Master Move -5/1/14

93 9 4
                                    

     Mainit ang bawat galawan. Hindi mapigilang mamawis ng dalawa sa loob ng mainit at medyo madilim na kwarto. Bawat pagpasok ay tansyado para walang mintis. Hindi rin nila mapigilang mapapikit sa bawat sandali na titira na.

"Sh*t!" utas ni Kulas.

     Ang tunog ng bawat pagdiin ay rinig na rinig. Ang walang humpay na pagpikit ay hindi tumitigil. Ang pagkagat sa ilalim ng mga labi sa tuwing nahihirapang igalaw.

    Si Nadine na ang magpapasikat. Hawak na ng babae ang matigas na bagay. Diniinan niya ito. Inilapit sa bibig habang nakadiretso ang tingin kay Kulas. Unti unting napapangiti ang dalaga. Ang mapang-akit nitong tingin. Sa sobrang gigil ay hindi na nakapagpigil pa si Nadine. It's her time to shine and make Kulas proud.

     Nagpatuloy ang galawan. Malapit na silang matapos. Malapit na nilang parating ang rurok. Isang galaw na lang ay lalabas na. Iyan na... malapit na... lalabas na...

"Checkmate!" sabi ni Nadine.

ang tunay na nanalo sa nilalaro nilang Chess.

"Round 2?"

Meron akong Kwento! (Chika mo sa Pagong)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon