Jeepney Hair -4/29/14

112 9 4
                                    

     Sa kahabaan ng EDSA, wala pa ring usad ang daloy ng trapiko. Marami na rin ang sasakyan sa piligid, ang mga taxi na aircon, pampasaherong bus, kotse na kinokotongan ng mga pulis, at mga jeep na hari ng kalsada.

     Si Daniel, isang kabataang nag-aaral sa isang sikat na paaralan. Madalas siyang nasakay sa mga pampasaherong jeep at lagi na lang sa tanang buhay niya ay may babaeng mahabang buhok na hindi man lang magawang mag-ipit para hindi hanginin ang buhok.

     Katulad na lang ngayon. Isang babae na basa pa ang buhok ang nasa harap ni Daniel.

"Ano ba yan. Gagawin niya bang patuyuan ang jeep? Ang sakit sa mukha ah," bulong ni Daniel.

     Ayos lang kung hinahangin lang papunta sa kanya ang buhok. Ang kaso ay biglang huminto ang jeep at napasubsob siya sa buhok ng babae. Sa gulat ay nakabig niya ang buhok ng babae at biglang natanggal.

"WIG?"

Meron akong Kwento! (Chika mo sa Pagong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon