Chapter 21: Love Always Protects

201K 3.6K 501
  • Dedicated kay Chelsea Virtucio
                                    

Chapter 21: Love Always Protects

"Love doesn't broadcast the problems of others. Love doesn't run down others with jokes, sarcasm or put-downs. Love defends the character of the other person as much as possible within the limits of truth. Love won't lie about weaknesses, but neither will it deliberately expose and emphasize them. Love protects." –Steven Cole

***

HUMIHIKBI si Rachelle habang tinutupi ang ginawa niyang sulat para sa dalawang taong naging mahalagang parte ng buhay niya. Nanghihinang ibinaba niya ang ballpen na ginamit at saka nilagay ang dalawang sulat sa ilalim ng unan niya.

            "Ate..." untag sa kanya ng kinakapatid niyang si Chelsea.

            Mabilis niyang pinunasan ang mga luha.

            "O, nandito ka pala," nakangiting wika niya.

            Nginitian din siya nito. "Kumusta ka na, Ate Rachelle?"

            Nagkibit-balikat siya. "Nanghihina na sa bawat araw."

            Nawala ang mga ngiti nito at ipinatong ang dalang mga prutas sa ibabaw ng side table ng kamang hinihigaan niya. "Ayaw mo pa ring magpagamot, ate?"

            Marahan siyang umiling. "Sinabi naman na ng doktor na nasa huling stage na 'ko at hindi na talaga malulunasan."

            "Hindi ka ba lalaban para sa asawa at anak mo, Ate?"

            Mapait siyang napangiti. Mag-iisang buwan na siya sa ospital ngunit kahit minsan ay hindi siya binisita ng asawa niyang si Alfred kasama ang mag-iisang taong gulang nilang anak na si Renz. Anak niya si Renz mula sa dating nobyo na si Terrence ngunit tinanggap nang buong puso ni Alfred ang anak niya nang magdesisyon itong panagutan siya.

            Sa nakalipas na mahigit na isang taon mula nang magbuntis siya ay hindi siya iniwanan ni Alfred. Lagi itong nasa tabi niya. Hindi ito sumuko hanggang sa tuluyang mahulog ang loob niya rito at mahalin na rin ito. Inalis ni Alfred ang sakit na dinulot ng relasyon niya kay Terrence.

            Mahal na mahal siya ng asawa. Mahal na mahal niya rin ito. Ngunit magmula nang ma-diagnose siya na may stage four breast cancer at napagdesisyon niyang huwag na lang lumaban, nagtampo sa kanya si Alfred. Hindi raw siya nito bibisitahin hanggang sa mapagdesisyunan niyang lumaban.

            "Wala naman tayong pera para ma-maintain ang chemo kung sakali. Hindi pa natin alam kung magtatagumpay iyon," nanghihinang sabi niya. Hindi naman kasya ang kinikita ni Alfred na isang simpleng store manager sa isang sikat na department store sa Cebu City. Mas mabuting mag-ipon na lang ang asawa niya para sa kinabukasan ng anak nila.

            Napabuntong-hininga si Chelsea. "Bakit kasi ang hirap natin, eh."

            Natawa pa siya at tinapik-tapik ang kamay nito na nasa ibabaw ng higaan. "Siguro... h-hanggang dito na lang talaga ako." Sa kabila nang pagngiti ay nangilid ang luha sa mga mata ni Rachelle.

            Kung hindi lang sinabi sa kanya ng doktor na wala na talagang pag-asa, susubukan naman niyang lumaban. Sino bang ina ang gustong maiwan ang anak niya? Sino bang asawang babae ang gustong mabiyudo agad ang asawa niyang lalaki?

            Ngunit alam ni Rachelle na may plano ang Diyos sa kanila. Alam niyang may plano ang Diyos para sa kanya, kay Alfred, kay Renz... kay Terrence at Eunice.

Love at its Best (Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon