Gabi. Alas onse na at bilad na bilad ang bilog na buwan. Walang kaulap-ulap. Sa gubat kung saan may isang babae na natakbo. Takot na takot. Pilit na sumisigaw ng tulong. Pero walang nakakarinig. Sa kaluskos ng mga halaman ay mas lalong tumindig ang balahibo ng babae.
"Panginoon, 'wag niyo po akong papabayaan."
Nagpatuloy lang sa pagtakbo ang babae. Pilit pa rin na nasigaw. Natatakot sa maaaring gawin ng nahabol sa kanya. Isang lalake na may hawak na patalim.
Ilang beses din nagpaliko-liko ang dalawa.. Hanggang nakarating sila sa isang parte ng gubat na walang kapuno-puno.
Sanhi ng malaking bato ay nadapa siya at hindi na nakabangon pang muli. Takot siyang umusog habang nakatingin sa lalake. Nakadinig pa siya ng ilang sigaw mula sa ibang tao. May kasama siya.
Nabuhayan siya ng loob pero nawala rin iyun nang ma-corner silang lahat ng mga humahabol sa kanila. Lahat sila ay nakulong sa gitna ng parte ng kagubatan. Iba't ibang uniporme ang suot ng mga hinahabol, pero iisa lang ang nararamdaman nila. Takot na takot. Pero may isang kapansin-pansin sa mga humahabol sa kanila. Pare-pareho ng dalang patalim, isang malaking ballpen. Nagtama ang liwanag sa mga kamay ng humahabol sa kanila at nanlaki ang mga mata nang mapagtanto kung sino ang mga ito.
"BIR?"
![](https://img.wattpad.com/cover/15591522-288-k659722.jpg)
BINABASA MO ANG
Meron akong Kwento! (Chika mo sa Pagong)
De TodoKompaylasyon ng mga dagli (below 500 words) na sinulat sa dingding ng banyo, sa likod ng kwaderno, sa ilalim ng bangko, at sa ulo ng panot na guro.