Chapter 23: Love Always Hopes
"...love "hopes all things." This is simply a step beyond believing... Of course, "always hoping" doesn't mean that we sit back and just watch God do His thing. Rather it means that we get actively involved in the process as He molds the future according to His perfect plan. Love hopes and expects the best..." –Keith Krell
***
"MUKHANG mahihirapan din tayo na mahanap si Alfred at ang baby kung palipat-lipat din sila ng tinitirhan. Ganoon ang nangyari noon kaya nahirapan kaming hanapin si Rachelle," imporma ni Matthew kay Eunice habang kausap ito sa cellphone.
Napabuntong-hininga si Eunice at napatingin kay Terrence na patuloy pa rin sa malalim na pagtulog nito. "Ituloy pa rin natin ang paghahanap, Matt. Hindi naman siguro nagtatago si Alfred... Maybe, he just needed time alone dahil sa nangyari kay Rachelle."
"Iyon din ang tingin ko. Sige, Eunice. Tatawagan kita ulit kapag may nahanap ulit akong lead," paalam sa kanya ni Matthew.
Pagkatapos ng tawag ay itinago na ni Eunice ang cellphone sa bag at saka naglagay ng rubbing alcohol sa kamay.
"Terrence, kaunti na lang siguro mahahanap din natin si baby Renz," kausap niya rito. Marahan niya pang hinagod-hagod ang benda sa ulo ng asawa na halatang may mga buhok na muling tumutubo. Kinalbo kasi ito pagkatapos ng aksidente upang tahiin ang malaking hiwa na natamo nito sa ulunan.
"Ang sabi sa'kin nina Chelsea at Cara, kamukhang-kamukha mo raw ang baby." Pinasadahan niya rin ng masuyong haplos ang mga nakapikit nitong mga mata. She misses his brown eyes and the way it looks at her.
Kasunod niyang hinaplos ang mukha nitong mas pumayat. "Nanghingi nga ako ng picture para kung sakaling m-magising ka at hindi pa namin nahahanap ang baby, at least, makikita mo na siya kahit sa picture lang muna."
Tinitigan ni Eunice nang matagal si Terrence. Kahit may mga nakakabit sa ilong at bibig nito, kahit maraming nakaturok sa kamay at braso nito, at kahit sobra na itong nangangayayat –para kay Eunice, Terrence is still the most handsome guy she instantly fell in love with once upon a time in a coffee shop.
"It's time for a sponge bath, Terrence," she whispered. Lumabas sandali si Eunice at nagpa-assist sa isang nurse.
Mabilis ang naging paggaling ni Eunice mula sa aksidente. Naghilom nang mabilis ang lahat ng pasa at sugat na natamo niya. Maging ang pagkapilay ng paa niya ay umayos pagkatapos ng apat na araw na pananatili niya sa isang ospital sa Cebu. At nang malaman niya ang totoong kalagayan ni Terrence, nangako siya sa sariling siya ang mag-aalaga sa asawa. Although, Terrence's parents and his other relatives help her, sinisigurado niya na lagi pa rin siyang nasa tabi ni Terrence. Kaya nga hindi na siya nagdalawang-isip pa na iwanan niya na ang nagsisimula pa lang na career sa Paris.
Pumasok ang isang nurse na may dala-dalang malinis at maligamgam na tubig at tuwalyita. Pinatay na rin nito ang aircon nang umpisahan niyang tanggalin ang hospital gown na suot ni Terrence. Inalalayan siya nito sa pag-angat ng katawan ng asawa.
Inumpisahan niya nang punasan ang buong katawan ng asawa. Habang pinupunasan niya ang dibdib nito pataas ay patuloy ang pagkukuwento niya rito.
"Alam mo, Terrence. Bukas ng umaga, sisimulan ko nang tulungan sina Karl at Josh. I think ang magbabantay muna sa'yo ay sina Gwen at Alyn. Lumuwas kasi sila rito para mabisita ka ulit," aniya pa habang pinupunasa na rin ang braso nito pababa sa kamay nitong walang suwero. "Baka bisitahin ka rin ng staff mo sa opisina by tomorrow afternoon. Nami-miss na kasi nila ang paborito nilang engineer at boss. Nabalitaan ko pa nga na si Nunaly, yung secretary mo? Sila na raw ni Arman."