Heto na naman siya. Nakatayo sa harap ng bahay ng kanyang napupusuan. Hinaharana gabi-gabi sa saliw ng iba't ibang musika. At sa tuwing ginagawa iyun ng binata ay kilig na kilig sa kanya ang dalagang nagngangalang Maria.
~~Minamasdan kita, nang hindi mo alam.~~
~~Pinapangarap ko'y ikaw ay akin.~~
"Ang ganda talaga ng boses niya. Nakakainlove. Kaya lagi akong may ngiti sa mga labi tuwing matutulog eh," sabi ni Maria habang kilikilig. Para siyang lalake na umiihi.
"Alam mo, anak!"
"Hindi po, 'nay."
"Itigil mo na nga yang kilig na 'yan," ang sabi ng kanyang nanay at sinara na ang bintana na kinalungkot naman ng dalaga.
"Bakit, 'nay? Dahil ikaw ang hinaharana niya?" inis na tanong ni Maria. Hindi niya na rin mapigilang maiyak.
"HINDI!" sigaw ng nanay niya.
"Ah. Maria. Nandiyan ba tatay mo?" narinig niya ang boses ng nanghaharana.
"Kita mo na? Ang totoong pakay niya ay ang tatay mo. Naging kaagaw ko pa nga iyan bago kami ikasal. Mukha lang siyang binata, pero binabae yan na may iniipit!"
BINABASA MO ANG
Meron akong Kwento! (Chika mo sa Pagong)
De TodoKompaylasyon ng mga dagli (below 500 words) na sinulat sa dingding ng banyo, sa likod ng kwaderno, sa ilalim ng bangko, at sa ulo ng panot na guro.