfect match could be just great as the best of friends.
May mga bagay sigurong hanggang sa pakikipagkaibigan lang. She's really glad that she has Geoff by her side kahit alam niyang nasaktan niya ito noon.
Pagkatapos nilang magsayaw ay nagdesisyon na si Geoff na ihatid siya pauwi. After an hour nasa tapat na sila ng bahay nila ni Terrence.
"Oh, someone's patiently waiting for his wife to come home," nakangising sabi ni Geoff nang makita si Terrence na nasa terrace.
Napailing-iling na lang siya. "Baka nagpapahangin lang siya."
"O baka talagang hinihintay ka. Must be part of your 'pretend love' for each other," he teased.
Inirapan niya lang ito. Bumaba ito ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto.
Pagkalabas ay napatingala siya at nakita si Terrence na nakatingin sa kanila. She smiled at him. He smiled back.
Napabaling ulit siya kay Geoff nang kunin nito ang isa niyang kamay. "Thank you for tonight, cherie," pagkuwa'y masuyong hinalikan nito ang likod ng palad niya. "Pagkatapos nang hinihinging tulong nina Lola baka bumalik na rin ako agad ng Paris. Hindi ko rin matagal na maiiwan ang kompanya namin doon."
Kaedad ni Geoff si Terrence kaya naman sa edad nito ay hinahawakan na nito ang malaking kompanya ng pamilya nito.
"Ang susunod na pagkikita natin baka sa Paris na ulit...kung babalik ka pa roon,"
"Of course, I will. May fashion gala akong aasikasuhin by next month. Kaya lang naman ako umuwi ng Pilipinas dahil nga..."
Makahulugang ngumiti ito. Hinaplos nito ang buhok niya. He tucked some loose hair behind her ear then caressed her face. "After this, I know you'll find the love you've been trying to define for so long."
Pagkuway mabilis siya nitong hinalikan sa mga labi.
Napasinghap siya. "Geoff!"