Epilogue: Love at its Best
BECAUSE of Eunice's new found faith, she was taught how to write her realizations in a journal. Sabi ni Terrence sa kanya, malaya siyang isulat ang mga reflections niya na nakuha mula sa pagbabasa ng Bible, o kaya ay pagbabasa ng devotional passages.
She excitedly turned to the very first page of her journal and she started to write...
Sa mundo kung saan napakaraming kahulugan ang pag-ibig, minsan naililigaw ka sa tunay na kahulugan niyon. Karamihan, kapag "love" ang pinag-uusapan, ang unang pumapasok sa isip ng tao ay tungkol sa tinatawag nating "romantic love".
Pero alam naman ng lahat na hindi lang iyon ang ibig sabihin ng pag-ibig. Nakakakilig man at tagos sa puso ang ibang kahulugan niyon, nakaka-relate ka man dahil napagdaanan man o hindi, may mga pagkakataon pa rin na conditional lang ang meaning ng love na iyon. Ang kahulugan na kailangan na mapahalagaan ay iyong depinisyon na kahit sa ano mang pangyayari ay magagamit mo.
Sabihin na nating, oo, napaka-cruel ng reality, maraming naglipanang masasamang tao, maraming mapanghusga, manloloko, sinungaling, magnanakaw, mapang-api, pasikat, at epal. Pero, hindi ganito ang buhay kung pupunuin natin ng pag-ibig ang mga puso natin.
Ako mismo ay isa sa mga taong hindi alam kung anong paniniwalaan tungkol sa tunay na kahulugan ng love. Matagal na nakulong ang puso ko sa lungkot at galit dala ng naging experience ko mula pagkabata ko...
And then I finally got it. I've been searching for a long time, but all along, the best meaning of love was defined ever since!
"Love is patient". Ang pag-ibig ay matiyaga.
"Love is kind". Ang pag-ibig ay magandang-loob. Sa pagpapakita mo ng kagandahang loob ay kusang susunod ang mga ito;
When love is kind...
"It does not envy". Hindi maiinggitin ang pag-ibig...
"It does not boast". Hindi mayabang...
"It is not proud". Hindi mapangmataas...
"It does not dishonor others". Hindi magaspang ang pag-uugali...
"It is not self-seeking." Hindi makasarili...
"It is not easily angered". Hindi mabilis magalit...
"It keeps no record of wrongs". Hindi mapagtanim ng galit sa kapwa.
"Love does not delight in evil". Hindi natutuwa ang pag-ibig sa gawaing masama.
"But it rejoices with the truth". Masaya ang pag-ibig sa katotohanan. Katotohanan sa mga salita ng Diyos.
Siguro nga at napakahirap sa'tin na magawa ang mga ito. Sino ba kasing hindi magagalit kapag napuno na? Sino bang hindi sumasabog kapag sumosobra na ang mga bagay? Sino bang hindi nakakapagtimpi kapag inaapi-api na? Sino bang hindi gustong gumanti kapag ginawan ng masama? Sino ba?
Pero kahit ganoon, ang mahalaga ay patuloy mong sinusubukan ang pagkilos na may pag-ibig sa'yong puso. Kakilala man o hindi, you should show them the act of love.